Library
English
Chapters
Settings

Chapter 03: Tree

"Woah!"

Manghang mangha ako dahil sa nakikita ko. I never thought na makakakita ako ng ganito kagandang puno. At mas lalong hindi ko inakala na ang punong ito ay nasa likuran ng eskwelahan ko!

Isang kakaibang puno ang nasa harapan namin. Malaki ito na may mayayabong na sanga at dahon. May mga fairies din na lumilipad na parang sila ang taga pangalaga sa puno. Umiilaw ang mga fairies at may mga pixie dust din na lumalabas pag lumilipad sila. May glow pa na pumapalibot dito at kumikinang kinang pa ito!

"Hindi ko alam kung bakit mo nakikita ang mga bagay na hindi dapat nakikita ng isang ordinaryong tao. Pero malalaman ko kung ordinaryong tao ka nga ba o hindi kapag pumasok na tayo sa punong yan," the rabbit suddenly said. Tumingin ako sa kaniya nang may nagtatakang tingin ngunit nakatingin lang naman ito sa puno na tila may iniisip na malalim.

Ordinaryo? Anong ibig niyang sabihin do'n?

"A-anong ibig mong sabihin? May hindi ordinaryo dito?" Nagtatakang tanong ko. Ang tanga mo naman Klaire! May ordinaryo bang nakakapag-usap sa hayop?

"Oo."

My jaw dropped. I took a step backward as I felt my heart beating so fast like it would be out of my ribcage.

Sabi ko na nga ba, e. Dapat hindi na ako pumasok dito. Bakit ba ang kulit-kulit ko? Nasa lahi ba talaga namin ang makukulit kaya naging ganito ako?

Muli akong napatingin sa puno at para akong hinihipnotismo nito. Wala sa sariling naglakad ako muli papalapit sa kuneho hanggang sa katabi ko na siya.

"Anong tawag sa punong ito?" I asked unconsciously. Nabalik lang ako sa wisyo nang sumagot ang kunehong kasama.

"That tree is called Eternal Tree. Ang punong iyan ang nagsisilbing lagusan patungo sa pinakamundo ng mahika. Tanging ang may ibang kakayahan lamang ang kayang makakita sa punong iyan dahil ang mga taong walang kakaibang kakayahan ay isang malaking espasyo lamang ang makikita riyan. Kaya naman nakakapagtakang nakikita mo ang bagay na dapat ay hindi nakikita ng isang pang-ordinaryong tao, unless isa ka sa mga taong nabiyayaan," she explained.

My forehead creased because of her explanation. "Ano ba ang sinasabi mo'ng may ibang kakayahan?"

Hindi siya umimik bagkus ay walang pasabi siyang tumalon papunta sa may puno. Nagulat ako nang biglang nag-iba ang itsura niya. Mula sa isang maliit na kuneho ay naging isang babae siya na may kulay medyo abong buhok at mata.

"H-how?" I stuttered. How come nag-iba ang itsura niya? Tumalon lamang siya patungong puno tapos naging babae na agad siya?

Magician ba siya? Ang galing naman ng ginamit niyang tricks!

"Sa oras na pumasok ka sa invisible na bilog na nakapalibot sa puno ay ma-re-reveal ang tunay na katauhan mo sa panlabas. Ngunit para sa mga taong may ibang kakayahan lamang nangyayari 'yon. Dahil kung isa kang ordinaryong tao, maaari kang mamatay. Iyon ay nangyayari lamang kung may masamang mangyari sa puno at aksidente itong makita ng mga tao," aniya.

"You mean kapag pumasok ako sa bilog na sinasabi mo na nakapaligid sa puno mamamatay ako?" Gulat na sabi ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil paano kung pumasok ako rito at wala pala akong ibang kakayahan? Ayoko pa mamatay!

Ngunit umiling lang siya at seryoso akong tiningnan.

"Hindi ka mamamatay dahil hindi ka naman isang ordinaryong tao. May kakayahan kang makita ang mga bagay na hindi nakikita ng isang pang ordinaryong tao lang."

Mas lalong bumalatay ang pagtataka sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Huh? Hindi ako ordinaryong tao? Paano mo ba nasasabi 'yan? T-tsaka, nasisiraan ka na ba?" Naguguluhang tanong ko.

"Dahil may kapangyarihan ka. Isa ka sa nabiyayaan na magkaroon ng kakaibang kakayahan at hindi ako nasisiraan dahil lahat ng ito ay totoo. Ang kailangan mo lamang ay maniwala, babae," she answered, smiling.

"Ano?" Mas lalong nangunot ang noo ko. Nababaliw na s'ya! At mababaliw na rin ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. Powers don't exist! Walang may kapangyarihan! Walang magics! Puro kalokohan lang ang lahat ng ito! Nananaginip lang ako. Alam ko nananaginip lang ako.

I pinched my cheeks at halos maluha ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkurot ko sa pisngi ko. Paniguradong namumula na ito ngayon.

Kung naramdaman ko ang sakit, ibig sabihin, totoo ang lahat ng ito. Hindi ako nananaginip. Totoo ang mga kabaliwang nakikita ko.

"Why don't you try to enter in the circle?" Biglaang sabi niya na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Napapalunok akong tumingin sa kan'ya at tinanguan lang naman niya ako.

Sigurado ba talaga siya? Paano kung... paano kung nagkamali lang siya sa mga sinasabi niya? Come on! Nasa modern generation na tayo, may mag-e-exist pa bang ganito?

Baka naman kulto ang sinasabi nito? Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa lahat ng sinasabi niya. Parang may parte sa akin na sinasabing maniwala ako.

Muli akong tumingin sa babae na ngayon ay nag-iintay ng maaari kong gawin. Pagkatapos ay tumingin ako sa likuran ko kung saan kami nanggaling at napakagat ako ng labi nang makitang madilim iyon. Rinig ko pa ang pag-ungol ng ilang mababangis na hayop na sa tingin ko ay malapit lamang sa amin dahil malakas ito.

Ano bang naghihintay sa akin 'pag pumasok ako sa loob ng bilog?

"May rason ang lahat ng nangyayari sa'yo. May rason kung bakit tayo nagkatagpong dalawa. Ang kailangan mo lang ay maniwala," the woman suddenly said.

I squeezed my eyes shut before releasing a deep and heavy sigh.

Oo nga naman. May rason ang lahat. Paniguradong ang tadhana na talaga ang naglalapit sa akin sa mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan noon. Kung ano man ang rason ng mga nangyayaring ito sa akin, paniguradong malalaman ko rin sa takdang panahon.

Muli kong iminulat ang aking mga mata at dahan-dahang naglakad palapit sa puno. I walked and walked until I felt a force, maybe the invisible force circling around the tree. And after that, a blinding light force me and the woman to close our eyes.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.