Library
English
Chapters
Settings

5

Years Ago...

HOME. Iyon ang nasa isip ni Yaminah pagkalipas ng isang oras. Kasalukuyan siyang dumadalo ng isa sa pinakamalaking party sa Saranaya. Hindi na naman iyon bago sa kanya. Bata pa lang siya ay ipinaliwanag na sa kanya na bilang royalty ay responsibilidad niya na pumunta sa iba't ibang okasyon. She was the country's princess. She will be the future queen. Pero karamihan rin sa dahilan kung bakit kailangan niyang dumalo ay dahil sa ama. Siya ang palaging date nito sa party.

Kahit normal naman para sa royalty sa Saranaya na mag-asawa nang madami ay hindi ginawa ng kanyang ama. Kahit nang mamatay ang kanyang ina ay hindi na rin nito ginawa. Sabi ng kanyang Papa, true love daw nito ang kanyang Mama. Nag-iisang reyna sa puso nito ang namatay niyang ina. Hindi ito mapapalitan. Kaya siya, bilang nabubuhay na pinakamamahal nito ang palagi nitong isinasama.

Sanay na naman si Yaminah roon. Pero wala siyang gana ngayon. Paano, wala na ang partner-in-crime niyang si Tariq. Best friend niya ito. Bata pa lang ay magkakilala na sila. Kabilang rin ito sa royal familes ng Saranaya. Anak si Tariq ng isa sa mga makapangyarihan na Sheikh sa bansa nila.

Kapag bored ay sumasama si Yaminah kay Tariq. Umaalis sila sa party. Madalas na naglalaro sila, lalo na noong bata pa siya. Ngayon naman na eighteen years old na sila ay madalas na nagkukuwentuhan na lang sila o kaya ay gumagala sa lugar. Masaya na kausap si Tariq. Mabait rin ito.

Pero sa kasalukuyan ay nasa London si Tariq. Nag-aaral ito ng Masteral Degree sa isang ivy school roon. Ilang taon na maninirahan si Tariq roon at minsan na lang umuwi. Na-miss na niya ang kaibigan pero naiintindihan naman niya ang pag-alis nito. Para iyon sa future nito.

"Is there a problem, habibti?" tanong ng kanyang ama nang makitang napasimangot na siya.

Tumingin si Yaminah sa ama. Gusto na niyang umuwi. Pero ayaw naman niya na iwan na lang ito sa party. Ang gusto niya ay palaging magkasama silang umuwi. Sanay siya. Hindi rin naman kasi siya nakakatulog habang wala pa ang ama sa bahay nila. Wala rin siyang gagawin roon.

"G-gusto kong lumabas, Papa. Puwede ba?" wika ni Yaminah sa wikang Arabic.

Mayamang pamilya ang nagpa-party. Dahil roon kaya sigurado si Yaminah na mataas ang security sa lugar. May mga body guard rin naman sila ng ama. Pero kapag alam naman na secured ang lugar ay hindi mahigpit ang mga iyon. Isa pa, hindi rin niya gusto ng sinusundan siya. Ganoon rin ang kanyang ama. Inutos nito na manatili na lang sa labas ang mga body guards.

"Wala rito si Tariq. Anong gagawin mo sa labas?" Tanong ng ama sa wikang Arabic.

"Maglalakad lang." Sinagot rin ni Yaminah ang ama sa wikang Arabic. Pinilit niya na ngumiti. "Malaki na ako, Papa. Puwede na akong pabayaan. Gusto ko lang mag-isa.

Pumayag ang ama. Lumabas na siya ng palace hall. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na wala ng tao.

Finally, I can be the way I want myself. Nasa isip ni Yaminah.

Masaya na mahirap ang buhay royalty. Masaya dahil lahat ng luho niya ay nakukuha niya. Mahirap dahil palaging nasa kanya na lang ang atensyon. Nakakasakal rin iyon. Bawal siyang gumawa ng mali. O kung gagawa man siya, kailangan na maging discreet siya.

At may pagkakataon siya ngayon na gumawa ng mali.

Napangisi si Yaminah. Yumuko siya at tinanggal ang mataas na sapatos niya sa paa niya. She felt comfortable. She felt nice.

Bilang prinsesa ay kailangan ni Yaminah na maging prim and proper. Pero kahit gaano pa kasi kamahal at sabihin na komportable ang mga high-heels na mayroon siya ay talagang hindi niya feel iyon. Napipilitan lang siya na magsuot dahil parte iyon ng proper dress code kapag may mga royal party sa Saranaya. Pero ngayong wala naman na nakakita sa kanya ay puwede niyang gawin iyon.

Yaminah danced for a while without shoes. Nag-hum at pumikit pa siya. It was heaven...until she opened her eyes and saw a man looking at her, particularly on her bare feet!

"Oh...!" Pulang-pula ang mukha ni Yaminah. May nakahuli sa kanya. Dahil kilalang tao siya sa Saranaya, malamang ay kilala siya nito. Nakakahiya siya.

Naglihis si Yaminah nang tingin. Kinuha niya ang kanyang sapatos. Nagmamadaling sinuot niya iyon. Nagmadali rin siya sa paglalakad. Halos tumakbo na siya. Pero isa pa rin iyon na mali niya. Sa ginawa niya ay hindi siya naging maingat. Sumabit ang paa niya sa dulo ng long dress niya. Nadapa siya.

"Ouch!"

Napa-igik si Yaminah nang masaktan. Hindi na lang ang paa ang masakit sa kanya. Nagkasugat rin ang tuhod niya sa kabila ng tumatabing na tela roon.

"Ameera!" sa sinabing iyon ng lalaki ay sigurado siyang nakilala siya nito. The word means princess.

Nag-aalala ang tingin sa kanya ng lalaki, lalo na nang makita ang sugat. Hinawakan siya nito.

"I'll take you to the clinic." Wika ng lalaki sa salitang Arabic.

"No!" Magkakaroon ng eskandalo kapag dinala siya sa clinic. Malalaman ng marami ang naging kalokohan niya. Mas magiging kahiya-hiya iyon.

Kumunot ang noo ng lalaki. "But you react. For sure it hurts..."

"I-I can manage." Sinubukan na tumayo ni Yaminah. Inalalayan siya ng lalaki pero nang bitawan siya nito ay nabuwal siya dala na rin ng nararamdaman na sakit.

Maagap naman na nahawakan siya ng lalaki para hindi siya tuluyan na mahulog. Napasandig tuloy ang ulo niya sa dibdib nito. Napasinghap si Yaminah. Nakakahiya talaga siya. Pero nang maitaas niya ang tingin patungo sa mukha nito ay mas lalo niyang gustong mapasinghap. Noon lang niya napansin na napakaguwapo pala ng lalaki.

Kasali kaya sa iba pang royal family sa Saranaya ang lalaking ito kaya nasa party ito? Ngayon lang kasi niya ito nakita. But with the looks of him, he doesn't look so ordinary. Maganda ang tindig ng lalaki at mukhang hindi basta-basta ang tela ng suot nitong thawb---isang sikat na Arabian garment. Mukhang bata pa rin ang lalaki. Sa tantiya niya ay ilang taon lang ang tanda nito sa kanya.

Ano kaya ang ginagawa ng lalaking ito sa party? Mas tumatak na iyon sa isip ni Yaminah sa halip na ang sakit mula sa kanyang pagkakadapa. She felt curious with just a sight of him. Sa pagtagal rin ng tingin niya sa lalaki ay siyang pagsunod-sunod ng kakaibang lukso sa kanyang puso. Nabaguhan siya, lalo na at sinundan naman iyon ng panghihina ng katawan niya. Nakakagulo rin ang biglang pumasok sa isip niya. She felt like he wanted to be close to his arms forever...

Ah, nakakahiya ka talaga, Yaminah!

Pinalaki pa ng lalaki ang kahihiyan niya nang bigla na lang siya nitong pangkuin. Nagulat siya. Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi na tuloy siya nakapagreklamo.

Napahiya ka na rin naman, bakit hindi mo pa sulitin? Pampaluwag loob ni Yaminah na lang sa sarili.

Dinala siya ng lalaki sa fire exit. Pinaupo siya nito roon. Gamit ang panyo nito ay itinali nito ang sugat sa tuhod niya. Hinilot rin nito ang namamagang paa niya.

"S-salamat," Gulong-gulo si Yaminah kaya parang nawala siya sa sarili. Nakapag-salita siya ng wikang Filipino. Fluent siya roon dahil bukod sa dating Yaya ay marami rin silang mga kasambahay na Pilipina sa palasyo.

Malapit ang loob ng pamilya nila sa mga Pilipino dahil isa rin na Pilipina ang Yaya ng Mama niya dati. Napakabait raw nito at kahit ang mga Pilipino na nakilala nito. Dahil roon kaya maraming Pilipina silang empleyado sa palasyo. Gustong-gusto rin ang mga ito ng kanyang ama. Masiyahin at masisipag raw kasi ang mga ito sa trabaho. Pero dahil karamihan sa mga ito ay hirap na matuto ng wikang Arabic at hindi rin ganoon kagaling sa ingles, siya na ang nag-adjust. Mas pinalawak niya pa ang kaalaman sa pagsasalita ng Filipino para hindi na mahirapan ang mga ito.

Tumikhim si Yaminah. "I'm sorry. I mean, thank you..."

"Walang anuman, Ameera,"

Napakurap si Yaminah. "M-marunong ka na magsalita ng Filipino?"

"I'm half-Saranarian, half-Pilipino."

"And you are part of royal families here in Saranaya?"

Nagkibit-balikat ang lalaki. "My father is a son of a sheikh."

"Oh..."

Ngumiti lang ang lalaki. Nang maramdaman niya na tatayo na ito ay kinabahan siya. Iyon na lang ba iyon? Iiwan na siya nito?

"My name is Yaminah, by the way." Inilahad ni Yaminah ang kamay para bawiin rin kaagad iyon. Kailan pa kailangan na magpakilala ng isang prinsesa? Nakakahiya na talaga siya. Ganoon pa man, naisip niyang itodo na rin iyon. May isang matinding puwersa rin sa puso niya na nagsasabing gustong makilala ang lalaking tumulong sa kanya.

"I know, Ameera,"

"You can call me Yaminah..."

Napakurap pa ang lalaki. "Papayagan mo ako?"

Nagkibit-balikat si Yaminah. "Why not?"

Gulong-gulo ang mukha ng lalaki. "Mas mataas ang posisyon mo sa akin. I should respect you."

Natawa si Yaminah. "Come on. Mas mukha kang matanda sa akin kaya kailangan na ako pa nga ang gumalang sa 'yo.

"Unbelievable," Napailing ang lalaki.

"But you are rude, you know. Mas nauna pa akong nagpakilala sa 'yo..."

Lumunok muna ang lalaki. "Rashid. I'm Rashid Samara. It was nice to meet you, Yaminah."

Inilahad ni Rashid ang kamay. Tinanggap niya iyon. May kakaibang init sa kamay nito. Gumapang iyon sa buong katawan niya sa nakakakiliting paraan.

Ngumiti si Yaminah. Rashid. What a nice name. What a nice man...

"It's nice to meet you, too, Rashid."

And it was nice how you make me feel...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.