Library
English
Chapters
Settings

2

"PATI BA NAMAN ikaw ay iiwan ako?" Nakalabing wika ni Hailey sa kababata at best friend niyang si Lucio. Ngayong araw ay nagpaalam ito sa kanya na aalis na ito ng farm nila sa Batangas.

Ginulo ng lalaki ang buhok niya. "Kapag kailangan mo ako, puwede mo naman akong tawagan palagi. Bibigyan pa rin naman kita ng oras. Puwede rin kitang dalawin kapag libre ako..."

"Mami-miss kita, eh."

Napakamot ng ulo si Lucio. Pero sa huli ay napangiti rin ito. Pinisil nito ang pisngi niya. "Mami-miss rin kita,"

Hindi na napigilan ni Hailey na yakapin ang kaibigan. "'Wag ka ng umalis, please?"

Umiling ito. "Kailangan ko..."

"Makakaya mo ba talaga na iwanan ako?" Lumabi pa si Hailey. Inilagay niya ang kanang kamay sa likod at nag-cross fingers. In her mind, she wished he will say the things she wanted to hear.

Huminga nang malalim si Lucio. "Hindi naman kita totally na iiwan. Aalis man ako pero puwede mo pa rin naman akong kausapin. Kung makakapunta ka ng Maynila, puwede mo akong bisitahin."

Bumagsak ang balikat ni Hailey. "Ayaw ko naman ng ganoon..."

"Kailangan ko rin ng bagong environment para sa future ko, Hailey. Matagal ko na dapat naggawa ito. P-pero ang Daddy mo, palagi na lang akong pinipigilan..." Naging ilang ang mukha ni Lucio. "Sana ay maintindihan mo ako."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasa isip ni Hailey. Ilang beses siyang nakiusap kay Lucio na huwag umalis. Bukod kasi sa masyado na siyang nasanay na kasama rito, matagal na rin siyang in love sa kaibigan at kababata na rin.

Lumaking mahirap lang si Lucio. Anak ito ng isa sa mga taga-alaga nila ng baka sa farm nila. Ganoon pa man, matalino at masipag ito. Nakitaan ito ng potensyal ng Daddy niya kaya ito na rin ang nagpa-aral kay Lucio hanggang makatapos ito ng kursong Accountancy. Si Lucio rin ang tumayong Accountant ng may kalakihan at sikat rin naman nilang farm sa Batangas.

Pero bago pa man mamatay ang Daddy niya ay nagpaalam na ito sa kanya na magre-resign na ito. Nakiusap lang siya rito na huwag munang gawin iyon. Bukod kasi sa pagiging Accountant, marami rin na alam sa pagmama-manage si Lucio sa farm. Kapag nawala ito ay mahihirapan lalo siya. Hirap na nga siya sa pinagdadaanan ng ama ay mahihirapan pa siya sa pag-iisip kung paano ima-manage ang farm. Pumayag naman ito pero sa oras raw na maging magaling ang ama o mamatay ay aalis rin ito.

Mahigit isang linggo na nang mamatay ang Daddy niya. Kung tutuusin, naging mabait pa si Lucio. Nagdesisyon itong lumuwas ng Maynila nang matapos ang libing ng Daddy niya.

Sa huli ay tumango rin si Hailey. Pero nanatiling nakayakap pa rin siya sa lalaki. "I wish you all the best..."

"Thank you," ngumiti lang ito at tinanggal na ang yakap niya.

Awts! Pati yakap ko mukhang hindi na rin niya need! Nakaramdam ng pagtatampo si Hailey. Pero ano nga ba ang karapatan niya? Wala sinasabi sa kanya si Lucio kung ano ba ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Well, parang alam na rin naman niya---kaibigan lang.

Pero hindi iyon matanggap ni Hailey. Umaasa pa rin siya na magugustuhan rin siya ni Lucio balang araw. Wala naman kasi siyang nababalitaang girlfriend nito o nagugustuhan man lang. Naisip niyang baka kulang lang talaga siya pagpapa-cute rito. Hindi niya kasi maggawang aminin ang totoong nararamdaman niya para rito. Nahihiya siya. Palaging sinasabi ng Daddy niya na ang lalaki daw muna ang dapat na umamin.

Wala na ang Daddy niya ngayon. Pakiramdam ni Hailey ay may freedom na siya para lumandi. Pero paano pa niya gagawin ngayong aalis na ang lalandiin niya?

Dapat ay tigilan na ni Hailey ito. Wala na siyang pag-asa. Pero nanghihinayang siya. Ang laki na ng in-invest na feeling ni Hailey sa kaibigan. Mula ng malaman niya ang salitang crush, wala na siyang iniisip kundi si Lucio. Wala siyang pakialam kung mahirap man ito. Ang mahalaga sa kanya ay masipag, may pangarap at mabait ito sa kanya.

Alam ni Hailey na maganda siya. In fact, pumipila ang mga manliligaw niya. Pero wala siyang kahit sinong pinag-interesan dahil si Lucio pa rin ang nanatili sa puso niya. Hindi niya naman kayang basta-basta bitiwan na lang iyon.

Hailey will find a way. Hindi pa lang siguro ngayon ang tamang oras. Mas kailangan niyang asikasuhin ang farm at ipagluksa rin ang namatay niyang ama.

Tuluyan ng nagpaalam si Lucio. Inihatid niya pa ito hanggang sa gate ng farm. Maiyak-iyak siya habang pinapanood ang pag-andar palayo ng sasakyan nito. Hanggang sa makaalis rin ito ay matagal lang siyang nakatingin sa dinaanan ng sasakyan nito. Mami-miss niya talaga ito. Malulungkot siya. Pakiramdam niya ay mag-isa na talaga siya.

Wala ng iba pang pamilya si Hailey kundi ang Daddy niya. Tapos ngayon ay iniwan pa siya ng lalaking halos ituring na niyang pamilya. Wala na rin siyang ibang malapit pang kaibigan kundi si Lucio lang. May pagkamahiyain kasi siya sa school. Bukod pa sa masyado rin siyang family oriented. Sa Daddy niya, sa farm at kay Lucio lang umiikot ang buhay niya. Sapat na ang mga ito para sa kanya.

But again, Hailey has to face it. Nasa adulthood na naman siya. Twenty three years old na siya. She has to move on and start a new life.

Bago pa man makaalis si Hailey sa gate ay may natanaw siyang sasakyan. Dead end na ang kalsada kaya sigurado siyang papunta ang sasakyan sa farm. Tumigil naman nga ito sa gate at sa harapan niya. Nang bumaba ito ay ilang beses siyang napakurap.

"Doctor Jaxon Harris?"

Nagbaba ng suot na shades ang lalaki. Ngumiti ito. Doon niya nakompirma na isa nga ito sa mga naging Doctor ng Daddy niya noong nasa ospital pa ito. "Yes. Hello, Hailey..."

Napakurap ulit si Hailey. Naguguluhan siya. "Bakit ka nandito? Gusto mo bang dumalaw kay Daddy? I'm sorry. Nailibing na kasi siya..."

"Alam ko. And I'm sorry na hindi ako nakapunta sa libing niya. I've been busy..."

"That's okay. Naiintindihan naman namin. I just didn't expect you here..."

Tinangala ni Hailey ang lalaki. Dahil isa ito sa naging Doctor ng Daddy niya ay ilang beses na rin niyang nakasalamuha ito. Hindi rin iilang beses na narinig niyang pinag-uusapan ito ng mga bisita sa ospital o kahit ang mga nurse. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil pinagpala talaga ang lalaki. Guwapo ito. Matangkad, maganda ang pangangatawan at charming rin ito. Sa pagkakakaalam niya, half-Australian, half-Filipino ito. Pero ang pinaka-kilala raw sa lalaki ay ang pagiging matinik nito sa mga babae. Narinig niya na kaya nga sumikat ito dahil na rin na-feature ito at ang mga kapatid raw nito na playboy rin. But then, wala namang interes doon si Hailey kaya wala siyang alam. Hindi siya mahilig sa mga lifestyle magazines at sino pa man na tao, mapa-celebrity man iyon.

Kaya naman para sa kanya ay balewala rin ang Doctor. After all, palagi lang naman na si Lucio ang lalaking nasa puso at isip niya. Kaya nga lang, ewan ba niya at parang naging guwapo ito sa paningin niya ngayon. Siguro dahil hindi ito nakasuot ng Doctor's coat. Mas charming itong tignan. At parang naapektuhan rin yata ang puso niya. Parang medyo bumilis yata ang puso noon nang ngumisi rin si Jaxon.

"Really? Mukhang hindi mo rin yata inaasahan na ipagkakatiwala ka ng Daddy mo sa akin..."

"Ha?"

"Your Dad asked me to take care of you for the time being..."

Napakunot noo si Hailey. Bakit naman siya ipagkakatiwala ng Daddy niya sa isang wild playboy?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.