8
Present
NAKAHINGA nang maluwag si Mikhail nang payapang nakarating siya sa mansion kung saan nakatira ang ina at ang kanyang pamilya. Sa kamay niya ay hawak-hawak niya ang anak. Nagpasalamat rin siya na sa halos isang oras at maulan nilang biyahe ay payapa na natutulog lamang ito. Hanggang sa makarating sa mansion ay ganoon pa rin ang kanyang anak.
Pagkapasok ni Mikhail sa mansion ay sinalubong siya ng ina. Gulat na gulat ito.
"Mikhail, paanong naririto ka na? At---" natigilan ito nang mapansin ang kanyang anak. Nanlaki ang mata nito. "Oh my God! Ito na ba ang---?!"
Hindi naituloy ng ina ang sasabihin. Mabilis na nilapitan siya nito. Kinuha nito sa kanya ang anak. "Napakagandang sanggol!"
Sandaling inobserbahan ni Mikhail ang ina. Makikita kaagad ang pagkagiliw nito sa anak kahit noon lang nito iyon kanina. Love and warmth overflow in her eyes. Parang may kumurot sa puso niya sa tagpo.
Napaka-unfair. Ang Mama niya na tanging sa mga kuwento niya lamang nalaman na magkakaanak na siya ay masayang-masaya sa pagdating ng bata. Bakit si Sari na ito mismo ang nagdala sa bata sa loob ng pitong buwan ay hindi niya nakitaan ng ganoon?
"Our first grand daughter. What a lovely baby..." Papuri naman ng stepfather ni Mikhail na si Braxton Harris. Noon lang niya napansin na nakasunod ito sa kanyang ina. Masuyong hinawakan rin nito ang anak niya.
Pumasok sa isip ni Mikhail na sadyang madali lang para sa kanyang ina ang maging magiliw sa bata. Anim silang magkapatid at siya ang panganay. Marami itong inalagaan. Dahil malaki na rin silang magkakapatid ay wala na ang mga itong inalaagaan at naging sabik na. Nagkaroon man kasi ng anak ang dalawa pa niyang kapatid na sina Rashid at Rocco ay hindi iyon nahawakan ng kahit sino sa kanilang pamilya. Namatay ang kay Rashid. Samantalang ang pangatlong kapatid niya na si Rocco ay ipinagkait rito ng babaeng naanakan nito.
Magaling makisama ang ina ni Mikhail. Patunay na roon na tatlo ang naging asawa nito at may dalawang lalaki pa na nakarelasyon at nagkaroon rin ng anak.
Ang amang Russian Pilot ang unang naging asawa ng ina. Isang Stewardess ang kanyang ina kaya nagkakilala ito at ang kanyang ama. Naging magka-crew ang dalawa. Nang maghiwalay ang mga ito ay nakarelasyon naman ng kanyang ina ang isang Arabian Businessman---ang ama ng pangalawa niyang kapatid na si Rashid. Sumunod roon ay isang Sicilian Businessman naman ang nakarelasyon nito na siyang ama ng pangatlo niyang kapatid na si Rocco. Parehong hindi naging maayos ang relasyon kaya naghiwalay ang mga ito.
Muling nag-asawa ang kanyang ina noong limang taong gulang siya sa isang Indian aircraft pilot. Muli ay hindi nagtagumpay ang kasal pero nagbunga iyon---ang pang-apat niyang kapatid na si Sid.
Ganoon pa man, hindi hinuhusgahan ni Mikhail ang kanyang ina. Sa kabila ng mga kabiguan sa buhay ay mahal na mahal sila nitong magkakapatid. Sadyang nahirapan lang talaga na makahanap ng tamang pag-ibig ang kanyang ina. Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin talaga ito pinabayaan. Ang pangatlong naging asawa nito na isang Australian Doctor ang naging kasundo nito at nakasama sa mahigit na dalawang dekada. Hanggang ngayon ay happily married pa rin ang dalawa. Nagbunga ang kasal ng kambal niyang bunsong kapatid---sina Jayden at Jaxon.
Wala siyang problema sa ina. Bagaman mahirap rin naman na lumaki na hiwalay ang magulang ay inintindi niya ang ina. Mabait rin naman ang naging mga asawa at karelasyon nito, lalo na si Braxton.
Naiintindihan niya na nagkakamali rin ang ina. Ayon sa iba, playgirl daw ito. Pero hindi ganoon ang na saisip niya. Hindi rin ang ina ang dahilan kung bakit playboy siya. Well, lalaki lang rin siya. He just loved being with the company of girls, lalo na kapag alam niyang napapasaya rin niya ang mga ito. Ang mga ito rin naman ang humahabol sa kanya.
Mali ba siya para ipagkumpara ang ina kay Sari? Magkaiba ng personalidad ang mga ito. Pero nasasaktan siya sa ginawa ng ina ng anak niya sa anak nila. Nasasaktan siya para sa sarili at para na rin sa anak.
"S-spasibo..." Tanging nasabi na lang ni Mikhail ay pagpapasalamat.
"Hindi mo na kailangan, Anak. Pero teka, bakit nga pala bigla mo siyang inuwi? Ni hindi ka man lang tumawag sa amin. Hindi mo rin sinabi na uuwi ka pala ngayon sa Pilipinas."
"Dumiretso po ako sa bahay ni Sari pagkatapos kong makababa ng eroplano." Hinawakan ni Mikhail ang kanyang ulo. Wala pa siyang tulog ngayong araw. Simula rin ng malaman na nanganak na ang babae ay halos hindi rin siya makatulog sa trabaho. Nanabik siya sa pag-uwi niya. Gustong-gusto na niyang makasama ang anak, ganoon rin si Sari. Sa pagdating ng anak, magkakadahilan na talaga siya para makita ito. Pero magugustuhan pa ba niya iyon kagaya ng dati kung sobra-sobra na ang ginagawa nito sa kanya?
Matatanggap niya na makita siyang pagkakamali ni Sari. Tinanggap niya na tinanggihan siya nito. Pero hindi ang kanilang anak. Napakasakit noon para sa kanya.
"Must be hard for you. Magpahinga ka na muna, Mikhail." Wika pa ni Braxton.
"Gusto ko po sana. Pero maipapangako niyo po ba sa akin na makakayanan niyo siyang alagaan? As much as possible, I want her to receive all the love and care. All the best, Ma..."
"But of course, Anak. Anak mo siya. This baby is also my blood. Aalagaan namin siya sa abot ng aming makakaya. Pero ipinagtataka ko lamang ay bakit hindi mo kasama si Sari? Kumusta siya? Maayos ba siya?"
"She's fine." Fine nga ba? May maayos ba na ina na tinanggihan ang anak nito? "Magpapahinga na muna ako, Mama. Mamaya na ako magpapaliwanag."
Hinalikan ni Mikhail ang anak. Umakyat siya sa kuwarto niya sa mansion. Kahit hindi tunay na anak ni Braxton ay may sariling kuwarto si Mikhail roon. Ganoon rin ang ibang kapatid niya. Tanggap ni Braxton ang nakaraan ng Mama niya. Kung ituring rin sila nito ay para na silang tunay na anak nito. Hindi na nakakapagtaka kung bakit naging maganda at maayos ang pagsasama nito at ng Mama niya. Tinanggap rin nito ang kagustuhan ng ama na mag-base sa Pilipinas kaysa sa Australia.
Halos kalahating oras ng nakahiga si Mikhail ay hindi pa rin siya makatulog. Umaalingawngaw sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ni Sari bago siya nagdesisyon na umalis.
"Sinubukan ko, Mikhail! Pero hindi ko maggawang i-connect ang sarili ko sa kanya. Ang hirap."
Madilim ang mukha ni Mikhail. "Because you kept on thinking that this baby is a mistake!"
"S-siguro nga. Pero hindi ko iyon maalis sa isip ko dahil iyon naman ang totoo. I'm sorry. But I don't think I can be a mother to this child..."
Hindi makapaniwala si Mikhail sa narinig. Oo, hindi naman niya ganoon na kakilala si Sari. Pero ni hindi niya lubos akalain na magagawa nito iyon sa anak nila. Ina ito. Ayaw niyang maniwala na may ina na ginustong tanggihan ang sariling anak.
Napakasakit ng kalooban ni Mikhail. Sinamahan pa iyon ng sama na rin ng pakiramdam niya. Tumulo ang luha sa mata niya.
Bumukas ang pinto ng kuwarto. Mabilis na pinahid ni Mikhail ang luha. Ang Mama niya ang pumasok. "M-may problema ba sa anak ko, Mama?"
Umiling ito. "Tulog pa rin siya hanggang ngayon. Mukhang hanggang bukas na iyon. Binabantayan siya ngayon ni Braxton. Ikaw ang sa tingin ko ay may problema, Anak. Pagod ka pero hindi ka nakatulog agad. Bago iyon."
"May iniisip lang ako, Mama."
"Si Sari ba iyon? Siya ang problema mo, tama ba ako?"
Bumuntong-hininga si Mikhail. Mas lumaki siya sa Mama niya. Close siya rito. Mas lumaki siya sa piling ng ina. Noong bata siya ay nagbabakasyon lamang siya sa Russia. College na siya nang matagal-tagal siyang tumira roon. Ang ama niya ang nagpa-aral sa kanya ng kolehiyo roon. Inamin niya sa ina ang problema.
"Gaano mo kakilala ang ina ng anak mo, Mikhail?" titig na titig ang ina kay Mikhail pagkatapos niyang magkuwento.
"Alam ko na hindi ko siya ganoong kinilala, Mama. Kasalanan ko iyon pero inintindi ko lang naman ang gusto niya." Hindi gustong makipaglapit sa kanya ni Sari. "Pero nararamdaman ko naman na mabait siyang tao. Oo, tinanggihan niya ako. Pero hindi ko makita ang dahilan niya kung bakit pati ang anak namin ay nadamay. She's a mother. It's natural for a mother to love their own child."
"Minsan na binisita mo siya habang ipinagbubuntis niya ang anak niyo. Was she happy?"
Natigilan si Mikhail. Naalala niyang tinanong niya iyon kay Sari. Iniwasan lamang siya nito. "S-she sees us as a mistake,"
"At sinukuan mo na lang siya, ganoon?"
"Ma, kilala mo ako. I admit I am a playboy. Sanay ako na sinasamba ng mga babae. Masakit sa ego ko na siyang tangi ko na sinuyo ay tinanggihan ako."
Umiling-iling ang kanyang Mama. "Kapag mahalaga sa 'yo ang isang tao, hindi mo dapat basta-basta sinusukuan."
Natulala si Mikhail sa sinabi ng kanyang ina. Alam niya sa sarili na mahalaga sa kanya si Sari.
Pero nasaktan ako. Dahilan ni Mikhail kung bakit itinigil na niya ang mga plano kay Sari noon.
Tumayo ang Mama niya. Lumabas ito ng kuwarto. Sa anong dahilan? Nainis ba ito sa kanya? Pero teka, mahalaga siya sa ina. Hindi dapat siya nito sinusukuan.
Nasagot ang katanungan ni Mikhail nang pagkatapos ng halos sampung minuto ay pumasok muli ng kuwarto ang kanyang ina. Sa isang kamay ay may hawak itong isang medical book na sa tingin niya ay pagmamay-ari ni Braxton. The title was about pregnancy. May malaking library sa mansion at karamihan roon ay mga medical books dahil sa propesyon ng stepfather at ganoon rin ang kambal niyang kapatid.
"Minsan ay nabasa ko ito sa library. Naisip ko lang na makakadagdag ng impormasyon kung sakaling magtanong sa akin sina Rashid at Rocco noon tungkol sa pagbubuntis."
Itinaas ni Mikhail ang isang kilay. "You mean?"
"Intindihin mo si Sari, Anak. Paano kung may pinagdadaanan lamang siya?"
Napakunot noo si Mikhail. Hindi pa rin niya maintindihan ang ina.
Kinuha ng ina ang libro. Binuklat nito iyon sa isang partikular na pahina. Pinabasa nito sa kanya ang topic na iyon.
Lalong napakunot ang noo ni Mikhail. Post-partum depression?