3
"SHE'S so beautiful..."
Malambot ang tinig at tingin ni Mikhail nang unang beses nitong makita ang kanilang anak. Mabilis na kinuha rin nito ang sanggol mula sa crib. Bahagyang nagulat pa si Sari nang wala man lang siyang narinig na iyak sa anak. Kaka-settle lamang niya rito sa crib na siya pala na hanap nito kaysa ang magpabuhat. Maligalig ito kanina at natahimik lamang nang ilagay niya sa crib. Pero ngayong binuhat muli ay wala itong naging reklamo. Tinanggap kaagad nito ang ama.
"Angel moy...You're an angel." masuyong wika pa ni Mikhail. Hinaplos nito ang matambok at malambot na pisngi ng anak. "I already love you so much."
Sa unang pagkakataon ay nakita ni Sari na ngumiti ang anak niya. Napakurap siya.
Mikhail was really good in charming! O sadyang wala lang talaga siyang maternal instinct sa anak niya?
Napakadali naman para kay Mikhail na makapag-connect sa anak nito. Samantalang siya ay may walong araw ng nakakasama ang anak ay ni hindi naggawa iyon. Kapag umiiyak ito ay hirap na hirap pa siyang patahanin ito.
"Wow! Ngayon ay para ka namang Diyosa! Ang ganda-ganda mo talaga, Anak. Manang-mana ka sa---" tumigil sa pagsasalita si Mikhail. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti ito.
Itutuloy ba nito na mana sa kanya ang anak? Na maganda rin ito kagaya niya?
Nakaramdam ng pagtalon ang puso ni Sari sa isipin. Muntik na siyang mapahawak sa dibdib. Hindi ba at kakasabi lamang niya na charming si Mikhail? Playboy ito kaya hindi na dapat siya magtaka. Bukod sa pisikal na anyo, karaniwan na sa mga playboy ay malakas ang charms.
Pero hindi dapat maapektuhan si Sari roon. Mikhail is just the Daddy of her baby. Wala ng mas hihigit pa dapat roon. Ganoon rin ang dapat na tingin nito sa kanya.
Ikinunot ni Sari ang noo niya. Tumikhim at napangisi rin naman sa huli si Mikhail. "I mean, manang-mana ka talaga sa akin, Anak!"
Itinaas ni Sari ang isang kilay. "You mean, maganda ka rin?"
"Yeah. Who cares? She got my skin and my eyes. Alam mo ba na ilang beses na akong nasasabihan na feminine raw ang lagay ng mga ito? And of course, with my long hair, too. But I'm not offended."
Sa mga sinabi ni Mikhail ay napatingin tuloy siya sa physical features na mga sinasabi nito. Totoo naman iyon. Namana ng anak ang bilog at kulay grey na mga mata ng ama, pale skin at kahit ang light brown na buhok nito. Tama rin si Mikhail na mukhang pang-feminine ang itsura ng mga iyon kaya bumagay talaga iyon sa babaeng anak nila.
Mikhail was also right when he said that their baby looks like an angel. Pero physically lang iyon masasabi ni Sari. Maganda ang kanyang anak. Proud siya roon. Pero ang nararamdaman niya sa loob niya habang nakakasama ito ay siya naman na nakakahiya.
Gaano man katuwaan ng nakakarami ang anak dahil sa ganda ay hindi noon mapapantayan ang lungkot na nararamdaman niya. Kahit walong araw na niyang nakakasama ang anak ay wala pa rin siyang maramdaman na koneksyon rito. Isang pagkakamali. Mahirap rin iyon.
Ngayong umaga ay umalis na ang kanyang ama para bumalik sa trabaho nito bilang sea man. Samantalang si Aling Lydia naman ay nag-back out sa pag-aalaga ng anak. Hindi raw ito pinayagan ng mga anak nito na mag-full time sa pagkakatulong. Balik na lamang ito bilang minsanang househelp sa bahay. Kailangan pa tuloy niyang maghanap ng panibagong mag-aalaga.
And Sari was having a bad day already. Nahihirapan siyang gampanan ang tungkulin niya bilang ina. Nararamdaman rin yata ng anak niya na hindi maganda ang pakiramdam niya rito. Kung pagsasamahin siguro niya ang mga oras na umiyak ang anak niya ngayong araw ay kasing tagal na iyon ng mga oras na umiiyak ito sa mga panahon na naroroon ama. Mabilis na napapatahimik lamang ito ng ama pero siya ay hindi.
Mabuti na nga lamang at dumating na rin sa wakas si Mikhail. Nakausap naman kaagad niya ito pero hindi ito kaagad nakabalik sa Pilipinas dahil sa trabaho.
Sinakop na naman ng masamang damdamin si Sari. She felt like a bad parent. Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Samantalang mukhang madali lang para kay Mikhail ang mga bagay na may kinalaman sa anak.
It's the connection..
Tumango-tango na lamang si Sari. Naglihis siya ng tingin sa mag-ama niya. Nakakaramdam siya ng inggit. "Anyway, mag-bond muna kayo ni---" natigilan si Sari. Wala pa nga palang pangalan ang anak! Hindi pa nila pinapa-rehistro ito. Hinihintay niya si Mikhail. Ito ang pagdedesisyunin niya. "Well, pag-isipan mo na rin ang tungkol pala sa pangalan niya."
"Wala ka bang choice?"
"W-wala lang akong maisip."
Paano ba ipapaliwanag ni Sari na hindi talaga niya iniisip? Oo, siya ang nagdala sa anak. Siya ang nagluwal rito sa mundo. Pero sa nararamdaman niya ngayon, pakiramdam niya ay wala siyang karapatan rito. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya.
"Come on. Imposible naman 'yun---"
Pinutol ni Sari ang pagsasalita ni Mikhail sa pamamagitan ng pag-iling. "Ikaw na ang bahala, Mikhail. Mag-aayos muna ako dito sa bahay..."
"Mamaya na 'yan. Let's just bond with our baby together. Tulungan mo ako na mag-isip ng pangalan niya."
"Ibinibigay ko sa 'yo ang karapatan para gawin iyon. Ama ka niya. You can do it."
"No. I feel it's unfair. Ikaw ang mas marami na isinakripisyo sa kanya. Let's hold our baby together. Baka habang ginagawa iyon ay---"
"No!" napalakas ang wika na iyon ni Sari nang ilapit ni Mikhail ang anak. Umawang ang labi ng sanggol. Nanubig ang mata nito. Natakot ito sa pagsigaw niya. Nagsimula itong umiyak. "O-oh no..."
"Sari?" kunot na kunot ang noo ni Mikhail. Bahagyang niyugyog nito ang sanggol. Hindi rin naman nagtagal ang pag-iyak nito.
Naglihis ng tingin si Sari. "I'm sorry. Pagod lang ako."
Hindi man tumitingin ay naramdaman ni Sari ang pagtitig ni Mikhail. Namawis siya. Kung iyon ba ay dahil sa kaba o sadyang may kakaibang init lang talaga ang dala ng titig ni Mikhail ay hindi niya sigurado.
"Parang may mali. Ako pa rin ba ang problema mo, Sari?"
"Paano mo naman nasabi na may mali sa akin? Ni wala ka pang isang oras sa bahay na ito para obserbahan ako."
"Alam ko. Pero may iba akong pakiramdam sa 'yo..." Tinitigan na naman siya ni Mikhail. "Maybe the birth exhauasted you, Sari. But you are a first-time mom. Dapat ay excited ka sa lahat ng bagay tungkol sa anak natin."
Napapikit si Sari. Sa loob ng walong araw ay pinag-iisipan na rin naman niya ang dapat gawin. Pinipilit rin niya na ayusin ang kanyang sarili. Sinusubukan niya na i-connect ang sarili sa anak. Pero titigan man niya ito sa loob ng dalawang oras habang payapang natutulog ay hindi ganoon ang nararamdaman niya.
"S-she was a mistake, Mikhail."
Ganoon pa rin ang pananaw ni Sari sa mga nakalipas na araw. Iyon ang naiisip niyang dahilan kung bakit nahihirapan siyang tanggapin ang anak.
"Hindi mo dapat sinasabi ang bagay na 'yan, Sari..." Gulat na gulat ang mukha ni Mikhail.
Hindi nagsalita si Sari. Yumuko siya.
"Tinatanggihan mo ang anak natin..." Hindi pa rin makapaniwala si Mikhail.
Nanatili ang reaksyon ni Sari. Even she couldn't believe she will be doing this. Pero pakiramdam niya ay maling-mali ang lahat sa buhay niya.
Her life had been in a great complication since Dominic, her ex-fiance left her with an unknown reason. Pagkakamali ang inisip niya na magiging sagot ang alak para mawala ang sakit. Dinala lamang siya noon sa mas komplikadong sitwasyon. Nakakilala siya ng isang estranghero at nakipagtalik siya rito. Nabuntis siya. Hindi niya matanggap ang anak niya.
Maayos naman ang buhay ni Sari dati. Maayos rin siyang babae. Nangarap rin siyang magkaroon ng isang pamilya. Gusto rin naman niya na maging ina.
Pero hindi sana sa ganitong sitwasyon....
"Hinayaan ko na tanggihan mo ako, Sari. Pero hindi ko hahayaan na gawin mo rin iyon sa anak ko..." madilim na madilim ang mukha ni Mikhail na siyang lalo lamang nagpagulo sa damdamin ni Sari.