Library
English
Chapters
Settings

5

HAILEY can't help but pace on the floor. Nag-aalalala siya. Para siyang nanay na hindi mapaanak. Kakatanggap lang kasi niya ng tawag mula sa taga-bantay ng poultry nila. Sabay raw na nanganak ang tatlong inahing baboy roon. Dahil mag-isa lang ito ay nahihirapan itong asikasuhin ang mga nanganak na baboy at ang mga anak nito.

Only Hailey can help. Naka-bakasyon kasi ang ilan pa sa mga tauhan nilang marunong ng mga ginagawa kapag nanganak ang baboy. Marunong naman siya at balak niyang tumulong. Pero napakalakas ng ulan at hindi niya kayang mag-drive ng pick up truck nila papuntang poultry house. Wala siyang ma-contact na puwedeng mag-drive. Delikado naman kung maglalakad siya papunta roon dahil bukod sa alas dose na ng hating gabi at malakas ang ulan ay may kalayuan rin iyon.

Pero hindi naman nagtagal ay nakahanap ng solusyon si Hailey. Maya-maya ay bumangon si Jaxon at tinanong ang problema.

"I can drive you there,"

Nagliwanag ang mukha ni Hailey. Naisip naman niya na puwede niyang pakiusapan si Jaxon na ipag-drive siya sa poultry house. Kaya lang ay nahihiya siyang gisingin ito. Sabihin man na inutusan ito ng Daddy niya na bantayan siya for some time, bisita pa rin ang turing niya rito. Ayaw naman niyang abalahin ito, lalo na at nakita niyang hindi ito komportable sa poultry house.

"Bumalik ka na ulit sa bahay. I can manage. Salamat sa paghatid," wika niya rito nang makarating sa poultry house.

"Paghatid?" Natawa si Jaxon. "Siyempre, sasamahan kita sa loob. I will also try to help. After all, Doctor rin naman ako,"

"Pero hindi ng mga hayop,"

"Yeah. But I'm a pedia. I take care of kids. Kayang-kaya kong alagaan ang mga biik na 'yan," May pagkindat pa ito.

"Pedia? 'Di ba nasa Internal Medicine ka?"

Namawis ang mukha ni Jaxon. Napakamot ito ng ulo. "I-I mean, Pediatrician ang una kong choice na i-practice. Madalas na rin akong nagre-research tungkol roon kaya naman marami akong alam. I just shifted due to some reasons..."

"Hmmm..." A part of Hailey is in doubt. Pero alam niyang hindi iyon ang oras para magtanong. Mas importante ang mga baboy.

Pumasok na si Hailey sa poultry house kasunod ang Doctor. Dahil ubos na ang face mask ay hindi tuloy maitimpla ang mukha nito. Ilang beses niyang sinabihan na lumabas na ito. Pero nagpumilit pa rin ito na tulungan siya. Ito ang naging assistant niya sa pagtatanggal ng ngipin ng baboy. Mag-aalas singko na nang umaga matapos sila dahil mahigit tatlumpu ang anak ng tatlong nanganak na baboy.

Pagod na pagod si Hailey na napahiga na siya sa mahabang upuan sa poultry house pagkatapos. Pinagtatawanan siya ni Jaxon at halos hilahin siya paalis roon. Pero hindi siya nagpapigil rito. Ipinikit niya ang mga mata. She intended to make some nap. Pakiramdam kasi niya ay bibigay na ang katawan niya.

Nang imulat ni Hailey ang mga mata ay nanibago siya. She feels warm at hindi rin nanakit ang likod niya. Parang malambot rin ang paligid. Nang tumingin siya sa paligid ay saka lang niya na-realize na wala na siya sa mahabang upuan. She was now cocooned in the arms of a man. Si Jaxon! Buhat-buhat siya nito papunta sa kanyang kuwarto.

Namula si Hailey. What's this guy up to? At bakit ba parang kinikilig siya? Her heart is racing. Parang may maliliit na daloy ng kuryente rin na kumikiliti sa katawan niya.

Nag-alinlangan si Hailey kung tama ba na magpatuloy pa rin siyang magpabuhat sa lalaki. She loves the feeling. Pero hindi naman dapat iyon. Hindi na siya bata. At may kabigatan rin siya. Nakakahiya kay Jaxon na nag-effort pa itong buhatin siya.

Pero nang maramdaman ni Hailey na tutungo si Jaxon para siguro ay i-check siya ay pumikit ulit siya. She closed her lips and eyes. But after some moment, she also smiled. Natatawa kasi siya sa ginagawa niyang pagkukunwari. Nahihiya man ay nagugustuhan rin naman niya iyon.

Nang dahan-dahan ulit na tumingin si Hailey maya-maya kay Jaxon. Hindi na ito nakatingin. Pero kita niyang ngiting-ngiti ito. Teka, nakita ba nito na gising na siya at napiling magkunwari na tulog? Nakakahiya!

Mas namula pa si Hailey. Pero kung ano pa man, bakit ba nga siya mahihiya? Tagapag-bantay kuno niya nga ito. Isa pa, sa ginagawa niya ay pinipigilan lang niya ang sarili na maging masaya. Hindi naman yata maganda iyon. Simula nang ma-diagnose ang Daddy niya na may stage four liver cancer ay naghihirap na siya. She at least deserved to be happy.

Sana lang ay hindi pagsisihan ni Hailey ang pagpili sa kasiyahan kaysa sa pagpili ng tama.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.