6
PERO naisip lamang iyon ni Sari. Nanatili ang isipin na naiintindihan siya ni Mikhail sa loob ng isang linggo. Tumango lamang kasi ito at pinabayaan na siya. Nakipag-ugnayan lang ito sa pamamagitan ng text message at tawag. Wala rin naman kasi itong pagkakataon para bisitahin siya. Bumalik na muli ito sa trabaho. Long haul pilot pa man rin ito. He flies around the world and spend a lot of time away from home. Ang mga biyahe nito ay nagtatagal ng ilang araw at umaabot pa nga ng linggo. Pero nang matapos ang duty, napatunayan ni Sari na mali siya.
Bumalik muli si Mikhail. Ang masama pa, bad timing ito. It was a hell day for Sari. Maraming transaksyon sa bangko. Sinabayan pa iyon ng matinding morning sickness niya. Well, naging all day sickness na nga iyon. Halos buong araw ay nahihilo siya. Tatlong beses rin siyang nagsuka sa trabaho. Pag-uwi niya ay nadagdagan pa iyon. Pagkababa niya ng sasakyan ay dali-dali niyang binuksan ang bahay. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa bibig. Hindi na niya tinignan ang paligid o isinara man lang ang pinto. Dumiretso siya sa lababo at doon ay nagsuka.
Hinang-hina si Sari. Halos hindi na nga siya nakakain sa trabaho dahil sa sama ng pakiramdam niya. Halos wala rin siyang naisuka. Pawis na pawis siya pagkatapos. Napapikit siya. Gusto niyang mapaiyak. Napakahirap ng sitwasyon niya.
"Oh, God, Sari..."
Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay napamulat si Sari. Nakita niya ang namumutla na naman na si Mikhail. Dinaluhan siya nito.
"You are not feeling well." Wika kaagad nito nang ma-obserbahan siya. Pinunasan nito ang pawis niya gamit ang panyo sa kamay nito. Akmang magpapasalamat na siya rito nang buhatin naman siya nito.
Nanlaki ang mata ni Sari. "Mikhail, hindi naman ako imbalido---"
"But as I said, you are not feeling well." Seryoso pero mahahalata na may pag-aalala sa tinig ni Mikhail. Ipinasok siya nito sa kuwarto. Inihiga siya nito sa kama.
"Inaasahan na iyon dahil sa kondisyon ko. Pero ang pagdating mo rito---"
"Kanina pa ako naghihintay sa pag-uwi mo. Hindi na ako pumunta sa trabaho mo dahil makakaabala ako roon. Sa pagmamadali mo na pumasok, hindi mo ako napansin sa labas. Sinundan na lang kita. Hindi mo na rin naman kasi inabala na isara ang pinto. Nakapasok ako. And besides, you should know that I will keep in touch."
Lumabi si Sari. "But not physically---"
"Gusto ko na asikasuhin ka. Gusto ko na mapalapit sa 'yo. If I do that, baka puwede mo na ako na bigyan ng pagkakataon para ligawan ka."
Napaawang ang labi ni Sari. "Ang akala ko ay naiintindihan mo na ako sa huli nating pag-uusap."
Ngumiti si "I am a lot of things, Sari. And one of those things is not giving up so easily."
Gulat na gulat pa rin si Sari. "I don't know what to say..."
"Hindi mo na naman kailangan, eh. Sa ngayon, ang gusto ko lang ay magpahinga ka." Tinabihan siya ni Mikhail sa kama. Mas naging malaki ang ngiti nito. "Hmmm... maybe what you need is a human pillow then..."
Mula sa pagiging maputla ay kahit si Sari ay naaliw nang maggawa niyang mamula kaagad sa komentong iyon ni Mikhail. Nang kuhanin nito ang balikat niya para mapalapit sila sa isa't isa ay lumayo siya.
"N-no. I am independent, okay? Sanay na ako na mag-isa dahil tatlong buwan lang naman sa isang taon umuuwi si Papa..."
Tumango si Mikhail. Bahagyang lumiit ang ngiti nito pero may liwanag pa rin naman ang mukha. "Well then, magluluto na lang muna ako para sa hapunan."
"Kaya mo?"
Ngumisi si Mikhail. "Nasabi ko na. I am a lot of things, Sari. Always remember that. So tell me, anong gusto mong kainin?"
"Chicken Adobo."
"Great! Chicken Adobo will be served after forty minutes, printsessa..." wika ni Mikhail at lumapit muli sa kanya. Hinalikan nito ang pisngi niya.
"Mikhail!"
Ngumiti lang si Mikhail bilang sagot. Lumabas na ito ng kuwarto. Natulala naman si Sari. How dare he kiss her?
I'm a lot of things, Sari... umaalingawngaw ang sinabing iyon ni Mikhail kay Sari. Ikinurap-kurap niya ang mata. Sinaway rin niya ang puso niya na lumakas ang kabog dahil sa ginawa nito. Hindi dapat niya binibigyan ng atensyon si Mikhail.
Komplikado. Hindi dapat ito ang iniisip niya. Bukod pa roon, playboy si Mikhail.
Ipinikit na lang muli ni Sari ang mata. Sinubukan niyang magpahinga. Kapag natulog siya, mawawala rin sa isip niya ang ginawa ni Mikhail at pati na rin ang pagod.
Nakatulog si Sari. Nang maggising siya ay ang nakangiting mukha ni Mikhail ang sumalubong sa kanya. Hawak-hawak nito ang tray na sa tingin niya ay naglalaman ng pagkain.
"Dinner is ready. Are you ready?"
Kumulo ang tiyan ni Sari. Parang sumabay rin doon ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan pero naging malakas na naman ang takbo noon nang makita muli si Mikhail.
It was just his charms, all right? Pagpapanatag ni Sari sa sarili niya. Sadyang malakas lang talaga ang charms ni Mikhail kaya siya nagkakaganoon ang puso niya. Kapag wala na naman ito ay hindi na ganoon ang nararamdaman niya.
"Ibigay mo sa akin."
"No, aasikasuhin na rin kita. You look really tired, you know."
"May kasalanan ka rin doon," hindi napigilan na sabihin ni Sari. Mahina lang naman ang tinig niya pero mukhang bahagyang narinig iyon ni Mikhail.
"Anong sinasabi mo?"
Dinadagdagan pa ng pagpapalakas mo ng tibok ng puso ko kaya mas pagod ako, sa pagkakataong iyon, sa isip na lamang iyon sinabi ni Sari.
"Wala." Tinignan ni Sari ang pagkaing niluto ni Mikhail. Naaamoy na rin niya iyon. "Kumain na tayo---"
Natigilan si Sari nang makaramdam na naman siya ng matinding pagkahilo. Hinawakan niya ang ulo. Napahawak rin siya sa bibig pagkatapos. Shit, nasusuka na naman siya!
"Sari!" sigaw ni Mikhail nang tumayo siya ng kama. Halos takbuhin na niya ang banyo. Muli ay nagsuka na naman siya.
"Easy, easy..." maya-maya ay naramdaman niya ang kamay ni Mikhail sa likod niya. Pinapagaan nito ang sitwasyon. Pero para kay Sari ay hindi iyon nakatulong. Napaiyak siya.
Niyakap siya ni Mikhail. "I'm sorry. I couldn't do anything for it..."
Naramdaman ni Sari ang lungkot sa tinig ni Mikhail. Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry. Hindi rin dapat ako dumedepende sa 'yo."
Bahagyang inilayo ni Mikhail ang katawan niya rito. Inipit nito ang buhok niya sa magkabilang tainga. "I want you to depend on me, Sari."
"Hindi iyon tama."
Ngumisi ito. "Kaya nga pumayag ka ng magpakasal sa akin para maging tama na ang lahat."
Umiling si Sari. "Masama man ang pakiramdam ko pero malinaw pa rin ang isip ko, Mikhail..."
Bumuntong-hininga si Mikhail. "What am I going to do with you?"
"Just accept everything, Mikhail. Hindi dahil sa may nangyari sa atin, hindi dahil nagbunga ito ay kailangan na pati ako ay panagutan mo."
"Kumain na nga lang tayo." Pag-iiba nito ng usapan.
Umiling si Sari. "I'm sorry. I think I'd rather rest again."
Nanghihina si Sari. Nanghihinayang siya sa nailuto. Mukhang masarap pa man iyon. Pero sa isipin na kakain siya ay nasusuka lamang siya.
Tumango si Mikhail. Inilalayan siya nito para makahiga.
"Tell me kung may iba ka pa na gusto, Sari. Nandito lang ako." Hinaplos ni Mikhail ang mukha niya. Nilaro-laro rin nito ang buhok niya. Pagkatapos ay hinalikan nito ang ulo niya.
Napaungol at napapikit si Sari. Kagaya dapat kanina ay magprotesta siya. Mainis. Nakahalik na naman sa kanya si Mikhail. Pero may naalala siya sa ginawa nitong iyon. Nag-init ang puso niya.
Dominic..
"I-I think, what I need is just someone..." mahina lamang ang boses ni Sari.
"I can be that someone..."
Nagmulat si Sari. Tinitigan niya ang mga mukha ni Mikhail. Hindi niya madalas na gawin iyon sa isang lalaki lalaki. Tanging si Dominic lamang ang in-appreciate niya. Bukod sa ama, ito lang ang lalaking nakalapit sa kanya. Well, bago ang lahat kay Mikhail.
Hindi si Mikhail ang kailangan niya. Hindi ito ang "someone" na gusto niyang makasama. Iyon ay ang lalaking madalas na halikan ang noo niya---si Dominic. Pero sa pag-iisip na hindi si Dominic ang gumawa noon ay nagbigay ng kirot sa puso niya.
She was really not yet over with his ex-fiance. Hindi rin naman siya masisisi. Dalawang buwan pa lamang ng iwan siya nito. Ni wala siyang balita sa lalaki pagkatapos.
"Y-you are not Dominic..."
Dumilim ang mukha ni Mikhail. Napayuko naman si Sari. Kitang-kita sa mukha ni Mikhail na halatang nasaktan ito.
She was sorry, but not really sorry. Alam ni Mikhail ang sitwasyon niya. Dapat ay malaman rin nito na mali ang ipilit nito ang sarili sa kanya.