6
Present
"ARE YOU okay?" tanong ng kapatid na si Rashid kay Rocco. May pag-aalala ang mukha nito.
Tumango si Rocco. "I'm okay. Salamat sa concern mo. Pero sana ay hindi ka na nag-abala. Alam kong marami kang responsibilidad ngayon sa Saranaya ngayong kayo na ni Yaminah ang namumuno roon,"
Umiling si Rashid. "It's nothing. May problema ka at gusto kong tulungan ka. After all, ganoon ka rin naman sa akin kapag may problema ako. Magkapatid tayo at dapat nagtutulungan tayo. Isa pa, kailangan ko rin ng break paminsan-minsan. It's also approved by Yaminah so it's okay..."
"Hindi lang naman tayo ang magkapatid. I can console with Sid---"
"Alam mong puro kalokohan lang ang alam ng kapatid nating iyon. Besides, we always have each other's back since we are young. Tayo ang close sa anim nating magkakapatid,"
Nagkibit-balikat si Rocco. Tama ang kapatid niyang si Rashid. Sa limang kapatid niya sa ina, si Rashid nga ang pinakamalapit sa kanya. Pareho kasi silang sabay na nagbabakasyon sa Pilipinas kapag bakasyon nila sa eskuwela. Parehong education system ng mga bansa kung nasaan ang ama nila kung saan sila lumaki. Sila ang magkalaro habang nasa paaralan naman ang ibang kapatid niya at pumapasok.
"Fine. Pero okay lang talaga ako. That's nothing..."
"Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng anak kaya nasasaktan ako para sa 'yo,"
Napailing-iling si Rocco. Napaka-drama ng kapatid niya. Napaka-maalalahanin rin nito. Talagang nag-abala pa ito na umuwi ng Pilipinas dahil inakala nito na nagluluksa siya. Akala ng mga ito ay nasasaktan siya sa pagbunyag ng katotohanang matagal na naman niyang alam. "Let's not talk about it,"
"Anong plano mo?"
"Sa totoo lang ay gusto ko munang mapag-isa. Ang magbakasyon,"
"Saan?"
"Sa resort,"
Tinaasan siya ng isang kilay ni Rashid. "Sa resort mo? Pero kung pupunta ka sa business na pag-mamay-ari mo ay parang hindi naman bakasyon iyon,"
"It is. It's the most relaxing place I know..." Tinitigan niya si Rashid. "I'm sorry. Alam kong nag-abala ka pa na pumunta sa Pilipinas pagkatapos ay hindi man lang kita maasikaso..."
"It's okay. After all, hindi rin naman ako puwedeng magtagal. Bibisitahin ko na lang sina Mama. Na-miss ko rin siya,"
Tumango si Rocco. Maya-maya ay iniwan na nga siya ni Rashid. Siya naman ay dumiretso sa beach resort na pagmamay-ari niya sa Batangas. Pero nang makarating ay gustong bawiin ni Rocco ang sinabi kay Rashid.
Seeing a familiar woman in the lobby made the place the most unease place he knows...
"Rocco..." Mukhang nagulat ang mukha ni Cielo nang makita siya. "How coincidental to see you here..."
Hindi nakapag-react kaagad si Rocco. Sa isip niya ay gusto niyang itama ang sinabing salita ni Rocco.
Fuck the word coincidental. It's destiny...
Pero sa huli ay inalis rin ni Rocco sa isip iyon. How the hell will he talk about a stupid love word to an untrusting woman? Matagal na niyang nilimot ito. At hindi niya gustong balikan pa ang mga alaala nito.
Kaya lang, hindi naman mapigilan ni Rocco na mapaisip kung bakit pinagkita ulit silang dalawa. At sa resort pa mismo niya at mukhang mag-isa lang ito. Anong paglalaro ng tadhana ang ginagawa sa kanya? At ano na naman ba itong salita na nabuo sa isip niya habang tinitignan ang maliit at simpleng pigura ni Cielo?
Chance. What if he takes another chance?
Napatiim bagang si Rocco. He doubt if it will be worth it.