Chapter 02: The Energy
"What the f?!" Sigaw ko nang biglang lumabas ang isang kuneho. Argh! Walang’yang kuneho na 'to! Ang lakas manakot!
Napasapo ako sa aking dibdib habang dinadama ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
I could feel the fast beating of my heart all over my body nang dahil sa nerbyos! Habol-habol ko ang paghinga ko habang masamang tinitingnan ang kuneho. Balak pa ata akong patayin ng kuneho'ng 'to!
"Hoy, kuneho ka! P’wede ba? Kung mananakot ka sabihin mo sa’kin! Walangyang kuneho ka!" Sigaw ko sa kuneho na parang magsasalita ito at pipigilan ako sa pagbabato sa kan’ya ng masasamang salita.
Pero ang nagpatigil sa akin ay ang biglaan nitong pag-imik.
"Hoy, babae! Ikaw ang pumunta rito kaya dapat lang na matakot ka!"
I looked at the rabbit with wide eyes open. Napamaang ako at ilang sandaling natigilan bago ko tinapik-tapik ang ulo ko. Nababaliw na nga siguro ako. Pati naman kuneho iniisip kong nagsasalita?
"N-nagsasalita ka?" Siguro sa mga oras na ito ay maputlang maputla na ang aking mukha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot na bumabalot sa buong sistema ko. Para akong tumatakbo sa isang race!
"Y-you can understand me?" Tanong ng kuneho sakin na siyang mas lalong ikinatakot ko. Putakte! Nagsasalita nga!
Mas lalong bumilis ang takbo ko nang sumagot pa ito. Teka, totoo ba 'to? Posible ba talaga ang managinip ng gising? Hindi naman siguro ako nakatulog habang pumapasok sa loob ng gubat, 'di ba?
"T-teka! B-bakit ka nagsasalita? B-bakit kita naiintindihan?" Nagtatakang tanong ko sa kuneho
"H-how come?" She asked back.
"N-nababaliw na siguro ako,” wala sa sariling sambit ko. Nakita ko namang lumaki ang mata nya na parang nagulat sa sinabi ko.
"Come with me." Aniya at nagsimulang magtatalon papunta sa mas pinakamadilim na parte ng daan na tinatahak ko.
"T-teka! Saan ka pupunta? H'wag mo kong iwan dito!"
Mabilis akong sumunod sa kuneho at sinigurado kong malapit lang ako sa kaniya dahil kahit papaano ay nararamdaman kong safe naman ako kapag kasama ito
"Sumunod ka na lang sakin. Maraming mababangis na hayop sa lugar na ito kaya dumikit ka lang sa akin." She continued jumping while I'm still walking in my fast pace. Ang bilis naman kasing tumalon! Napapag-iwanan tuloy ako...
Habang naglalakad ay pinuno ng mga tanong ang aking utak.
Paano kung hindi ako nagmatigas ang ulo at sinunod ang utos ni Miss na mag-solve na lang, edi sana hindi ako napunta sa sitwasyong ito. Sa sitwasyong pati hayop kinakausap ko na.
Paano kung nag-aalala na pala sa akin sina Sister Jane? Patay na naman ako nito.
Pero, paano kung mas pinangunahan ako ng kaba bago pumasok dito? Edi hindi ko nakita ang buong gubat na ito.
Sa isa muling pagkakataon ay inilibot ko ang aking paningin habang naglalakad nang mabilis.
Kanina ko pang nararamdaman ang bagay na iyon. Kanina pa, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gubat na ito.
Bakit parang may malakas na enerhiya akong nararamdaman sa gubat na ito? Malalakas na enerhiya na wala sa kabilang bakod. Wala sa paaralan ko? Ano 'yon?
"Tahimik ka ata?" Tanong ng kuneho nang mapansing hindi ako umiimik. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing nakikipag-usap sa kuneho na 'to. Iniisip ko tuloy kung baliw na ba talaga ako o ano?
"M-may gusto lang sana akong itanong?" nahihiyang sabi ko. Tumigil siya sa pagtalon at hinarap ako.
"Ano 'yon?"
Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng kapal ng mukha para itanong sa kan'ya ang kanina pang bumabagabag sa isip ko.
Masyadong nakaka-bother iyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko pa ay hinihila ako noong nararamdaman ko at may kung anong koneksyon sa amin.
"Kanina, pagkapasok ko sa gubat na ito, may nararamdaman akong energy na parang nagmumula sa may pusod ng gubat? Ayos lang ba kung itanong ko kung ano iyon? Para kasing itinatago ang enerhiyang iyon. Parang... gustong lumabas?" I bit my lower lip because of nervousness. Paano kung magalit ito sa naging tanong ko tapos magtawag ng mga kakampi?
Pero mukhang hindi naman. Dahil namamangha niya akong tiningnan. Nailing ako sa paraan niya ng pagtitig kaya napatingin ako sa sapatos ko.
Oo nga pala! Naka-uniform pa ako mula sa school ko!
"You feel that?" I could sense her amusement from her voice. I looked at her and nod my head even though I'm wondering.
"B-bakit?" I asked. She shook her head and looked away from me before jumping again.
Napakunot na lang ako ng noo dahil sa inasta niya. Something is wrong, I can sense it.
Sumunod na lamang ako sa kaniya at ilang minuto pa ang hinaba ng paglalakad ko at pagtalon niya bago siya tumigil na naging dahilan ng pagkakakunot ng aking noo.
"We're here."
Her eyes were locked up in front kaya naman napatingin na rin ako. Nanlaki ang aking mga mata at halos lumaglag ang panga ko nang makita ang tinitingnan ng kunehong kasama ko
"Woah." The word came out from my mouth unconsciously.