Library
English
Chapters
Settings

3

GUSTONG sampalin ni Sid ang mukha niya para masigurado niyang hindi siya nanaginip. Nakasaksi kasi siya nang pangyayaring hindi niya kailanman inisip na mararanasan.

Una, nagulat siya sa klase ng approach sa kanya ng pinagkakaguluhang office staff na si Jillian. Hindi raw ito interesado sa kanya pero kinuha ang chocolate na panuhol niya. Pangalawa, sa klase naman ng pamumuhay nito.

Sa pagkakaalam ni Sid ay malaki naman ang sinusuweldo ng isang office staff sa kompanya nila. Hindi kailangang magtiis ng isa na sumakay ng jeep o mas lalo na makipagsiksikan sa ordinaryong bus. At sa pagkakaalam rin niya, hindi naman nagkakalayo ang presyo ng ticket ng ordinary fare sa airconditioned bus.

Pero tiniis iyon lahat ni Jillian. Sinundan niya ito sa pagbabiyahe nito pauwi sa bahay. Nang makita ang itsura ng bahay ng mga ito, saka nalinawan si Sid kung bakit kailangang magsakripisyo ng ganoon ni Jillian.

Mahirap lang sina Jillian. Nakita rin niya na marami ang sumalubong rito sa pag-uwi sa maliit na bahay na inuwian nito. Pero sa kabila ng hindi kaaya-ayang itsura ng bahay ng mga ito ay kabaligtaran ang reaksyon ng dalaga. He saw her smiled so widely. She looks so wonderful and amazing...

Naalala ni Sid ang sinabi ng lalaking binusted ni Jillian. Kahit na-Amazona kung i-describe ito ng iba, amazing ito para sa lalaki. Napatunayan niya nga na totoo iyon. She is amazing. And Sid is amazed indeed. She is also unbelievable.

Bakit ba hindi ko kaagad siya nakilala? Ilang beses ng pumasok sa utak iyon ni Sid. Matalas ang mga mata niya pagdating sa mga magagandang babae. Halos kakilala rin niya ang mga magagandang babae sa kompanya. Marami rin ang mga iyon dahil na rin karamihan ay mga stewardess at ground attendant. Ilan sa mga qualifications ng mga iyon ay pleasing dapat ang personality. Pero naisip na lang niya na dahil na rin siguro iyon sa hindi naman ito isa sa mga babaeng palagi niyang tinitignan: mga stewardess.

Hindi maganda ang pamumuhay na nakita ni Sid kay Jillian. Pero sa pag-alis niya, naging maganda naman ang ngiti niya. Isa talagang challenge ang babae. At para siyang na-challenge sa isipin na puwede niyang pagandahin ang buhay nito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.