Library
English
Chapters
Settings

7

Years Ago...

NAPAUNGOL si Rocco nang mag-iisang oras na yata ay hindi pa siya makatulog. Hindi siya talaga komportableng mahiga sa sahig. Bumangon siya, iniisip na gisingin si Cielo na nasa kama. Pero mulat rin ang mata nito at nagtatakang napatingin sa kanya.

Napakamot si Rocco. "Ayoko talaga dito."

Huminga nang malalim si Cielo. "Sige na nga. Diyan na ako sa sahig matutulog at dito ka na sa taas."

"Bakit ba kasi ayaw mong magtabi tayo?"

Pinanlakihan siya nito ng mata. "I'm not stupid,"

Tumawa si Rocco. "Virgin ka pa 'no?"

Namula si Cielo at napangiti naman siya. She looked lovely when she blushed.

"Mang-asar ka at sasabihin ko kay Madam ang totoong set-up natin," ganti naman nito sa pang-aasar niya.

Natawa pero na-threaten rin naman si Rocco. Gusto talaga niya ang beach house kung nasaan sila ngayon ni Cielo. Kaya naman naging desperado na siya at dinamay niya pa ang bagong assistant sa deal. Umarte siya na mahal niya si Cielo para maniwala ang may-ari na may kakayahan siyang magmahal kagaya ng gusto nitong pagbentahan ng bahay.

Pero matalino si Mrs. Ferrara---ang may-ari ng bahay. Hindi agad ito naniniwala sa pagbabago ng kanyang isip. Sa halip, inimbitahan siya nito at si Cielo na patunayan ang pagmamahal niya rito. Kailangan nilang tumira sa beach resort ng ilang araw. Oobserbahan ng may-ari kung totoo ba ang nararamdaman niya. Sa iisang kuwarto lang rin sila natulog ni Cielo dahil dalawa lang ang kuwarto sa mismong bahay at ang isa ay ginagamit mismo ng may-ari. Napilitan sila na sa iisang kuwarto matulog dahil ayaw pumayag ng matanda na sa sala siya matulog. Malamok raw doon, bukod pa sa ayaw nitong mapag-isa si Cielo sa kuwarto dahil baka mapaano ito. Ayaw rin naman nito ng may katabi kaya hindi nito matabi ang babae.

Hindi rin madaling makumbinsi si Cielo na pumayag sa deal. Kaya kahit kilalang maloko siya, sinubukan niyang tumigil. After all, pakiramdam niya ay si Cielo na lang ang pag-asa niya.

Aminadong playboy si Rocco. He could not say that he is proud of it but he cannot hide or deny it. Paano ba naman niya mapipigilan samantalang babae na talaga ang naghahabol sa kanya? Masarap sa feeling ang habulin kaya feel na feel rin niya.

Pero magiging complicated ang lahat kung ang mga babaeng maghahabol sa kanya ang pagpapanggapin niya. Kaya mabuti ng kay Cielo na lang. At least, alam niyang hindi siya nito type. Hindi ito maghahabol kung sakali man na magkalapit sila.

"Okay, relax. Hindi na nga," ngingisi-ngisi si Rocco. "Pero puwede bang makitabi na lang sa 'yo? Hindi ko naman yata kayang maatim na sa sahig ka tutulog,"

"Hindi ako sanay na may katabi. Isa pa, paano ako makakasigurado na hindi mo ako sasamantalahin?"

Lumaki ang ngisi ni Rocco. "Hindi ako pumapatol sa mga virgin,"

Tumirik ang mata nito. "Lalabas na ba ako ng kuwarto?"

Umiling si Rocco. Tumayo na siya at kinuha ang mga kumot niya. Tumabi na siya kay Cielo sa kama.

"Para hindi na kita asarin, hayaan mo na akong matulog dito,"

"Rocco..." Naiinis ang boses ni Cielo.

Itinaas ni Rocco ang kamay na para bang nangangako. "I promise to be behave as possible. Nakatalikod rin ako sa 'yong matutulog sa kama na ito..."

Napabuntong-hininga si Cielo. "Bahala ka na nga,"

Inilagay ni Cielo ang isang unan sa pagitan nila. Tinalikuran rin siya nito sa pagtulog at pumikit na. Ginawa rin naman ni Rocco ang kaparehas pero lumipas ang kalahating oras ay maligalig pa rin ang isip niya.

Nag-iba ng puwesto si Rocco. Humarap siya kay Cielo. Nakaharap na ang ulo at katawan nito sa kisame pero mukhang tulog na. Para kasing naghihilik na ito. Dahil nakikita ang mukha, hindi rin naman niya naiwasan ang sarili na pakatitigan ang babae.

Simple at typical Filipina features ang itsura ni Cielo. Bilugang mata, hindi katangusang ilong, morenang balat, at may mahaba pero itim na buhok. Tama lang rin ang size ng katawan nito sa hindi katangkaran na figure nito. Kagaya ng nararamdaman nito sa kanya, hindi rin niya ito type. Alam niya sa sarili niya na safe talaga siya sa babae. Well, at least alam niya iyon hanggang sa ma-realize niyang may lagpas sampung minuto na niya itong tinitigan at nakangiti pa siya.

Napailing-iling si Rocco. Hinawakan rin niya ang dibdib na noon lang rin niya na-realize na parang bahagyang bumilis ang takbo. Sumunod naman ay ang pisngi niya na parang namula yata nang ma-realize na tinitigan niya ang babae. Dahil sa totoo lang, hindi naman kasi siya mahilig tumitig sa babae. Madalas ay sa unang tingin pa lang, masasabi na niya kung gusto at type niya ang isa.

Pero ngayon ay ang matagal na pagtitig yata ang nagsasabi kay Rocco na mukhang nagugustuhan niya si Cielo. Ganoon pa man, inalis rin niya iyon sa isip. Maraming dahilan kung bakit hindi puwede. Isa na roon ay empleyado niya ito. Naniniwala siya na hindi maganda sa business kung magkakarelasyon o magkakagusto man lang ang isa sa empleyado. It can complicate things. Kagaya na lang ng nangyari sa Tito niya na namamahala dati ng vineyard nila.

Nagkagusto ang dating sekretarya ng Tito niya rito. She became obsessed that it came to the point of hurting him. Kinidnap nito ang Tito niya na ikinamatay nito. Nagpakamatay rin naman ang babae pero hindi namatay sa memorya nila ang nangyari. Kaya naman simula noon, ipinanukala na sa vineyard na bawal magkaroon ng relasyon o magkagusto man lang sa kapwa empleyado.

Iyon rin ang dahilan kung bakit tinanggal niya ang dating assistant niya. Isa rin iyon sa dahilan kaya tinanggap niya sa trabaho si Cielo nang makitang nag-apply ito. Hindi siya nito type kaya naman walang mangyayari na ikakabahala niya.

Pero mukhang sa mga naging reaction ng katawan ni Rocco sa simpleng pagtitig rito, mukhang sa sarili niya siya mababahala.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.