Library
English
Chapters
Settings

4

NAPANGIWI si Jayden habang inililibot siya ni Hailey sa farm. First stop: ang poultry. Hindi pa man sila nakakapasok sa loob ay nakikinita na niya na masusuka siya kapag nakalabas sila. Amused naman na tinignan siya ni Hailey.

"'Wag kang mag-alala. Puwede ka namang magsuot ng face mask," wika nito at inabot sa kanya ang face mask.

Kinuha at sinuot iyon ni Jayden. Pero nagtaka siya nang kahit makapasok sila ay wala itong sinuot.

"Bakit?" wika ni Jayden at tinuro ang face mask.

"Twenty three years na akong nakatira sa farm. Wala na sa akin ang lahat ng anumang amoy rito,"

Parang napahiya naman si Jayden. Dapat nga ay sanay na siya sa maseselan na sitwasyon. After all, Doctor siya. Marami na siyang maseselan na kaso na nahawakan. Kaya nga lang, sanay rin kasi siyang naka-face mask kapag nasa ganoong sitwasyon.

Pero wala naman kay Hailey ang lahat. Magiliw na ipinaliwanag nito sa kanya ang mga ginagawa sa poultry. May kalakihan rin iyon at may ilang tauhan. Ipinakilala pa siya nito sa ilan sa mga iyon. Mabait na binati naman siya ng mga ito. Feeling niya ay welcome siya. It made him feel good somehow.

Pagkatapos sa poultry ay dinala naman siya nito sa stable ng mga baka. Karamihan sa mga iyon ay ginagatasan.

"Wow, you produce milk here, too..."

Tumango si Hailey. "At ibinebenta rin namin sila. Maliit lang ang kita dahil hindi naman ganoon karami ang mga baka na puwede naming gatasan. But still, we can get fresh here..."

Tumingin si Hailey sa isa sa mga baka na ginagatasan ng tauhan sa stable. "Do you want to try it yourself?"

"Ha?"

"I mean kung gusto mong matutong gatasan ang baka..."

"Tuturuan mo ako?"

"But of course..."

"Marunong ka?"

Na-amused na naman si Hailey kay Jayden. "As I said, twenty three years ng buhay ko ay madalas lang akong nasa farm. Nandito ang bahay namin. It's my home. Besides, nakakalimutan mo yata na agriculture graduate rin ako,"

"O-oh yeah. I'm sorry," napakamot ng ulo si Jayden. Hindi naman niya nakalimutan dahil ang totoo ay hindi niya alam.

Na-brief naman ni Jaxon si Jayden tungkol sa pagpapanggap nila. Pero hindi naman ito nagbigay ng maraming details kay Hailey. Ang sinabi lang nito ay mapagmahal na anak ang babae sa ama kaya siguradong mahihirapan ito kapag nawala iyon. Other than that, mukhang ordinary lang ang pamumuhay ng dalaga. Hindi rin kasi ito close kay Jayden. Nakakaramdam raw kasi ang kakambal niya na ilag ang dalaga rito---nararamdaman yata na playboy ito at may masamang balak.

"It's okay. After all, hindi naman ako ganoong ka-special para matandaan,"

"Of course not. Ako ang hindi special kasi mayroon akong defective brain para hindi matandaan iyon. Paano ko naggawang kalimutan ang lahat ng sinasabi ng babaeng kasing ganda mo?"

Namula ang babae. For a while tuloy ay napatitig lang siya rito. She looks so pretty. Parang gusto niyang hilingin na tumigil ang mundo dahil ang sarap lang nitong tignan. Pero maya-maya rin ay tumikhim si Hailey. Niyaya na siya nitong pumunta sa isa sa mga baka na puwedeng gatasan.

Tinuruan siya nito ng step by step procedure. Magaling naman itong magturo kaya natuto kaagad siya. It amazed and amused him. Napapalakpak at ang ganda ng ngiti ni Hailey pagkatapos. Again, parang gusto niya ulit na tumigil ang mundo. Parang nagliwanag kasi ang lahat. Ang ganda-ganda nito.

Kung sa iba, malamang ay nagbitaw na ng joke si Jayden na masarap siguro kung ito mismo ang "ginagatasan" niya. Kilala kasi siya bilang straight-forward sa mga babae, lalo na kapag nagugustuhan niya. But then, attracted man siya kay Hailey ay hindi niya nakikita ang babae sa mga klaseng "ginagatasan lang". She is something else.

And something in Jayden is telling that it is trouble.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.