Library
English
Chapters
Settings

8

"KUMUSTA ka na?" May halong excitement at pagkapahiya na tanong ni Hailey kay Lucio. Halos mag-iisang linggo na simula nang umalis ito sa farm house nila at ngayon lang niya ito naalalang tawagan. Samantalang dati ay hindi siya mapakali kapag hindi niya ito makita kahit isang araw lang. Hindi kompleto ang araw niya.

"Okay naman,"

"Busy?"

"Hmmm... Medyo. Bakit ka napatawag?"

Napangiwi si Hailey. Bakit parang minasama pa yata nito ang pagtawag niya. "Nangangamusta lang. Hindi mo ba ako na-miss?"

"Hmmm..."

"Mukhang hindi nga," mahinang wika ni Hailey. Gusto niyang mapabuntong-hininga. Naunahan naman siya ni Lucio.

"Wala pang isang linggo simula nang maghiwalay tayo, Hailey. Don't be so clingy..."

"Yeah..." malungkot na wika ni Hailey. Mas lalo pa siyang nalungkot nang pagkatapos noon ay nag-excuse si Lucio. Nagpaalam na ito.

Pakiramdam ni Hailey ay wala tuloy siyang halaga sa lalaki. To think na ito lang ang nag-iisang lalaki bukod sa Daddy niya na minahal niya. Napakalaki ng in-invest na feeling niya rito. Pero kahit yata kaunting pagmamahal ay wala siyang nakuhang kapalit.

Malungkot na ibinaba ni Hailey ang cellphone. Pinili niyang huwag na lang munang isipin ang pangyayari. Baka naman mainit lang ang ulo ni Lucio o kaya wala ito sa mood. Tumingin siya sa paligid. Napakurap siya nang makita si Jaxon. Blangko ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. Narinig kaya nito ang pagtawag niya kay Lucio?

"Hey," bati ni Hailey sa lalaki.

Tumango ito. Lumapit ito sa kanya. "Sino 'yung kausap mo?"

"Ah, si Lucio. Kababata ko at malapit na kaibigan,"

"You looked so much excited when you first talked to him,"

So narinig nga niya... "Ah, na-miss ko kasi siya..."

"At ngayon ay mukhang malungkot ka," wika nito at tinitigan ang mukha niya.

"P-pakiramdam ko kasi ay balewala na ako sa kanya..."

"Gusto mo ba siya?"

"Ha?"

"Mukhang gusto mo siya base sa observation ko sa mga naging kilos at sinabi mo..."

"Hmmm..."

Sa huli ay napaamin si Hailey kay Jaxon. Ikinuwento niya rito ang nararamdaman sa lalaki.

"I see," blangko ang ekspresyon ng mukha ni Jaxon pagkatapos. Ilang sandali rin at nagpaalam na ito. Nagkulong ito sa kuwarto.

Ewan ni Hailey at parang lalong bumigat ang pakiramdam niya sa biglang pag-iwan nito sa kanya. May mali ba siyang nasabi?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.