Library
English
Chapters
Settings

5

"NO THIS morning and still no tonight..." Napapikit at napapitik si Sari sa ere nang matagpuan niya si Mikhail sa labas ng bahay niya pagkauwi nila. Bagaman inaasahan na niya na maaaring kulitin pa rin siya ni Mikhail pagkatapos niyang tanggihan ito ay hindi niya napaghandaan na magiging ganoon kabilis.

Hindi siya pumayag sa kagustuhan ni Mikhail na magpakasal sila. Halata naman na hindi nito iyon naintindihan...

Namutla si Mikhail sa pagtanggi niya. Nakita niya ang panginginig ng katawan nito nang tanggihan niya ang proposal nito.

Nakakagulat. Hindi ganon ang pagkakilala niya kay Mikhail. Bagaman sandali lang naman ang pagkakataon na nagkasama sila ay marami na rin naman siyang nalaman tungkol rito. He seems like a cool person, too. Hindi dapat ganito ang reaksyon ng mga "cool" na tao.

"I'm sorry. Pero wala akong makitang rason kung bakit kailangan natin na magpakasal."

"We're having a baby, Sari. Gusto ko na panagutan ang bata."

"You don't have to. Wala iyon sa plano ko."

Sandaling napaawang ang bibig ni Mikhail. Mas lalong namutla ang mukha nito."Y-you mean, hindi mo gustong ituloy ang pagbubuntis na ito?"

Umiling si Sari. "Hindi sa ganoon. Nakikita ko na pagkakamali ang nangyari sa atin. Ganoon rin ang pagbubuntis na ito. Pero alam ko na kasalanan ang pumatay. Itutuloy ko ang pagbubuntis na ito."

Nakahinga nang maluwag si Mikhail. "Good. Then we will be married."

"Mikhail, hindi nagpapakasal ang dalawang tao dahil lang sa magkaakanak sila."

"Not in my case. Ikaw ang unang babae na naanakan ko. Hindi ko hahayaan na maging bastardo ang una kong anak."

"But marriage is a big word..." Saka paano ba nasasabi ni Mikhail ang mga salitang iyon sa kanya?Malaro ito sa mga babae. Hindi ba dapat ay allergic ito sa commitment? Sa salitang kasal? Mababawasan ang mga babaeng magkakagusto rito. Mag-iiba na ang buhay nito. Napaka-big deal ba para kay Mikhail na magkaroon ng anak para magsakripisyo ito ng maraming bagay?

Umiling si Mikhail. "Tinatanggihan mo lang ako dahil nagulat ka lamang sa sinabi ko, Sari. Mag-uusap tayo mamaya. Pag-isipan mo ang lahat ng ito."

Dumaan na ang maghapon. Pero hindi nagpaapekto si Sari sa mga salita ni Mikhail. Pagdating niya sa bahay ay buo pa rin ang kanyang isip. Pero si Mikhail ay mukhang determinado na mapabago iyon.

Kung kanina ay bouquet lang ng bulaklak ang binigay ni Mikhail kay Sari, ngayon ay naging garden na iyon. Nagulat na lamang siya nang pag-uwi ay naroroon si Mikhail, naka-set up sa harap ng bahay nila ang iba't ibang klase ng bulaklak. Sa kamay rin ni Mikhail ay may tatlong pulang heart-shaped na lobo.

She felt a warm in her heart because of Mikhail's effort. Babae lang siya. Gusto rin niya na ma-appreciate. Bukod roon, ito rin ang unang beses na may nag-effort ng ganoon sa kanya. Sa maraming taon na naka-relasyon niya si Dominic, iisang beses lang siya nitong nabigyan ng bulaklak---noong nagpropose ito. Ngayon ay iisang araw pa lamang ay nakakarami na sa kanya si Mikhail.

Pero hindi dapat niya pinagkukumpara ang dalawa. Dominic was her first and true love. Samantalang si Mikhail ay pagkakamali lamang niya. Gagawin lamang niyang komplikado pa ang lahat kapag naapektuhan siya rito.

Umiling si Mikhail. Bagaman kung kanina ay namumutla ito sa pagtanggi niya, ngayon ay madilim ang mukha nito. Malinaw na nakikita niya iyon dahil kahit pagabi na ay bukas na ang street light na katapat lamang ng bahay nila. "Hindi mo pinag-isipan ang sagot na 'yan, Sari."

Bumuntong-hininga si Sari. "I'm not in love with you. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ako mahal."

"Pero magkakaanak tayo! Papayag ka ba na magkaroon ng anak na bastardo? Magkaroon ng anak na walang kinikilalang ama?"

"So ito ang sa tingin mo na magiging problema. But it will not. Ipapakilala ko sa 'yo ang anak natin. Bibigyan kita ng karapatan sa kanya. Hindi ko siya ipagkakait sa 'yo..."

"Hindi ganoon ang gusto ko. Kapag hindi tayo nagpakasal, hindi tayo titira sa isang bahay. Sa tingin mo ba ay maganda iyon? Maayos iyon? Makakaapekto iyon sa paglaki ng bata!"

Unti-unti ng nagiging mataas ang boses ni Mikhail. Seryoso talaga ito. Samantalang si Sari ay naaaliw sa loob-loob niya. Nasa tiyan pa lamang niya ang bata pero napakalayo na ng usapin nila.

"I do believe that your parents are not in good terms, Mikhail. Pero mukhang maayos ka naman at ang mga kapatid mo."

Ayon sa research ni Sari, kasal ang mga magulang ni Mikhail. Pero wala pang dalawang taong gulang si Mikhail nang maghiwalay ang dalawa. Nagkaroon pa ng iba't ibang lalaki na karelasyon ang ina nito pagkatapos noon.

"There will always be a hole in my heart because of that," Mararamdaman ang sakit sa sinabi na iyon ni Mikhail. "Mahirap iyon. Sino bang anak ang gustong makita na magkahiwalay ang magulang? Dahil naranasan ko na, hindi ko gustong maranasan iyon ng anak ko."

"Mas magiging mahirap kung magpapakasal tayo samantalang wala naman tayong nararamdaman sa isa't isa!"

Nagkibit-balikat si Mikhail. "Love can come after marriage, they say."

"Hindi ako naniniwala roon. Isa pa, I don't think I can love again after what happened to me and Dominic..."

Nagtagis ang bagang ni Mikhail. "Mamahalin mo ang anak natin, Sari."

Bumuntong-hininga si Sari. Napatingin siya sa pipis pa niyang tiyan. Wala pa siyang nararamdaman roon. Gusto niyang iyon ang makita na dahilan kung bakit hindi siya makasagot sa sinabi ni Mikhail.

No, I have to. I am a mother. Dapat minamahal ng isang ina ang kanyang anak... wika ng isip ni Sari. Pero bakit ganoon ang nararamdaman niya? The love for her baby seems like to be a responsibility. Mali iyon. Dapat ay natural na nararamdaman niya ang pagmamahal na iyon.

"Let's not talk about this, Mikhail. Buo na ang desisyon ko."

"Hindi ko gustong tanggapin iyon."

Tinitigan niya ang lalaki. "Ilang taon ka na ba, Mikhail?"

Nagliwanag ang mukha ni Mikhail. "Ah, so iyon ang dahilan kung bakit ayaw mo. Dahil hindi pa natin lubos na kilala ang isa't isa. Okay, I will introduce myself again. I'm Mikhail Vassi Leskov, thirty four years---"

"Alam ko. Tinatanong ko lamang ito dahil edad ang madalas na basehan kung mature ba ang isang tao. With your age, you should be matured now, Mikhail. At kung matured ka na, dapat ay naiintindihan at tinatanggap mo ang mga dahilan ko."

Natulala si Mikhail sa sinabi na iyon ni Sari. Mukhang napaisip ito. Inisip ni Sari na dahil sa reaksyon na iyon ni Mikhail ay naintindihan na talaga siya nito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.