Library
English
Chapters
Settings

9

"POST-partum depression?" napakurap si Sari nang marinig niya ang salitang iyon mula sa Doctor. Hindi niya maintindihan. Ngayon lamang niya narinig ang tungkol roon. Hindi rin naman ipinaliwanag sa kanya ni Mikhail. Kaninang umaga ay dumating ito sa bahay nila. Mag-isa lamang ito. Niyaya siya nitong pumunta sa ospital. Patitignan raw siya nito.

"Yes, post-partum depression. Tinatawag rin natin itong post-natal depression. Base on the problems you have told me, iyon ang obserbasyon ko sa 'yo." Pagsagot ng Doctor sa tanong niya. Tinanong siya nito kanina kung ano ang nararamdaman niya sa panganganak niya. Pinayuhan siya ni Mikhail na sabihin ang lahat sa Doctor. "This kind of depression is suffered by mother following childbirth."

"Ano? Paano?"

"It typically arises from the combination of hormonal changes, psychological adjustment to motherhood and fatigue. Symptoms are the one you told me. Sadness, hopelessness, irritability, anxiety and difficulty bonding with your baby. Mayroon rin naman na klase kung saan may mga ay hallucination na pagpapahamak sa sarili mo at sa anak mo. Marami rin na factor kung bakit iyon nangyayari. Isa na roon ay kung hindi plinano ng ina ang tungkol sa pagbubuntis o kaya ay may mixed feelings tungkol roon. Ito ang nakikita ko na dahilan kung bakit mo pinagdaraanan ito."

Nakagat ni Sari ang ibabang labi. "Should I be sorry about that?"

"Statistics says that ten to fifteen percent of woman suffers from this condition. You don't have to say sorry or worry. Hindi naman ito pang-habang buhay. And about ninety percent of woman can be treated successfully with medication or a combination of medication and psychotherapy." Pagpapaliwanag ng Doctor. Nagsulat ito sa papel. Nang ibinigay nito iyon sa kanya ay nabasa niya ang iba't ibang pangalan ng mga gamot. Mayroon rin doon na pangalan ng isang psychotherapist.

"Puwede mong subukan muna ang mga gamot. Kapag sa tingin mo ay hindi nakatulong ay saka ang sa psychotheraphy." Tumingin ang Doctor kay Mikhail. "I also need your help, Mr. Leskov. Makakabuti kung may aalalay sa kanya habang nagpapagaling."

"You can count on me on that, Doc."

Napatingin si Sari kay Mikhail. Hindi nito ibinalik ang tingin pero pinisil nito ang kamay niyang hawak-hawak nito simula pa kanina.

"S-salamat sa pagdala sa akin rito..." wika niya kay Mikhail nang makalabas sila ng clinic.

"My mother told me about this condition. Hindi ko napigilan na aminin sa kanya ang sama ng loob ko sa pagtanggi mo sa anak natin."

Napayuko si Sari. Napahiya siya. "I'm sorry."

"Don't worry about it. Ang sabi nga ng Doctor, hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng mga ganitong kondisyon. Isa pa, I want to blame myself, too. Isa rin ako sa may kasalanan kung bakit pinagdaanan mo ito. Kung naging maingat lang ako---" tumigil ito sa pagsasalita. "No. Hindi ko dapat pinagsisihan ang lahat ng nangyari. I am blessed to have a daughter."

Napatingala si Sari kay Mikhail. Magulo ang ekspresyon ng mukha nito. Nahihirapan siyang mabasa. He sounds proud. Pero kagaya nang huli nilang pagkikita, naroroon pa rin ang dilim. O iyon lamang ang iniisip niya?

Nahihiya siya kay Mikhail. Alam niyang nakaggawa siya ng pagkakamali. Tinanggihan niya ang anak nila. Pero ito ang lalaki, sa kabila ng malinaw na galit sa kanya kagabi ay iniintindi pa rin siya.

Napakalawak ng pang-unawa ni Mikhail. Hindi ito kagaya niya. Siya ay pinagsisihan ang nangyari. Samantalang ito ay blessing kung ituring ang anak nila. Pakiramdam niya ay hindi lang siya masamang ina. Masama rin siyang tao. Kahit ngayon na pinaintindi sa kanya ng Doctor na maaaring dumaranas lamang siya ng post-partum depression ay masama pa rin ang loob niya sa sarili. Nagi-guilty siya. Pero sa ngayon ay wala pa siyang pakiramdam para itama ang kanyang mga mali.

Magiging maayos siguro ang pakiramdam ni Sari kapag naggawa na niya ang treatment. Gusto niya. Ayaw rin naman niya na maramdaman ang lahat ng ito.

"Pupuntahan na ba natin ngayon si---" natigilan si Sari. Ni ang pangalan ng anak niya ay ayaw pa rin niyang isipin.

"MM," wika ni Mikhail. "Hindi. Naisip ko na huwag muna. Ayokong ma-pressure ka."

"MM? May naisip ka ng pangalan sa kanya?"

Tumango ito. "Maria Mikaela. MM for her nickname..."

"T-that's a combination of our name..." Maria Rosario ang buong pangalan ni Sari. Nickname lamang niya ang Sari. "Bakit gusto mo pa siyang ipangalan sa akin?"

"Ina ka pa rin niya. Kung hindi dahil sa 'yo, wala siya sa mundo..."

"B-but I am still feeling bad about our daughter..."

"Tutulungan kita, Sari. Isang buwan ako na naka-leave sa trabaho. Gagawin ko ang lahat para matanggap mo ang anak natin."

"Thank you for doing this, Mikhail." Na-touch si Sari. Wala silang kahit anong relasyon ni Mikhail. Pero kung mag-aalala at alagaan siya nito ay sobra-sobra. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya. Niyakap niya si Mikhail bilang pasasalamat.

Niyakap rin siya ni Mikhail. Hinagod-hagod nito ang likod niya. Mas lalong nakaramdam ng ginhawa si Sari.

"Ginagawa ko ito para sa anak natin. Mahalaga siya sa akin. I want the best for her. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay niya."

Bahagyang nakaramdam ng lungkot si Sari. May isang bahagi ng puso niya ang gustong isipin na kaya ginagawa ito ni Mikhail ay para rin sa kanya. Dahil mahalaga rin siya para rito. Nasasaktan siya sa pinagagawa niya. Pero lahat pala ng iyon ay para sa anak nila...

Mali si Sari ng akala. Pero teka, ano ba ang karapatan niya para masaktan?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.