Library
English
Chapters
Settings

6

"HOP IN,"

Inaasahan na ni Sid ang pag-irap sa kanya ni Jillian nang magkita sila. Sinadya niyang hintayin ang pagtatapos nito ng shift para maihatid ito pauwi. "What makes you think na pagkakatiwalaan pa kita pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya ko?"

"I doubled the effort to make up for them. Sa ginawa ko, I believe I can be trusted."

Inungusan siya nito. "For all I know, sinadya mo ang lahat ng iyon para i-approach talaga kita,"

"What the hell," Natawa si Sid. "Anong klaseng pag-iisip 'yan? Bakit ko naman gagawan ng masama ang babaeng gusto ko?"

"What?"

Ngumisi si Sid. "I like you. Kaya nga kita binigyan ng chocolates 'di ba? Pero siguro nga ay blessing in disguise na rin ang pagkaka-expired ng chocolate. I got more close to you---"

"You mean my family. Not me. Bakit naman ako makikipag-close sa playboy na kagaya mo? You failed to impress me once. I don't give a chance to others so why can you have a second one? Hmp! Diyan ka na nga,"

Naglakad na papunta sa sakayan ng jeep si Jillian. Sinundan niya pa rin ito ng sasakyan niya at sinubukan na makipag-usap rito.

"Isipin mo ang matitipid mo kapag sumakay ka sa akin. Magkano ang pamasahe mo sa jeep? Eight, ten pesos? Sa bus? Nasa bente---"

"Mas gugustuhin ko pa na maghirap kaysa pahirapan ang sarili ko na makasama maghirap sa isipin na kasama ka,"

"You're perfectly safe---" Natigil sa pagmamaneho at pagsasalita si Sid nang matigil rin sa paglalakad si Jillian. Pero hindi lang klaseng pagtigil iyon. Natapilok ang babae.

"Ouch!"

Napababa si Sid ng sasakyan. Nakaupo na si Jillian sa sahig. Sandali pa lang pero makikitang namamaga ang paa nito. "That's bad,"

"Ikaw ang bad. Tignan mo, dahil sa pakikipag-usap ko sa 'yo ay nasaktan na naman ako!"

"Then I'll make sure to take you home safe," Kinindatan niya ito at mabilis na binuhat. Nanlaki ang mga mata ni Jillian, nagpumilat na pumiglas. Binigyan niya ito ng nagbabantang tingin. "Maglikot ka pa at lalo kang masasaktan!"

Tumigil rin naman si Jillian. Nang maisakay niya ito sa kotse ay masama ang tingin nito sa kanya. "Hindi ko alam kung anong merong sumpa ang meron ka at palagi na lang akong napapahamak sa 'yo!"

"I guess that's one lucky spell. Because it made me talk and became close to you," Sa kabila ng pag-aalala sa lagay ni Jillian, napangiti rin si Sid. There were accidents between them. Hindi rin naman niya gusto iyon. Hindi niya talaga intensyon na bigyan ng expired na chocolates si Jillian. It was just a mishap. Hindi naman kasi niya tinignan ang expiration date nang bilhin niya iyon. Lalong hindi rin niya ginusto na matapilok ito. For a hard-working girl like Jillian, it will be very important for her to take care of health. At ayaw rin naman niyang masaktan ito.

Pero parang blessing in disguise pala ang mga iyon. Dahil marami ng naririnig siya kung gaano katapang ang babae, suwerte siya dahil nagkakaroon naman siya ng pagkakataon na mapalapit rito. He just has to be careful next time and appreciate those blessings.

Pinaandar na ni Sid ang sasakyan. Nanahimik naman si Jillian.

"Masyado bang masakit para manahimik ka?" sita niya rito. Pero nang tignan niya ito ay nakapikit na ito at mukhang nakatulog.

Na-amuse si Sid. Nag-deny pa ang babae na ayaw magpahatid sa kanya pero mukhang pagod na pagod na naman ito. Masyado talaga itong matiisin. Isang bagay na dumagdag naman sa paghanga niya rito.

Pero mas nadagdagan pa ang paghanga ni Sid nang titigan niya si Jillian habang nagpapahinga ito. Sandaling itinigil niya tuloy ang sasakyan para mas matitigan pa ang nagpapahingang itsura nito.

Kapag nakamulat, mukhang walang makakatalo kay Jillian. There was a mixture of arrogance and confidence on the way she stands and present herself. Pero ngayong tulog ito ay para itong maamong tupa. She looks so sweet, gentle and like an angel.

Parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ni Sid habang tinitigan si Jillian. Parang nangangati rin ang kamay niya na haplusin ang makinis nitong mga pisngi. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. He was already been blessed to at least be on her side. Kapag naggising ito, baka lalo siyang mawalan ng chance rito. At ayaw niya noon.

Jillian s one of a kind. Ito lang kasi ang babaeng nakita niyang hindi kaagad naapektuhan ng charm niya. There were instances back then na isang kindat lang niya, may nahimatay ng babae. Ganoon kalakas ang charm niya. Pero ang babaeng ito ay mukhang mahirap makuha.

Isang challenge para kay Sid si Jillian. The more she resists him, the more he gets attracted to her. Pero parang ngayon ay nag-iiba na iyon. It felt like not a challenge anymore. Because right now, the more she resists him, the more he gets scared of the thought of losing her.

Nakakatawang ganoon ang nararamdaman ni Sid. Dati ay wala siyang pakialam kung basta na lang siyang iwan ng isang babae. And as if naman na nangyayari nga palagi iyon. For him, girls come and go. Alam niyang madali lang palitan ang mga ito.

But then, iba si Jillian. Hindi na nga lang yata talaga ito isang challenge. Nagugustuhan na nga yata talaga niya ito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.