3
PAGKATAPOS ng isang linggo ay nakakuha si Cielo ng trabaho. Pero hindi niya masasabing masuwerte siya dahil ikinatampo iyon sa kanya ng kaibigang si Stella. Bukod pa roon, sa tingin niya ay hindi niya magugustuhan iyon. Natanggap kasi siya sa vineyard na pagmamay-ari ng pamilya ni Rocco. Isama pa na ang responsibilidad ng posisyon niya ay palaging makakasama ni Rocco. She will be his assistant.
Inggit na inggit si Stella. Pero kung puwede nga lang na magpalit sila ng puwesto ay naggawa na niya. Natanggap rin si Stella sa pinakamalaking vineyard sa Sicily. Mas malaki ang kikitain nito kaysa sa kanya dahil hindi naman ganoon kalaki ang kayna Rocco. Pero dahil na rin sa obsession nito sa lalaki kaya kahit hindi ganoon kalakihan ang suweldo, gustong-gusto pa rin nitong patulan ang trabaho niya.
Pero tinanggap na rin ni Cielo ang sitwasyon. Sa panahon ngayon, mahirap makahanap ng trabaho kaya masuwerte na rin siya. Ngayong araw ay ang umpisa na ng trabaho niya. Wala si Rocco pero ang dating assistant nito ang nakaharap niya. I-endorse raw siya nito sa mga do's and don'ts ng trabaho niya.
Pansin ni Cielo na malungkot ang assistant. Parang namumugto ang mata nito---mukhang umiyak.
"May problema ba?" wika ni Cielo sa wikang Sicilian. Dahil ilang taon na rin naman siya sa Italy, magaling na rin siyang magsalita ng Italian. May pagkakahawig rin iyon sa language ng mga Sicilian dahil parte pa rin naman ng Italy ang Sicily. Marunong rin siyang magsalita at makaintindi ng Sicilian language dahil marami rin sa mga kaklase niya sa Milan ang nagsasalita noon.
"Ma-mimiss ko ang trabaho ko. Mahal na mahal ko ito. Mahal na mahal ko si Sir..." paiyak ng wika ng babae sa wikang Italian.
"Ha? Eh bakit ka umalis?"
"Hindi ako umalis. Tinanggal ako. Nasa rule ni Sir na bawal ma-in love sa empleyado..."
"Ah," Tumatango-tangong wika ni Cielo. Pumasok sa isip niya na baka kaya siya natanggap ay dahil alam ni Rocco na hindi niya ito type. Pareho naman kasi silang nag-apply roon ni Stella pero siya ang pinalad.
"Masakit pero wala akong magagawa. Kaya ikaw ha? 'Wag kang gagaya sa akin,"
"I'm safe," nginitian ni Cielo ang babae.
Ibinigay sa kanya ng assistant ang mga dating files. Pag-aralan daw muna niya. Kung may tanong siya ay tawagin na lang daw siya nito. May aasikasuhin lang daw ito.
Sinunod naman ni Cielo ang babae. She browsed the files. Mukhang hindi naman iyon ganoon kahirap lalo na at halos lahat ay nasa English language. Madali niyang naiintindihan iyon kaysa sa Italian.
Cielo is half-way in browsing nang may malaglag mula sa mga files. Isa iyong cute-size picture ni Rocco. Sa tingin niya ay naisingit iyon dati ng assistant. Hindi tuloy niya napigilang pati iyon ay i-browse.
It was a selfie photo of Rocco. Ang may kalakihang mata nito ay sumingkit dahil sa pagkaka-ngiti nito sa picture. Nahawa siya rito at napangiti rin.
"No wonder talaga at maraming nagkakagusto sa 'yo. Ang cute-cute mo pala," out-of-the blue ay nawika ni Cielo.
May tumikhim sa likod ni Cielo. "O, akala ko ba hindi mo ako type?"
Pulang-pula ang mukha ni Cielo nang mapalingon at nakita si Rocco. Ngiting-ngiti ang loko.
"N-nandito ka pala. Akala ko umalis ka,"
"Hindi ba ako puwedeng bumalik? Anyway, hindi iyon ang usapan. Bakit mo sinabihan na cute ako sa picture?"
"W-well, kapag ba sinabi kong cute, type ko na? Cute rin naman ang mga aso pero hindi ko sila type," Palusot ni Cielo.
"Hmmm... may point ka. Pero sana ay na-warning-an ka na ni Valentina. I do not do office romance nor I tolerate my employees to be crushing on me..."
Tumango si Cielo. Pero nang makaalis si Rocco at mapatingin ulit sa picture ay napalunok siya. Cute talaga ang lalaki at ewan ba niya dahil parang may kumislot sa puso niya habang tinitignan ulit iyon.
Ibinaba ni Cielo ang picture. No way! Hindi niya kakainin ang sinabi niya.