4
Seven Months Ago
SIMULA nang malaman ni Sari na nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali niya ay marami siyang pagbabago na nararamdaman. Nasa first trimester pa lamang siya ng pagbubuntis. Nakakaranas siya ng normal na raw para sa mga taong kagaya niya---ang magsuka tuwing umaga. Hindi rin natatapos ang isang araw na hindi siya nakakaramdam ng matinding pagkahilo. Madalas siyang walang gana na kumain at kahit sanay na siya sa trabaho niya bilang assistant manager ng isang bangko ay matindi ang nararamdaman niyang pagod.
Pero higit sa lahat, may pakiramdam rin siya na madalas siyang nagha-hallucinate. Naiisip niyang dala na rin iyon sa napakaraming pasabog sa buhay niya sa mga nakaraang buwan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Ngayong araw ay isa sa mga akala niyang araw na nangyari rin iyon sa kanya nang makitang pumasok si Mikhail sa bangko kung saan siya nagtatrabaho.
Kinurap ni Sari ang kanyang mga mata. Naisip na rin naman niya na makikipag-ugnayan sa kanya si Mikhail. Kagabi ay ipinaalam na niya rito ang tungkol sa kalagayan niya. Pero wala siyang nakuha na reply message mula sa text niya rito. Ganoon lang muna ang inaasahan niya sa lalaki. Isang malaking sorpresa ang makita ito sa mismong trabaho niya. And it wasn't just his presence that surprises her.
Nasorpresa siya na may dala itong isang bouquet ng iba't ibang klase ng flowers. Pero mas nasorpresa siya sa klase ng ngiti na dala nito nang makita siya. It was charming that her heart also got a surprise reaction. It suddenly beats in an abnormal way.
Gulat lang 'yan, Sari.
"He is looking for you, Miss Estrella," nakangiti pang wika ng Head Manager na mukhang una muna nakausap ni Mikhail. Magkasama ito at si Mikhail nang pumunta sa cubicle niya.
"Can I excuse her for a while, Miss?"
"Oh sure. Hindi naman kami hectic sa trabaho ngayon." Kinindatan siya ng Head Manager. Ka-close niya ito. Namula si Sari. Pero nang makaalis ito at makapag-isa sila ni Mikhail ay nakaramdam naman siya ng pagkaputla sa isipin na hindi niya dapat maramdaman ang mga bagay na naramdaman noong una.
Hindi siya dapat maapektuhan sa ngiti ni Mikhail. Hindi siya dapat mamula sa presensiya nito. Wala lang dapat ang lalaki para sa kanya.
"From red you've turned white. Are you all right, Sari?" may pag-aalala sa tono ni Mikhail.
"Oh, y-yeah." Wika ni Sari, hindi pa rin makapaniwalang nasa harap niya ang lalaki.
Naalala ni Sari na nagbigay siya ng ilang impormasyon kay Mikhail noong nalasing siya. Nasabi niya kung saan siya nagtatrabaho at kung saan siya nakatira. Ang tanging ikinagulat lang niya ay ang pagdating nito roon. Hindi man lang siya nito na-inform kahit sa text message.
"Kakarating ko lang sa Pilipinas. I went straight here."
Tumaas ang isang kilay ni Sari. Tumingin siya sa hawak na bulaklak ni Mikhail.
Ngumisi ang lalaki. "I mean, of course after I bought you flowers." Ibinigay nito sa kanya ang bulaklak. "For you."
Bumuntong-hininga muna pero tinanggap rin ni Sari ang bigay ni Mikhail. "Hindi mo dapat ginawa ito, Mikhail. What if makilala ka ng mga tao rito?"
Natawa si Mikhail. "Not a big deal."
Kahit nakainom nang gabing unang nagkakilala sila ni Mikhail ay natatandaan niya ang mga pakilala nito sa kanya. His full name is Mikhail Vassi Leskov, thirty four years old and an international pilot just like his father. Half-Russian, Half-Filipino ito at aminado na isang playboy. Dahil sa mga impormasyon na iyon, madali lang para kay Sari na ma-research ang ama ng anak niya pagkatapos nilang maghiwalay.
Turns out na mukhang tama nga siya sa ginawa. Naisip na naman niya na hindi basta-basta na tao lamang si Mikhail. And he was really not. Na-feature na ito at ang lima pa nitong kapatid sa isang sikat na lifestyle magazine at marami rin na articles na makukuha sa mga ito sa internet. They were social celebrities. International Playboys kung tawagin si Mikhail at ang mga half-brother na ito. International dahil sa foreign na lahi ng mga ito. Playboys naman dahil lahat ay matinik sa mga babae.
Kilala si Mikhail at ang lima pa na kapatid nito kaya hindi na rin siya nagtaka sa inamin nito. Marami silang mga bata na tellers na lahat ay puro babae. Active ang mga ito sa social media dahil sa edad. Dahil si Sari ay umiikot lamang ang buhay noon sa trabaho at sa fiancé na si Dominic, ay wala siyang pakialam pa sa ibang mundo. Nakilala lamang niya ang International Playboys dahil na rin sa nakilala niya ng personal ang isa sa mga ito.
"Bringing flowers won't give you the macho look that you guys always wanted to achieve,"
Ganoon palagi ang sinasabi ng ex-fiance ni Sari. Hindi ito sweet. In fact, he was a serious man. Pero wala sa kanya kung hindi siya nito bigyan ng flowers o kahit ano pa man na sweet offerings kapag may naggawa siyang magandang bagay, birthday o kaya ay anniversary nila. Kontento na siya kay Dominic. Para sa kanya ay perpekto ito. He is an A-lister at matagumpay sa career bilang IT Specialist. Marami ang nagsasabi na bagay silang dalawa dahil ganoon rin siya. At the age of twenty-five ay pangalawang promote na niya sa trabaho. Kaya naman nang makipaghiwalay si Dominic sa kanya ay matinding sakit ang dinala noon sa kanya.
Maayos ang lahat. Perpekto ang lahat. Pero sa isang hindi pa rin malinaw na dahilan ni Dominic ay nasira iyon. Nakipagkalas ito sa kanya.
At iyon ang nagdala kung bakit naririto ngayon ang eksaktong kabaligtaran ni Dominic. Mikhail was a playboy and happy-go-lucky guy.
"Oh, but I believe it would make me look charming with the flowers. So sabihin mo sa akin, naapektuhan ka ba, Miss Estrella?"
Ngumiti na naman ng nakakaloko ang playboy. Hindi sanay si Sari na magsinungaling pero ngayon ay kailangan niya. Sa sarili lamang niya aaminin na nakakahawa rin ang ngiti ni Mikhail. Mali na purihin niya ang lalaki. Mali rin na may maramdaman siya na kakaiba para rito. Hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Well, hindi, kung hindi iyon si Dominic. In love pa rin siya sa ex-fiance. Mahirap na kalimutan ito. Apat na taon rin silang magkarelasyon.
Hormones... pagpapakalma ni Sari sa sarili niya. Naapektuhan lang siya kay Mikhail dahil nga buntis siya. At sa isipin na ito ang ama ng anak niya. Mawawala rin ang lahat ng ito.
Pinigil ni Sari ang mamula. Naglihis siya ng tingin. Iniba rin niya ang usapan. "What are you doing here, Mikhail?"
"Obvious na naman siguro 'di ba? I want us to talk about us."
Humalukipkip si Sari. "Ang ibig mong sabihin ay tungkol sa bata."
"Kasali na rin iyon doon. Pero ang importante muna ay pag-usapan natin ang tungkol sa isa't isa."
Umiling si Sari. "Anong pag-uusapan natin? Wala tayong problema. Sinunod ko ang sinabi mo sa akin na if ever man na magbunga ang isang gabi na iyon ay sasabihin kita."
"Babaguhin ng sanggol na ito ang buhay natin. Kailangan natin na mag-usap."
"I'm sorry. I am busy." Tumingin si Sari sa monitor ng computer niya. Alam niya ang ginagawa niya. Pinipilit niya na iwasan si Mikhail. Pero ano pa ba ang magandang gawin para sa sitwasyon niya ngayon?
She felt awkward. May abnormal feeling sa katawan niya sa presensiya ni Mikhail. Lumalakas ang tibok ng puso niya. Parang may paru-paro rin na lumilipad sa tiyan niya. Mali iyon. Kailangan niyang bumalik sa dati. Ginagawang komplikado ng pagdating ni Mikhail ang komplikado na niyang buhay. Ang solusyon: iwasan ito.
"Hindi ganoon ang sinabi ng boss mo."
"Pero hindi pa rin appropriate na gugulin ko ang oras para makipag-usap sa 'yo. They are paying me here. Makakapaghintay pa naman iyan 'di ba?"
"No. I don't think this can't wait anymore, Sari." Bumuntong-hininga si Mikhail. "I-I have to say this. Natatakot ako dahil baka mamaya ay wala na akong lakas ng loob para maggawa iyon."
Itinaas ni Sari ang isang kilay. Napatingin rin siya sa mukha ni Mikhail. Malinaw na nakikita niya na nanginginig ito. Tensyonado ang mukha at katawan nito.
"I-I want to marry you, Sari."
Nanlaki ang mata ni Sari. "No..."