Library
English
Chapters
Settings

8

"'WAG kang paranoid. Ilang beses ko bang uulitin na safe sa akin si Rocco? Hindi ko siya type!"

Napangiwi si Rocco sa halos pasigaw ng si Cielo sa cell phone. Hindi na niya kailangan na tanungin pa kung sino ang tumawag. Halos oras-oras naman kasi ay tumatawag si Stella kay Cielo at pinagbabantaan ito.

Sa paglipas ng mga araw ay mas nararamdaman ni Rocco na hindi siya type ni Cielo. Paulit-ulit na kasi nitong sinasabi kay Stella na hindi siya nito type. And somehow, naiinis siya sa sarili dahil naiinis siya kay Cielo. Parang sugat sa ego niya na wala itong gusto sa kanya.

Pero para sa ikabubuti naman iyon 'di ba? Gusto rin niya dapat iyon. Pero hindi ba niya maintindihan kung bakit parang may kumikirot sa puso niya.

Inagaw ni Rocco kay Cielo ang cell phone. "You don't have to worry, bedda. Hindi ko rin type si Cielo kaya 'wag mo na siyang guluhin. What we are doing is just for show,"

"Oh, Rocco!" Lumambot ang tinig ni Stella. "Yeah, I know. But I'm jealous. Ayaw kong maagaw ka sa akin ng kaibigan ko,"

Mas lumaki ang ngiwi ni Rocco. "But I'm not yours,"

"You will be," humagikgik si Stella sa kabilang linya.

Napailing-iling si Rocco. Bago magpaalam kay Stella ay pinagsabihan niya ito na 'wag ng guluhin sila ni Cielo dahil wala naman na mangyayari. Pumayag ito pero hindi niya alam kung totoo. Pakiramdam kasi niya ay paranoid talaga ito.

Kung tutuusin, type ni Rocco si Stella. Half-Filipina ito pero mas buhay sa pigura nito ang pagiging Sicilian na siyang type niya. Pero may masama siyang pakiramdam sa ugali nito kaya pakikipag-flirt lang ang ginagawa niya sa babae. He charmed her just because he doesn't want to be rude to everyone. Isa pa, aminado siyang flirt siya. Pero hindi lahat ay ginagawa niya dahil may interes siya sa isa.

"She's obsessed with you,"

Nagkibit-balikat si Rocco. "Hindi na bago. Pero 'wag kang magseselos, ha?"

Inikutan siya ng mata ni Cielo. Tinawanan niya ito. "I-off mo ang cell phone mo. Baka tumawag ulit siya at 'di mo mapigilang sumagot ng paulit-ulit. Mahirap rin kapag ginawa mo dahil maraming tao sa palengke. Baka may masamang loob na magka-interes sa phone mo,"

Sinunod ni Cielo ang utos niya. Inilagay nito ang cell phone sa bag pagkatapos. Hinawakan niya ang kamay nito. "Let's go,"

Kumunot ang noo ni Cielo. Pinilit nitong tanggalin ang kamay niya. "Anong paghawak ng kamay 'yan?"

"Para ipakita sa harap ng maraming tao na proud ako sa girlfriend ko,"

Inikutan siya ng mata ni Cielo. "Hindi pa kita sinasagot. Ang alam lang ni Madam ay nililigawan mo pa ako,"

"Edi para ipakita sa kanila na hindi ko kinakahiya ang future girlfriend ko,"

"Wala dito sa Mrs. Ferrara para ipakita mo 'yan," Hindi pa rin nauubusan ng dahilan si Cielo.

"Paano kung sinusundan niya pala tayo? 'Di ba at siya na nga ang nagsabi na mag-oobserba siya? Paano kung kaya niya tayo inutusan na mamalengke ay para makita kung paano ako umakto kapag hindi siya nakatingin?"

Totoong inutusan nga sila ng matanda kaya sila namalengke.

"Kagaya ka na rin ni Stella. Paranoid ka na rin,"

Nagkibit-balikat si Rocco. "Whatever you say. Pero para rin sa akin, holding a hand of a lady is also a sign that you are taking care of them. At gusto kong maramdaman mo iyon,"

Napatingin sa kanya si Cielo. Sinalubong naman niya iyon. Malambot ang ekspresyon ng mukha nito. Mukhang na-touch sa sinabi niya.

Gusto naman na mapakurap ni Rocco. Pakiramdam rin kasi niya ay na-touch ang puso niya habang tinitignan ang mata nito. The feeling in his heart is warm...and nice.

Ito ang unang beses na makaramdam si Rocco ng nakakatakot na pakiramdam. Pero nakakatakot nga ba kung may dala rin na sarap at saya iyon? Isa pa, wala siyang kinakatakutan. Bata pa lang siya ay adventurous na siya. Madalas rin ay alam niya ang mga dapat gawin sa isang kritikal na sitwasyon dahil matalino siya. Pero sa pagkakataong iyon, ewan ba at parang hindi niya alam ang gagawin.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.