6
"HOW'S your heart?"
Napaungol si Jayden sa bungad na sagot ng kakambal nang tawagan niya ito. Mas nauna pa itong magsalita kaysa sa kanya na mismong tumawag.
"Wala ka man lang bang baon na hello?"
Tumawa ito. "I just want to be straight-forward. So ano nga?"
"Nakakapagsalita pa ako kaya tumitibok pa naman," sarkastikong sagot naman niya rito.
"Na-fall na ba?"
"Scientifically, hindi nahuhulog ang puso,"
"You know that's not what I mean,"
"Let's talk about it. Kumusta kayo diyan sa Manila?"
"We're fine. I'm happy. Walang nang-aagaw ng korona sa pagiging totoong guwapo dito sa bahay,"
Napailing-iling si Jayden. "Wala diyan sina Kuya?"
"Bumibisita. Pero naniniwala pa rin ako na mas guwapo tayo sa kanila,"
"Napaka-vain mo talaga,"
"Wow! At nagsalita ang hindi vain,"
"I'm just not the mood to be one..."
"Mukhang problemado ka nga, ah. Parang namamaos rin ang boses mo. Okay ka lang ba?"
"Finally, you have asked what I expected you to ask," Huminga nang malalim si Jayden. "I'm not. And that's why I called you. May hihingiin sana akong pabor,"
"Sa usaping pampuso?"
"Saka na natin pag-usapan 'yang pampuso na 'yan. I'm not feeling well. Feeling ko ay tatrangkasuhin ako. What's the best medicine for this?"
"We studied medicine. Anong kalokohan at ako pa ang tatanungin mo tungkol sa gamot?"
"I mean some herbal o something na hindi na kailangan ng gamot pa talaga. I don't want to ask something from Hailey. Ayaw kong malaman niya na may sakit ako,"
"At bakit?"
"As simple as ayaw ko lang na mag-alala at istorbohin siya,"
"Edi sa iba ka magpabili,"
"Tatlo lang kami sa bahay. Wala ang kasambahay ngayon dahil nagpaalam kay Hailey na may aasikasuhin pagkatapos ng almusal. Malayo ang tindahan rito at na kay Hailey ang susi ng pick up truck. Wala akong baon na gamot," Huminga ulit ng malalim si Jayden. "Sometimes you don't believe in medical medicines, Jaxon. And you know that I'm not like that. I'm always on the medical side. Ngayon ay kailangan ko ang mga pinaniniwalaan mo..."
"Just rest and drink a lot of water,"
"Magtatanghalian na. Kailangan kong magluto,"
"Don't be silly. You need a lot of rest. Gusto mo bang dalawin pa kita diyan?"
Napapikit si Jayden. He feels helpless. Parang gusto niyang pumayag sa gusto ng kapatid. Madalas kasi kapag nagkakasakit siya ay mas inaalagaan pa siya ng kapatid kaysa sa magulang niya. They are each other's back. Pero malaki na siya para umasa pa sa kakambal. Isa pa, kapag dinalaw siya nito ay malalaman ni Hailey na may kakambal siya. Wala itong alam dahil hindi naman sila sa iisang ospital nagreresidency ng kakambal.
Sa huli, pinutol na lang ni Jayden ang tawag. Bumangon siya kahit na ba parang may magnet ang kama. Dahil hindi nagluluto si Hailey at wala ang kasambahay, siya ang kailangan na gumawa. Tulog pa rin si Hailey para matulungan siya kahit papaano.
Ang kakulangan ng tulog, lakas ng ulan at pagod kagabi ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ni Jayden. Pero lalaki siya. Nakakahiya kung magpakita siya ng kahinaan.
Lumabas nang kuwarto si Jayden. Saktong pagbaba naman ng hagdan ni Hailey. Kunot-noong tinignan siya nito.
"Namumutla ka. May sakit ka ba?" tanong nito at inilagay ang kamay sa leeg niya bago pa man niya maiiwas ang sarili. "Mainit ka!"
"O-okay---" Natigilan si Jayden. Kahit ang boses niya ay pinagkanulo siya. Namamaos talaga iyon.
Parang namutla rin si Hailey. Hinawakan siya nito at dinala sa kuwarto niya. "Magpahinga ka na lang,"
"K-kailangan kong magluto..."
"Kaya ko,"
"You don't cook,"
"Kakayanin ko," Napangiwi si Hailey. "Basta kailangan mong magpahinga,"
Pinahiga siya ni Hailey. Parang lalo siyang na-magnet sa kama. Hindi na siya makapagmatigas. Lumabas naman ito ng kuwarto. Pagbalik nito ay may dala itong basa na tuwalya.
"Mamaya na kita papainumin ng gamot kapag nakakain ka na. For now, magpahinga ka na muna," wika nito habang pinupunasan siya.
Napaungol lang si Jayden. Sa ginagawa ni Hailey, nawalan na siya ng lakas na magmatigas. All he wanted is to enjoy the feeling of being caressed by her. Masarap rin na tignan ang nag-aalalang mukha nito. It just means that she cares.
Balewala na kay Jayden kung magmukha man siyang mahina kung iyon ang magiging paraan para maalagaan siya ng babaeng hindi man niya type sa una pero parang nagugustuhan na niya.