Library
English
Chapters
Settings

5

"ANG GANDA!" bulalas ni Cielo nang makita ang lugar kung saan siya isinama ni Rocco. It was a beach house. Balak raw bilihin ni Rocco ang property na iyon.

Ngumisi si Rocco. "Kaya ko nga bibilhin 'di ba? I hope I will close the deal. Ang tagal ko ng gustong bilhin ang property na ito,"

Tumango si Cielo. Bilang assistant ni Rocco, responsibilidad rin niya na tignan ang mga properties nito. Wala naman siyang reklamo. Maganda nga iyon dahil nakakagala rin siya.

Halos dalawang linggo ng nagtatrabaho si Cielo kay Rocco. So far, maayos naman ang lahat bukod kay Stella. Araw-araw na kasi nitong sinasabi na masama pa rin ang loob nito. Pero ano ba ang magagawa niya? Kailangan niya ng trabaho. Iniisip na lang niya na nagpapa-bebe lang ang kaibigan niya.

Pumasok na sila sa loob ng beach house. Sa terrace ng bahay ay may naghihintay sa kanilang matandang babae. Sa tingin niya, ito ang may-ari ng bahay. Nakipagkamay rito si Rocco.

"Is she your wife?" tanong ng matanda sa wikang Italian habang nakatingin sa kanya.

Umiling si Rocco.

"Where is your wife then?"

"I don't have a wife,"

"Fiancee?"

Umiling ulit si Rocco. "I'm very much single, Ma'am."

"And when will you be ready to mingle?"

Natawa si Rocco. "No. Life is too short to taste boring food everyday,"

Binigyan ito nang masamang tingin ng matanda. "Then get out of this house!"

Pareho silang nagulat ni Rocco. "Ano daw?"

"I am not selling it to a man who doesn't value relationships!"

Nagkatinginan sila ni Rocco. Tumikhim ito maya-maya. "I don't really get why you are not able to sell this beautiful beach house to me. I mean, I can afford more than your selling price..."

"Pero hindi mo kayang bilhin ang value nito," wika ng matanda sa wikang Sicilian. "Ang bahay na ito ang unang bahay namin ng asawa ko. Dito kami tumanda. Hindi man kami nagkaroon ng anak ay living proof naman ang bahay sa pagmamahalan namin. Isa sa mga habilin ng asawa ko bago siya mamatay ay ang ibenta lang ito sa mag-asawa o 'di kaya ay magkarelasyon.

"I-I don't know what to say anymore. Ang romantic niyo po,"

Tumango ang matanda. "Marami ang tumitingin ng bahay na ito. Ikaw sana ang napupusuan ko dahil mukhang mabait kang bata. Nasabi mo rin noong nakaraan na gusto mong gawing bahay bakasyunan ang lugar na ito, hindi business kagaya ng mga sinasabi ng tumitingin dito. Pero ngayong nalaman kong wala ka palang balak mag-settle down ay hindi bale na lang. Have a good day,"

Tinalikuran na sila ng matanda. Nang tignan niya si Rocco ay namumutla at parang namamawis rin ito.

"Wait," wika ni Rocco nang malapit na sa pinto ang matanda.

Nakataas ang isang kilay na lumingon ang matanda. "What?"

Lumunok si Rocco. Tumikhim ito. "May balak naman po talaga akong mag-settle down,"

"Kailan?"

"Soon. It's just that I'm nervous to tell my feelings to the girl that I love,"

"Have courage now then,"

Tumango si Rocco. Napakurap siya nang tumingin ito sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "A-anong ginagawa mo?"

Hindi pinansin ni Rocco ang sinabi ni Cielo. Sa halip, pinalalim nito ang titig sa mga mata niya. Parang may nagwalang paru-paro tuloy sa tiyan niya. Nagsunod-sunod ang kanyang paglunok.

Namumungay ang mga mata nang magsalita ulit si Rocco. "I love you, Cielo. And the reason why I ask you to come here with me today is because I want you to really see the house that I want us to live in..."

Nalaglag yata ang panga at unexpectedly ang puso ni Cielo sa sinabi ni Rocco.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.