6
"DESCRIBE the Philippines," ungot ni Yaminah kay Rashid. Sa kasalukuyan ay kausap niya ito sa cell phone. Simula nang magkakilala sila nito sa party ay naging kaibigan na rin niya ito. Naging malapit na sila sa isa't isa, lalo na at palagi na rin niya itong nakikita sa mga party.
Halos isang taon na simula nang magkakilala sila Yaminah at Rashid. Dahil madalas na silang nagkakasama ay marami na siyang alam rito. Nasagot na ang katanungan niya kung bakit noon lang niya nakilala si Rashid.
Anak sa labas ang lalaki. Pilipina ang ina nito at naging girlfriend lang ng ama nito bago makapag-asawa. Dahil son out-of-wedlock ay hindi ito ganoong binigyan ng pansin ng ama nito, lalo na at lalaki ang naging unang anak nito sa naging asawa. Pero sa kasamaang palad ay namatay ang kapatid ni Rashid sa ama noong nakaraang taon. Puro babae na ang kapatid nito kaya si Rashid na lang ang inaasahan ng ama sa maraming bagay. Tumutulong ito sa family business ng pamilya sa Saranaya.
Pero dahil half-blood ay hindi lang sa Saranaya nanatili si Rashid. Sa kasalukuyan ay umuwi ito ng Pilipinas. Birthday daw ng Mama nito. Naka-ugalian na nito na pumunta sa Pilipinas kapag birthday ng Mama nito. Madalas rin na nagbabakasyon roon si Rashid, ayon sa kuwento nito.
"The Philippines is beautiful. I love it here." Maikling sagot lang ni Rashid.
"Kung ganoon, gusto ko na makita ang salamin ko." Ngingiti-ngiti na sagot ni Yaminah.
"Salamin?" Matagal-tagal na natigilan rin si Rashid. Nang ma-gets nito ang sinabi niya ay nakarinig siya ng mahinang tawa. "Yeah, of course. Kagaya mo nga ang Pilipinas. Pareho kayong maganda."
Mas lumawak ang ngiti ni Yaminah. "And when you are with me? Gusto mo rin ba iyon kagaya ng pakiramdam mo kapag nasa Pilipinas ka?"
"Sa tingin ko, lahat naman yata ng tao ay magugustuhan ang pakiramdam na kasama ka, Yaminah..."
Lumambot ang mukha, kasabay ng nararamdaman ng puso ni Yaminah. "I miss you, Rashid."
Tumikhim muna si Rashid bago sumagot. "I-I miss you, too, Yaminah..."
Hinawakan ni Yaminah ang bibig niya. Pinigilan niya na mapatili. Kinikilig siya. Nami-miss siya ng crush niya!
Lumalim ang naramdaman ni Yaminah kay Rashid nang makilala niya pa ito. Hindi lang ito guwapo. Mabait at matalino rin ito. Gusto rin niya ang pakiramdam na kasama niya ito. Nakakiliti ang pakiramdam kapag nagkakadikit ang kanilang mga balat. Makita lang niya ito ay kompleto na ang araw niya.
Maya-maya pa ay tinapos na ni Rashid ang tawag. Magsisimula na raw ang party ng Mama nito. Pumayag na rin siya dahil kailangan na niyang lumabas ng kuwarto. May lakad pa sila ng Papa niya. Ang ganda ng ngiti niya nang magkita na sila ng ama.
"Marhaba, Papa..." Pagbati ni Yaminah sa ama. Niyakap at pinugpog pa niya ito ng halik. Kahit malaki na siya ay nanatiling parang bata pa rin siya kung maglambing sa ama. Gustong-gusto naman nito iyon. The king giggled.
"Marhabteen..." ganting pagbati sa kanya ng ama. "Hmmm... you look happy. Leysh?"
Bumungisngis rin si Yaminah sa pag-uusisa ng ama. "Rashid just called, Papa. He said he missed me!"
"You really adore that guy..." Maganda ang ngiti, pati na rin ang ningning ng mata ng ama.
Nagniningning rin ang mga mata ni Yaminah. "I like him, Daddy."
"You like him more than Tariq?"
Napalabi si Yaminah. "I like Tariq. But just a friend. He's also like a brother that I never had."
"So your closeness with Rashid involves romance?"
"Hmmm... I think so, Papa. D-do you mind?"
"You are already a lady, Yaminah. Years from now you will be graduating in college and after that, we can plan your bethrotal..."
"Bethrotal..." Natigilan si Yaminah. "Papa, are you going to be the one who will choose who am I going to marry?"
"We'll see about it, habibti..." Ngumiti ang kanyang ama. "It is a need to make sure that your bethroted came from good roots. He should also be a good and noble man as he will be the future king. The future of Saranaya will depend on him..."
Napatango si Yaminah. Bata pa lang siya ay marami na ang nagsasabi na magiging arranged marriage ang kasal niya. Uso sa Saranaya ang ganoong klase ng kasalan. Kahit ang mga magulang niya ay ganoon rin. Pero ayon sa kuwento ng Papa niya ay natutunan rin naman nito at ng kanyang Mama na mahalin ng lubos ang isa't isa.
Ayaw niya sana ng ganoon, lalo na at parang may lalaking itinitibok na ang kanyang puso. Ganoon pa man, nagtitiwala siya sa ama. Alam niyang hindi siya nito bibiguin. Hindi siya nito sasaktan. Pipiliin nito ang lalaking alam nitong gusto rin niya. At hindi ba at alam naman na nito kung sino ang gusto niya?
Sa isipin na si Rashid ang ipapakasal sa kanya ay lalong naging maganda ang mood ni Yaminah.