7
MAIYAK-iyak si Hailey nang matikman ang lasa ng niluto niyang lugaw. Dahil may sakit si Jaxon ay inisip niya na magluto ng paborito niyang pagkain kapag may sakit---lugaw. Inisip niya na baka makakaya naman niya kung susubukan niyang magluto. Gamit ang Google at Youtube ay pinag-aralan niya ang recipe. Pero palpak pa rin ang ginawa niya. Napakaalat ng lugaw. Nasobrahan yata siya sa nailagay na patis.
Halos dalawang oras na niluto iyon ni Hailey kaya frustrated siya. Bukod pa sa halos magkanda-sugat-sugat ang kamay niya sa paghihiwa ng mga ingredients, lalo na sa luya. Kung kasing laki iyon ng kamay niya noong una, nang matapos siya ay halos ga-kuko na lang. Nahirapan siyang talupan iyon dahil daig pa ang coca cola sa "ganda" ng curves. Pero masasayang lang pala ang lahat ng efforts niya.
Alam ni Hailey na kailangan na rin niyang magmadali. Kahit tulog pa naman si Jaxon ay kailangan na niya itong gisingin para makakain at uminom ng gamot. Sa tingin niya ay trinangkaso ito dahil sa ginawa nila kagabi.
Sa huli, walang choice si Hailey kundi magluto na lang ng pritong itlog. Iyon lang ang kaya niyang i-perfect. Ininit na lang niya ang natirang kanin kaninang umaga. Pagkatapos noon ay pumunta na siya sa guest room kung saan natutulog si Jaxon para dalhin ang pagkain. Ginising niya ito.
"Kumain ka na," wika niya at itinaas ang kutsara rito.
"Susubuan mo ako?" Groggy man pero mukhang na-amuse ang mukha ni Jaxon.
"Mukhang hindi mo yata kaya, eh."
Ngiting-ngiti lang ang Doctor. Nagpasubo nga ito sa kanya. Naka-ilang subo siya rito nang mapansin nito ang mukha niya.
"Wait, hindi ka naman yata masaya, eh."
Bumuntong-hininga si Hailey. "Baka nga ikaw. Ito lang ang nakaya kong iluto sa 'yo,"
"This is enough. Masarap naman siya,"
"Mas masarap pa rin sana kung lugaw," Sa sobrang lungkot, naikuwento ni Hailey ang tungkol sa rejected niyang lugaw.
"Nasaan na? I'll try to taste and eat," Mukhang excited pa si Jaxon.
"Nababaliw ka na,"
"Come on. Nagbigay ka ng effort sa lugaw na iyon. Kailangan kong i-appreciate iyon,"
Hindi tinigilan ni Jaxon sa pangungulit si Hailey. Sa huli, binigyan niya ito ng isang maliit na mangkok.
"Maalat nga. Pero masarap pa rin naman," naka-ilang subo pa ito.
Parang natunaw ang puso ni Hailey sa ginawa ng lalaki. "You see the things on negative..."
"But of course. I'm a Doctor. I treat the negative," wika ni Jaxon.
Napakurap si Hailey. "And that's why you are here with me. Dahil malungkot ako..."
"Pero mukhang hindi na naman 'di ba? You look okay..."
Hindi kaagad nag-react si Hailey. Ganoon nga ba? Kinapa niya ang nararadaman niya. Hindi niya nga masyadong naiisip ang Daddy niya simula nang dumating si Jaxon. Bukod kasi sa busy, parang napo-focus rin ang nararamdaman niya rito. Pero mako-consider rin naman niya iyon as a good thing. Gusto ng Daddy niya na maging masaya pa rin siya kahit wala na ito. Kaya nga siya nito pinabantayan sa Doctor nito. He wants the best for her. At kahit may pagka-delikado, nakikita naman niya na good decision iyon.
"But I-I still need you. Aalis ka na ba?"
Umiling si Jaxon pagkatapos ay ngumiti. "I'm starting to like it here. At hindi ko maisip na aalis pa ako..."
Nagliwanag ang mukha ni Hailey. Doctor nga si Jaxon. He really knows how to give a good treatment to someone.
Kaya lang, may isang bahagi rin ni Hailey ang nagsasabing baka charming lang talaga ito dahil sa pagiging playboy. At marupok naman siya kaya kilig na kilig siya.