Library
English
Chapters
Settings

1

"WHAT'S up, mate?"

"I'm your twin, Jayden," naka-angil na wika ni Jaxon, hindi pa man siya nililingon. Naabutan niya ang kakambal na mag-isang nag-iinom sa bar ng Golden Cash Clubhouse and Resort.

Amused na tinabihan niya ito. "And how do you know it's your handsome twin?"

Nilagok nito ang alak na umiinom pagkatapos ay iiling-iling na tumingin sa kanya. "Our voices are also identical,"

Nagkibit-balikat si Jayden. Umupo rin siya sa tabi nito. "May problema ka ba?"

Bumuntong-hininga si Jaxon. "Kaya ko na ito,"

"So may problema ka nga," Tinapik niya ang balikat ng kakambal. "Alam mo, puwede mo naman akong pagsabihan. We are twins. We are the best buds,"

Umiling pa rin si Jaxon.

"Nagtatampo na ako. Una, hindi mo sinabi sa akin na balak mong mag-inom mag-isa. Ngayon naman, ayaw mo rin na sabihin ang problema ko. Nawawalan ka na ba ng tiwala sa kaguwapuhan ko?"

"This is not a good time to crack a joke,"

Natigilan sandali si Jayden. Mukhang seryoso nga ang kakambal niya. Minsan lang kasi na hindi siya nito pansinin.

Huminga nang malalim si Jayden. "Ok, fine. Hindi na ako magdyo-joke. Pero hindi pa rin ako titigil na kulitin ka kung ano nga ba ang nangyari,"

"I'm in deep shit,"

"Naka-buntis ka?"

Inikutan siya nito ng mata. "Tigilan mo ang mga ganyang side comments,"

"So hindi ka nakabuntis. In love lang siguro,"

Umiling rin ito. "But it's almost the same..."

"Oh man! Problema nga. Pero paano?"

Umungol ang kapatid. "I think I'm going to lose my freedom soon..."

"May pumikot sa 'yo..."

Lumagok ulit ng alak si Jaxon bago sumagot. "Parang ganoon na nga,"

"Patay na nga! Pero paano?"

"Alam mo naman na maloko ako sa buhay. Pero mahina ang puso ko sa mga pasyente ko. I'm doing a favor for one of them..."

"Maganda ba?"

Inirapan siya ulit nito. "Lalaki siya,"

Nanlaki ang mata ni Jayden. Napahawak siya sa dibdib. "We are now a gay magnet---"

"Hindi iyon kagaya ng iniisip mo. Matanda na siya. At hindi rin para iyon sa kanya. It's for his daughter..."

"Maganda 'yung anak?"

Kinuha ni Jaxon ang cell phone. Ilang beses siyang napakurap nang makita ang babae. Maputi at makinis ito. May kapayatan at kaliitan. Mahaba rin ang buhok nito na medyo wavy. Mukha itong manika. "Maganda nga. Pero hindi ko type,"

"Pero type ko,"

"Iyon naman pala, eh! Bakit ayaw mong papikot? Pero teka, paanong klaseng papikot ba?"

"Gusto niyang bantayan ko ang anak niya kapag namatay na siya hanggang sa maging okay ito,"

"Okay lang 'yun. Iyon lang naman, eh. Type mo nga 'di ba?"

Naging unease ang itsura ni Jaxon. "Pero ayaw ko..."

"Bakit?"

"Natatakot akong ma-fall,"

"Kung maganda naman, eh. There's nothing to worry about,"

"I don't want commitment right now. Isa pa, busy ako. Gusto ko munang mag-focus sa residency. Ayaw kong mag-leave,"

"Pumayag ka ba sa sinabi niya?"

"I can't say no to a dying man. Comatose na siya ngayon. Base sa observation, ilang araw na lang ay puwede ng mamatay ang pasyente. I can't do it, Jayden. But I can't also fail the man. Mahina ang puso ko pagdating sa kanila,"

Napailing-iling si Jayden. Aminado naman siya---silang magkakapatid na palikero sila. Pero may kabutihan rin naman sila sa puso.

"Anong plano mo?"

"Hindi ko kayang multuhin ako, Jayden..."

"Takot ka lang pala sa multo!"

"Seryoso ako. May konsensya rin naman ako kahit papaano..." Nakaka-awa ang mukhang sinalubong ng mga mata nito ang mata niya. "Anong gagawin ko?"

Hindi nakasagot kaagad si Jayden. Kung siya rin ang nasa katauhan ng kapatid ay malilito rin siya. May konsensya rin siya. Madali siyang maawa, lalo na sa mga malapit ng mamatay. Nang unang beses nga siyang mamatayan ng pasyente ay umiyak siya. Napapaiyak rin siya sa tuwing may namamatayan pa rin siya kahit halos dalawang taon na siya sa residency year niya para maging Doctor.

Huminga nang malalim si Jayden. Tumingin ulit siya sa larawan ng babae. Not bad... "Puwede kitang tulungan,"

"Paano?"

"Puwede akong magpanggap na ikaw,"

Tinaasan siya ng kakambal ng isang kilay. "Babantayan mo siya?"

"Hmmm... Bakit ba siya kailangang bantayan?"

"Ayaw niya kasi itong maiwan na mag-isa. Mahal na mahal niya ang anak niya. Nag-iisa lang ito. Bata pa lang kasi raw ito ng mamatay ang asawa nito. Siya na lang ang pamilya nito..."

"Aw, that's sad..."

"The trust that was given to me, priviledge rin naman iyon. Isipin mo, sa lahat ng tao sa buong mundo, ako ang pinagkatiwalaan niya para magbantay sa prinsesa niya. I don't know what he sees in me. But I am honoured..." wika ni Jaxon. "Naawa rin rin ako sa anak niya. She will be left alone. Naiintindihan mo na kung bakit nahihirapan ako?"

"Yeah..." Mabigat nga sa dibdib iyon. "Pero nandito na naman ako 'di ba?"

"Sigurado ka ba talaga?"

"I don't think it's bad to be someone's companion for at least a month. I need a break, too. Nakaka-toxic rin naman ang residency."

"Maluwag nga pala sa ospital niyo. Puwede ka palang mag-leave," Magkaibang ospital ang pinapasukan nila ngayon ni Jaxon for residency. Pinili nilang maghiwalay para sa pagbabago. Hindi rin sila nag-residency sa ospital na pagmamay-ari ng Daddy niya para naman ma-challenge sila.

"At wala naman akong pagagamitan sa ngayon. Your problem is solve now..."

Tinitigan siya ni Jaxon. Parang ayaw pa nitong maniwala. Kumunot ang noo niya. "What is your problem?"

"Maganda si Hailey. Paano kung ma-fall ka?"

Umiling si Jayden. "Yeah. But remember, hindi ko siya type."

May pagngisi pa si Jayden. Nakumbinsi rin naman niya sa huli ang problemadong kakambal. Kaya nga lang, parang siya naman ang namroblema nang hindi maalis sa isip niya ang itsura ng babaeng babantayan kuno niya.

Parang nagkaroon ng pakiramdam si Jayden na kakainin niya ang mga sinabi niya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.