Chapter 01: The Rabbit
(Klaire’s POV)
"Klaire! Bumalik ka rito! Hindi ka pa tapos mag-solve!" Sigaw ni Ms. Castro na guro ko sa Mathematics habang hinahabol ako sa pagtakbo.
Tumigil ako sa pagtakbo at hinarap siya. "Ayoko na sabing mag-solve, eh!" Sigaw ko pabalik.
"Hindi puwede! Bumalik ka rito! Ayaw mo bang matutong mag-solve?! Highschool ka na, hindi mo pa rin alam mag-solve ng equations!"
Napairap ako sa ere nang maraming nagtinginang estudyante sa akin dahil sa isinigaw na iyon ni Miss. Mga tingin na akala mo naman ang gagaling nila. Tss. At hindi ko rin alam kung bakit kinakailangan pa talagang sabihin ng matandang 'to na hindi ako marunong mag-solve ng equation! Badtrip na matandang 'to!
"A.yo.ko." I ran away from her and from the stares of those judgmental students after I said those words.
Tsk. Kung bakit ba naman kasi ang bobo ko sa Math eh! I hate numbers! And I hate that old woman! Argh!
Tumakbo ako nang tumakbo habang hindi iniitindi ang matandang humahabol sa akin.
Bahala siya d'yan. Does she think na sa paghabol-habol niya sa akin ay sasama ako ng kusa sa kaniya? Heck, no! Mapapagod lang siya or worse baka atakihin pa sa puso! At ang masama pa nito, baka ako ang iturong salarin! Tss.
Sa pagtakbo ko ay nakarating ako sa likod ng school. Tiningnan ko muna ang likuran ko kung may nakasunod pero mukhang nailigaw ko naman siya.
Well, good thing. Siya lang mahihirapan, e.
Muli kong ibinaling ang aking paningin sa may bakod. Gubat na ang nasa labas ng bakod ng school at pinagbabawalan na ang mga estudyante na lumiban sa kabila dahil marami na raw nababalitaan do'n na namatay dahil sa mga mababangis na hayop.
Pero dahil dakila akong pasaway at nauuna ang kuryosidad sa’kin bago mag-isip, walang pahintulot akong lumiban sa bakod. Inakyat ko ang may kataasang bakod at iniwasan ang cctv's na nakakabit sa school. Success naman ang pagliban ko dahil hindi naman sobrang mataas ang bakod at magaling din naman akong umakyat.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong gubat bago ako nagsimulang lumakad papasok dito. Hindi ko maipagkakaila na nakakatakot nga ang aura na pumapalibot dito sa loob. Parang anytime may susunggab sa’yo at bigla ka na lang kakainin. 'Tsaka parang laging may nakamasid sa’yo. Aish. Napaparanoid lang siguro ako.
Ipinilig ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Napansin kong dumidilim na ang paligid. Mas dumadami na ang punong nadaraanan ko at mayayabong pa ang mga dahon at sanga nito kaya hindi makalusot ang sikat ng araw.
Tumigil ako sa paglalakad at inilibot ang aking paningin. Kung susundan ko pa ang daan na tinatahak ko ay baka mamatay ako sa takot dahil mas madilim na sa parteng iyon. Pero kung hindi ko naman i-ta-try na sundan ay baka makain nga ako ng mababangis na hayop dito.
Wala akong nagawa kun’di kuhanin ang cellphone sa bulsa at i-on ang flashlight nito at sinundan ang daan.
Sobrang tahimik at dilim ng paligid kaya rinig na rinig ang tunog ng mga umuungol na hayop.
Ramdam ko ang pagtitindigan ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa dumaang malamig na hangin sa likuran ko pero hindi ko na iyon pinag-aksayahan ng oras na pansinin.
Sino bang tinatakot ko, kun’di sarili ko lang din naman.
Napatigil muli ako sa paglalakad nang makitang may dalawang daan akong p’wedeng daanan. Ang isa ay sa kaliwa at ang isa ay sa kanan.
"Saan naman ako dadaan dito?" bulong ko sa sarili.
Tiningnan ko parehas ang dalawang daan. Ang isa ay sobrang dilim at ang isa ay may kakarampot na liwanag akong nakikita ngunit may mga usok sa paligid niyon.
Naalala ko tuloy ang palabas na pambata. 'Yong Beauty and The Beast. Iyong mga oras na namimili ang tatay ni Belle sa kung anong daan ang pipiliin niya, at ang pinili niya ay 'yong may kaunting liwanag na may usok kahit pa ang pinipili ng kan'yang alaga ay iyong madilim na daan.
"I-try ko kaya 'tong madilim?" bulong ko uli sa sarili.
Hayy. Ano ba kasi 'tong pinasok ko? Bakit pa kasi ako pumunta rito? Peste naman!
Pero nandito na ako. Hindi naman puwedeng mag-back out na lang ako bigla. Gusto kong patunayan sa mga tao na walang kakaiba sa gubat na ito. Kagaya lang din ito ng mga ordinaryong gubat.
Naglakad na ako patungo sa may madilim na daan. Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko ang paligid dahil baka biglang may sumunggab sa akin dito.
May narinig akong kaluskos sa may bandang gilid kaya agad akong napatigil upang tingnan iyon.
"S-sino yan?" kinakabahang tanong ko. Humanap ako ng isang bagay na maaaring ihampas and luckily nakahanap ako ng matigas na sanga. Patuloy pa rin ang pagkaluskos kaya unti-unti na akong lumapit nang biglang...
...may isang kuneho ang lumabas.