Library
English
Chapters
Settings

7

YAMINAH was almost twenty-two years old when she graduated on an exclusive college in Saranaya. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa batch nila. Proud sa kanya ang Papa niya. Bilang reward dahil sa achievement ay tinupad ng Papa niya ang hiling niya na makapagbakasyon.

Napili ni Yaminah ang Pilipinas. Bago pa man rin niya nakilala si Rashid ay matagal na siyang curious sa lugar dahil sa dating Yaya at mga kasambahay sa palasyo. Plano niyang bisitahin ito sa bakasyon na iyon. Pero ang pinaka-nasabik siya ay ang pangako sa kanya ni Rashid na igagala siya sa Pilipinas.

Natupad ang mga plano. Nabisita ni Yaminah ang dating Yaya na ngayon ay matanda na. May apo na rin ito. Ilang araw rin silang nag-bonding na dalawa sa bahay nito sa Batangas. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa Maynila. May sariling condo unit si Rashid pero minabuti nito na dalhin siya sa mansion ng pamilya nito dahil mas maasikaso raw siya roon. Mas safe rin siya roon dahil mas mataas ang security roon kaysa sa unit nito. Malaki kasi ang mansion at may mga guards roon.

Isang body guard lang ang kasama ni Yaminah sa pagpunta sa Pilipinas. Madalas pa na sinasabihan niya iyon na lumayo sa kanya. She felt so special because of the tight security. Gusto niyang maging ordinaryo paminsan-minsan.

Gusto naman ni Yaminah sa mansion. Gusto niyang makilala ang pamilya ni Rashid sa Pilipinas. Madalas na kinukuwento nito ang pamilya nito, lalo na ang mga kapatid nito sa ina. Halatang napakahalaga ng pamilya para kay Rashid. Gusto niyang makilala ang mga mahalaga sa lalaking gusto niya.

Malaki ang mansion. Naroroon rin ang ibang kapatid ni Rashid na kapareho nito na mga half-blood rin. Pangalawa si Rashid sa anim na anak ni Janna Marqueses-Harris. Ang panganay na kapatid nitong si Mikhail ay isang international pilot na may lahing Russian. Business man ang half-Sicilian na si Rocco na siyang sumunod kay Rashid. Aircraft Engineer naman ang pang-apat na si Sid na kapareho ng ama nitong Indian. Samantalang ang bunsong kambal na half-brother na half-Australian na sina Jayden at Jaxon ay nag-aaral pa lang para maging Doctor kagaya rin ng ama nito.

Ilan sa mga kapatid ni Rashid ay nakilala ni Yaminah ng personal kagaya ng kambal. Dahil ito ang mga wala pang trabaho at sa Pilipinas rin pinili na magbase ng ama nitong Australian ay ito ang palaging nasa bahay.

The twins grew up happy. Iyon ang nakikita na dahilan ni Yaminah kung bakit makulit ang dalawa. Ang amang Australian na Doctor ang naka-tuluyan ng ina ni Rashid pagkatapos ng maraming pagkabigo sa pag-ibig. Mabilis na nakita naman ni Yaminah ang dahilan kung bakit iyon ang napili ng Mama ni Rashid. Napakabait ng Doctor.

"Princess Yaminah of Saranaya, meet your future Prince. Prince Jayden Harris of Quezon City, Philippi---" Natigil hindi lang ang pagsasalita at pagyuko si Jayden nang batukan ito ni Rashid. Iyon ang araw na una niyang nakilala ang kambal. "Aray ko naman, Kuya!"

Tinawanan ito ni Jaxon. Pero maya-maya ay lumuhod rin ito sa harap niya. Kinuha nito ang kamay niya at akmang hahalikan nang ang kamao ni Rashid ang nahalikan nito.

"Ang sama mo, Kuya Rashid!" Reklamo ni Jaxon. Mukhang hindi naman ito nasaktan pero nagkamot ito ng ulo.

Pinandilitan ni Rashid ang kambal. "Napaka-aga pa para mambola kayong dalawa. Itong si Jayden, umaarangkada na naman ang kayabangan."

"Prinsipe naman talaga ako, Kuya. Mukhang prinsipe." Ngisi-ngisi pang wika ni Jayden.

"Ang sabihin mo lang, nagseselos ka, Kuya." Tukso ni Jaxon. Naging mapaglaro ang ngiti nito.

Napatingin si Yaminah kay Rashid. Namumula ito. Nahawa rin siya roon. Kung nagseselos si Rashid, ibig sabihin ay may nararamdaman rin ito sa kanya.

Lumakas ang tibok ng puso ni Yaminah. Kung totoo nga na may nararamdaman si Rashid sa kanya ay napakaganda talaga ng buhay niya. Perfect. She is a princess. She has a loving father. And now, the man she likes seems like also has feelings for her...

Ganoon pa man, tanging sa kilos lang makikita na mukhang may nararamdaman rin sa kanya si Rashid. Wala itong sinasabi. Pero inisip na lang ni Yaminah na actions speaks louder than words.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.