Library
English
Chapters
Settings

9

DALAWANG araw ang nakalipas at mas lumaki ang hinala ni Hailey na mali nga na ipinagtapat niya kay Jaxon ang tungkol sa nararamdaman niya kay Lucio. Ilang oras kasi pagkatapos noon ay nagpaalam itong babalik ng Maynila. May kailangan daw itong biglang asikasuhin. Pero bago naman ito umalis ay sinigurado nito sa kanya na babalik naman ito.

Kaya nga lang, iba ang pakiramdam ni Hailey. Iba ang timpla ng mukha nito ng umalis. Parang malungkot ito. Parang nasaktan. Kaya nga lang, bakit naman ito masasaktan?

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ni Hailey. Nami-miss na rin kasi niya ang lalaki. Kaya lang, wala man lang siyang phone number nito. Hindi niya ito matawagan.

Pinili na lang ni Hailey na maging abala sa farm. After all, marami naman talagang gagawin. Kulang pa rin sila ng tauhan as of this moment. Kaya naman nang kailangan niyang magpunta sa poultry house at malakas na naman ang ulan ay nahirapan siya. Bigla rin niyang naalala si Jaxon.

I wish you were really here... Napayakap pa si Hailey sa sarili habang nakatanaw sa sasakyan at umuulang paligid. Naalala na naman niya ang guwapong Doctor. Mas lalo lang siyang nalungkot dahil bigla niyang naisip na sana ay ito ang yumakap sa kanya.

Pero dapat rin na isaisip ni Hailey na hindi naman talaga magtatagal si Jaxon. Babalik man ito pero may buhay pa rin ito sa Maynila. Kinausap lang ito ng Daddy niya para bantayan siya for the meantime. Hindi ito magiging permanenteng bahagi ng buhay niya. Iiwan rin siya nito kagaya ng ama at pati na rin ni Lucio.

Kaya hindi dapat maging malungkot si Hailey. Hindi dapat siya masanay na palaging may nandiyan para sa kanya. She needs to stand on her own. Kagaya na lang ngayon. Kailangan niyang magtrabaho. Pero hindi dapat siya maghintay ng himala para may magdala sa kanya sa poultry house.

Napatingin si Hailey sa susi ng truck. Minsan na naman siyang naturuan ng Daddy niya na i-drive iyon. Kaya nga lang, tumigil siya nang minsang nagpa-practice ay may nasagasaan siyang kuting. Hindi na siya umulit pagkatapos ng insidente na iyon dahil natakot siya. Pero marunong na siya. Sabi nga ng Daddy niya ay puwede na siyang kumuha at pumasa para sa driver's license.

It was just a few years ago. At hindi naman siguro ganoon kabilis mawawala ang skills kahit hindi na pina-practice 'di ba? Kailangan lang niyang maging matatag at matapang. Isa pa, kahit naman wala siyang lisensya ay hindi siya mahuhuli. Nasa farm lang rin naman ang poultry. Hindi siya lalabas ng highway. Walang pulis na puwedeng manghuli sa kanya.

Determinadong kinuha ni Hailey ang susi ng pick up truck. Successful na napa-start at napa-andar rin naman niya iyon. Ngiting-ngiti siya kahit nahihirapan sa pagda-drive dahil napakalakas talaga ng ulan. Pero nawala rin ang ngiti nang makitang may kasalubong siyang sasakyan. Nakilala niya na kay Jaxon iyon.

Nataranta si Hailey. Pero mas lalo pa siyang nataranta ng parang ayaw kumagat ng preno ng sasakyan. Namawis siya. Pakiramdam niya ay hindi niya makontrol ang sasakyan. It was approaching Jaxon's car.

Namamawis si Hailey. Malalim ang parte sa gilid ni Jaxon kaya hindi naman siya nito puwedeng iwasan. Mas maaksidente ito. Kailangang siya mismo ang umiwas rito.

Napapikit si Hailey. Nagdasal siya habang patuloy pa rin na sinusubukan na tapakan ang preno. Pagkatapos ay naalala niya ang handbreak. She immediately pulled it.

Tumigil ang sasakyan. Napamulat at nanlaki ang mata ni Hailey at nakitang hindi sapat ang pag-pull niya ng handbreak para maiwasan niya ang sasakyan ni Jaxon...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.