Library
English
Chapters
Settings

2

Three Years Ago...

"I'M SO excited and I just can't hide it!" Pasayaw-sayaw pa na wika ni Stella kay Cielo. Nakababa na sila ng kotse at malapit nang makapasok sa bar ay hindi pa rin ito mapakali sa saya.

Gustong paikutan ng mata ni Cielo ang kaibigan. Pero hindi naman niya ito masisisi. Sa loob ng apat na taon na magkasama sila sa university, iisa ang bukang bibig nito araw-araw: si Rocco di Stefani. At ngayong araw ay makikita na ulit ng kaibigan ang lalaki pagkatapos ng isang taon.

Kaka-graduate lang ni Cielo at ni Stella sa isang sikat na university sa Milan sa kursong Agriculture. Para mag-celebrate ay sumama siya sa kaibigan sa hometown nito sa Sicily, Italy---isang autonomous region sa Italy at siya rin na pinakamalaking island sa Mediterranean Sea. Bukod roon ay ang nagbabaka-sakali rin siya na makahanap na rin ng trabaho sa lugar. Marami kasing vineyard sa lugar nila Stella at malaki ang chance niya na matanggap dahil na rin sa tinapos.

Isang Half-Filipino, Half-Sicilian si Stella. Kaklase niya ito kaya naging magkaibigan sila. Naging close sila dahil na rin pareho silang may lahing Pinoy. Exchange student lang siya sa Italy. Kailangan na niyang umuwi pero minabuti niyang mag-extend dahil nagbabaka-sakali siyang magkaroon ng magandang trabaho sa Italy o kahit sa Sicily. Mas maganda kasi ang ekonomiya roon kaysa sa Pilipinas.

Pero bago ang trabaho, ginusto muna ni Stella na magsaya sila. Kaya isang araw pagkatapos nilang makarating sa Sicily ay niyaya siya ni Stella na mag-bar. Nalaman raw kasi nito na pupunta roon ngayon si Rocco. Gusto nitong masilayan ang lalaki. Isinama siya nito para makita rin daw niya ang lalaki.

"I-save mo na 'yang energy mo. Baka mamaya kapag nakita mo si Rocco ay mahimatay ka, ha. Hindi kita kaya,"

Humagikgik ito. "Eh ano? Nandoon naman si Rocco para i-catch ako 'di ba?"

Napailing-iling si Cielo. Baliw na baliw talaga ang kaibigan sa lalaki kaya kung anu-ano na ang na-imagine nito. Sa pagkakaalam naman niya, magkakilala lang ito at si Rocco. Mukhang hindi naman sapat na relasyon iyon para tulungan nito at all times ang kaibigan.

Pumasok na sila ng bar. Maliit lang iyon dahil maliit na bayan lang rin naman ang lugar nina Stella. Mabilis na nahagip nang mata ng kaibigan ang hinahanap. Halos magkapasa siya sa kakasiko nito sa kanya dahil sa kilig. Nang lapitan rin sila ni Rocco ay parang hihimatayin ito.

"Ciao ladies..." Kinuha ni Rocco ang kamay ni Stella at hinalikan. Pulang-pula si Stella.

"H-hello, Rocco. It's nice to meet you again. Comu semu?"

Hindi sinagot ni Rocco ang pangungumusta ni Stella. Tumingin ito sa kanya. His eyes lighted and so his teeth when he smiled. "I'll answer that later. Who is this beautiful girl with you?"

"She's my friend, Cielo. Cielo, si Rocco nga pala..."

"Oh, wow! Filipina," inilahad ni Rocco ang kamay sa kanya. "Ikinagagalak kitang makilala. Kumusta ka? Welcome here in Sicily!"

"Okay lang. Salamat," sagot ni Cielo. Naikuwento nga sa kanya ni Stella na Half-Filipino, Half Sicilian rin ito kaya marunong itong mag-Tagalog.

"Mukhang suplada, ah." Tatawa-tawang wika ni Rocco.

Nagkibit-balikat si Cielo. Sinadya niyang hindi makipag-usap sa lalaki. Ayaw niyang makipaglapit rito dahil alam niyang makamandag ito. Stella told her that he is a wild playboy. Malinaw na nakikita naman niya iyon ngayon. He looks charming.

But he is clearly not her type. Bakit naman siya magkakagusto sa isang taong mahilig maglaro? Sasaktan siya nito sa huli. Hindi niya gustong magaya sa kaibigang nababaliw na sa lalaki. Naiintindihan naman niya ang nangyari sa kaibigan. Guwapo naman kasi talaga si Rocco. Tall, lean at may moreno na kutis. Pero ang pinaka-kapansin-pansin ay ang kulay sky blue nitong mga mata na parang hihigupin ka sa bawat titig.

Pero bukod sa playboy, alam rin naman ni Cielo na off-limits na ito. Kaya pinili na lang niyang iiwas ang sarili sa lalaki kaysa pansinin ang iba magandang physical features nito.

"Well, may table na ba kayo? Do you mind if you join us?"

"Of course it will be a pleasure! Tara na, Cielo..."

Halos hilahin siya ni Stella papunta sa table. Kinilabutan naman siya dahil puro lalaki ang mga naroroon at malalaking tao pa. Lahat ay nakangising tumingin sa kanila. Pero walang pakialam si Stella at masayang ipinakilala pa siya sa mga lalaki.

Tahimik lang si Cielo. Hindi naman kasi talaga siya mahilig magpunta sa bar o kaya ay mag-party. In fact, pangalawang beses pa lang niyang pumunta sa bar. Ang una ay isang college party na inuwian rin naman niya kaagad.

Cielo felt the same, too, today. Pero nakita niyang nag-e-enjoy si Stella, lalo na at in-entertain ito ni Rocco. Nakipagsayaw ang lalaki sa kaibigan. Ang ibang lalaki ay niyaya rin naman siya na sumayaw pero tumanggi siya.

Naiwan si Cielo na mag-isa sa table. It kind of made him feel relief and comfortable. Pero dahil sa malakas na ingay, amoy ng alak at sigarilyo ay naiirita pa rin siya. Sa huli, lumabas muna si Cielo ng bar. Nagpunta siya sa fire exit para mapag-isa. Pero wrong move pala dahil may tao rin doon. And to her horror, kakaiba ang amoy nito. He is smoking weed. Napatakip siya ng ilong.

"Ciao, bedda..." Sa kabila ng nandidiring reaksyon niya ay nilapitan pa siya ng lalaki. "Want one?"

Umiling si Cielo. Tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang baywang niya.

"Come on. Just take one,"

"I don't want. I'm sorry---"

"But I want. I want someone to be with me and I want you. You came here and I believe that you did it because God has a purpose of it. Maybe for me to hit you?" Nakakaloko ang ngisi ng lalaki.

Naka-droga talaga. Naiinis na natatakot na siya.

"No. And please, get your hands off me,"

Hindi pa rin siya pinakawalan ng lalaki. Sa halip, naglakbay ang isang kamay nito sa legs niya. Nanlaki ang mata niya. Sisigaw na sana siya nang tulong nang bumukas ulit ang pinto ng fire exit.

Pero hindi kaagad nabawasan ang takot ni Cielo nang makita kung sino ang pumasok: si Rocco. Kilala na niya ito at may bad reputation ito sa kanya. Kailan pa naging knight in shining armor ang isang playboy?

But he also proves that first impression never lasts. He became her Mr. Unexpected...

"Get your hands off her," wika ni Rocco. May ilaw sa fire exit kaya kita niya na madilim ang mukha nito.

Binitawan naman siya kaagad ng lalaki. Humingi ito ng pasensya.

"Do this again and I'll call the police," maawtoridad pa rin na wika ni Rocco.

"Si," Nahihiyang lumabas na ang lalaki sa fire exit. Naiwan sila ni Rocco sa fire exit. Nilapitan siya nito.

"Okay ka lang? May ginawa ba siyang masama sa 'yo?"

Umiling si Cielo. "You're just right in time. Salamat,"

Bumuntong-hininga si Rocco. "Hindi kita makita sa table kaya hinanap kita,"

"Bakit naman?"

Nagkibit-balikat si Rocco. "I do not know. Pero nag-alala ako sa 'yo kahit hindi pa naman kita ganoon kakilala,"

"Parang gasgas na 'yang pick-up line na 'yan, ah."

Natawa si Rocco. "So seems like many men are trying to hit on you,"

"Eh ano naman?"

"It's amusing..."

"Nakakainsulto 'yan, ha. Parang sinasabi mo na nakaka-amuse na may mga lalaking nagkakagusto sa akin,"

Ngumiti si Rocco. "I don't mean to offend you. Maganda ka."

"Pero hindi kita type,"

Tumawa si Rocco. "Bakit mo sinabi ang kasunod kong sasabihin?"

Inirapan na lang niya ito. "Thank you for saving me. Have a good night,"

Iniwan na ni Cielo si Rocco. Thankful naman talaga siya kay Rocco. Pero ewan ba niya pero may halong inis siyang naramdaman lalo rito. At sa tingin niya, kaya ganoon ay dahil sa sinabi nitong hindi naman siya nito type.

Eh ano kung hindi siya nito type? Nauna nga siya na magsabi noon 'di ba? At ano ba naman ang aasahan niya kay Rocco samantalang hindi naman talaga siya ganoon kagandahan? Totoong may mga lalaking nagkakagusto sa kanya pero hindi naman iyon ganoon karami. Asa pa siyang mapasama si Rocco sa maliit na listahan. Isa pa, ayaw naman niya rito 'di ba? Kaya bakit may hindi inaasahang sakit na naramdaman siya bigla na malayong mangyari nga iyon?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.