9
"IF YOU need anything, don't hesitate to call me..." wika ni Mrs. Ferrara kayna Rocco at Cielo. Halos sabay silang tumango.
"We will be fine. Sisiguraduhin ko 'yun," wika ni Cielo pero may nginig pa rin sa boses.
Tumango naman ang matanda at lumabas na ng kuwarto. Tinitigan niya si Cielo. Malinaw ang pag-aalala sa mukha nito. Bumuntong-hininga siya at hinaplos ang mukha nito. "Tama na 'yang pag-aalala na 'yan. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na magiging okay ako 'di ba?"
Humikbi si Cielo. "Kinakabahan pa rin ako. Paano kung bumalik ulit sa forty degrees ang temperature mo? Malayo ang ospital sa bayan. Hindi pa marunong mag-drive si Mrs. Ferrara. Gabi na at mas lalong mahihirapan tayong makakuha ng sasakyan---"
"Hush. Relax. Hindi ko na kailangang dalhin sa ospital. Simpleng flu lang ito,"
"Ang taas kanina---"
"Pero mag-lilimang oras na simula nang mangyari iyon. I'm down now to thirty eight. I'm almost back to the normal temperature so no need to worry,"
"Ayoko talaga ng may nagkakasakit."
"Ayoko naman ng paranoid,"
"Nag-aalala lang ako,"
"Ayoko ng---" Natigilan si Rocco. Nabitin sa dila niya ang dating ayaw niya na may nag-aalala. Dahil pakiramdam niya ngayon ay kasinungalingan iyon.
Paggising ni Rocco ngayong araw ay biglang masama na lang ang pakiramdam niya. Sa tingin niya ay dahil napagod siya sa mga activities kahapon. Bukod kasi sa pamamalengke ay sumama siya sa ilang mangingisda para tignan ang trabaho ng mga ito. Namingwit rin siya. Pero noong pauwi na sila ay lumakas ang ulan. Lahat silang nasa Bangka na nainitan habang nangingisda ay nabasa ng ulan. Hindi siya sanay kaya siguro ay trinangkaso siya.
Buong araw tuloy na nakabantay sa kanya si Cielo at pati na rin si Mrs. Ferrara. Inasikaso siya nito at halos hindi umalis sa tabi niya. Kada-thirty minutes rin ay pinupunasan siya ni Cielo. She takes care of him as if he is a baby. At kahit hindi sanay ng ganoon si Rocco ay na-enjoy niya. Ang sarap pala sa pakiramdam na alam mong may taong totoong nagke-care sa 'yo.
"Sige na nga. Pero 'wag kang iiyak, okay? Ayoko ng umiiyak,"
Pero umiyak pa rin si Cielo. "Tinakot mo kasi ako, eh..."
"Okay na nga ako 'di ba?"
"Hindi pa. May lagnat ka pa nga, eh."
"Lalo akong lalagnatin sa pagka-paranoid mo," Tinapik ni Rocco ang espasyo sa tabi ng kama. "Come on. Magpahinga ka na para matigil ka na sa kakaisip."
Sinunod naman siya ni Cielo. Pero sa halip na tumalikod kagaya ng naka-ugalian nilang set-up ay humarap ito sa kanya. Nagulo ang sistema niya. Pero hindi napatigil nang paglakas ng tibok ng puso niya ang kamay na haplusin ang mukha nito. Pinahid niya ang mga luha nito.
"Stop crying. It's kind of making me worry too if you do,"
Tumigil naman si Cielo. Pinahid na rin nito ang luha.
"Very good," Napangiti si Rocco. "But I have another request,"
"Ano iyon?"
"Can you come closer to me?"
"Hmmm..."
"Please?" Nagmamakaawa ang tinig ni Rocco.
Hindi naman ganoon kahirap na pilitin si Cielo. Inilapit nga nito ang sarili. And when she did, he took the chance of giving her a kiss on the lips.
As expected, nagulat si Cielo. "P-para saan iyon?"
"For taking care of me..."
Namula si Cielo. Gusto niyang matawa dahil ngayon ay parang ito ngayon ang may mataas na lagnat. Pero napangiti rin naman siya sa huli, lalo na at hindi na rin naman ito nagreklamo. Isa pa, kangiti-ngiti naman talaga ang feeling na hinalikan at katabi niya ngayon ang babaeng parang nagugustuhan yata niya...