8. Missing
TAMA si Melanie sa isipin na magsisimula na ang pagbabago pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Vince sa dapat ay kasal na nila. Pero hindi sa kanya nagsimula ang lahat. Si Vince ang nagsimula ng panlalamig. Kung dati rati ay araw-araw itong tumatawag sa kanya, ngayon ay ni-text ng "Good Morning" ay wala siyang natatanggap mula rito. Sinubukan niyang kausapin ito pero wala siyang nakuha na response. Hindi tuloy niya alam kung ano ang dahilan nito. Kung iyon ba ay dahil sa pagtatalo nila o sa iba pa.
Pero bakit ito manlalamig sa kanya samantalang ito ang may kasalanan sa kanya? Hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ni Vince. Naguguluhan tuloy siya. Pero bukod roon, may iba pa rin na bagay na gumugulo sa kanya.
Naiinis siya sa isipin na hindi sinasagot ni Vince ang mga text niya. Pero mas naiinis siya na wala siyang kahit anong naririnig kay Augustus simula nang umalis ito ng hacienda nila. Ang alam niya ay nasa Maynila lang ito. Kapag nasa ibang bansa nga ito ay nagagawa siya nitong tawagan araw-araw, bakit ngayong nasa Maynila ito ay hindi nito iyon nagagawa? Ang sama-sama tuloy ng pakiramdam niya.
Bakit ba siya pinaparusahan ng ganito? Gusto niyang kausapin si Vince pero naisip niyang tama lang siguro na maging ganoon ito sa kanya. Nararamdaman niya na may problema na sila. Na hindi maganda iyon at hindi maayos basta-basta. Naguguluhan pa siya sa dapat na gawin roon kaya kailangan niya ng space. Pero sa pagitan nila ni Augustus, parang hindi niya kayang magkaroon ng space.
Sinubukan rin ni Melanie na kumustahin ito. Pero kaggaya ni Vince, wala rin siyang nakukuhang kahit ano rito. Mas lalo siyang nag-aalala dahil wala namang mali sa kanila. Unless...
Napabuntong-hininga si Melanie sa naisip. Iniiwasan ba siya nito dahil nasaktan ito sa kaalamanang akala nito ay magpapakasal na siya? Hindi tama iyon. Hindi niya ginusto na saktan noon si Augustus ng tanggihan niya ang proposal nito. Pero napalapit na ang loob niya kay Anthony noon. Isama pa na sa mga nakalipas na taon naman, nakita niyang maayos si Augustus. Kahit na may nararamdaman siyang kakaiba sa mga kilos nito sa mga naging nobyo niya, ayaw niyang pakaisipin iyon. Nagkaroon ito ng mga nobya at kahit madalas na hindi nagtatagal iyon, ibig sabihin lang noon ay na-divert na nito sa iba ang nararamdaman nito sa kanya.
Ayaw niyang pakaisipin na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ito sa kanya kaya ganoon na lang na nasaktan ito. Lalo na ngayong napatunayan niya na hindi siya magaling sa paghawak ng mga relasyon.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung tama ba ang nangyari sa pagitan nila ng unang nobyo niya na si Anthony. Masaya naman sila at sa mahigit na pitong taon na pagsasama, halos wala silang problema. Mabait si Anthony. Nirerespeto siya nito at alam niyang mahal siya nito. Ganoon rin naman siya rito hanggang sa maramdaman niya na parang nagsasawa na siya. Na kahit maayos naman ang pakikitungo nito, naramdaman na lang niya na parang wala na siyang damdamin rito. She just fallen out of love with him.
At ngayon ay ang hindi nila pagkakasundo ni Vince. Hindi na siya bumabata para mag-eksperimento pa sa mga relasyon. Noong una, iniisip niya na kaya nawala ang nararamdaman niya kay Anthony ay napansin niyang kahit mahaba man ang itinagal ng relasyon nila, madalas ay hindi niya nagugustuhan ang pag-uusap nila. Magkaiba kasi sila ng field of interest---ito ay pang medical dahil doctor ito at siya naman ay tungkol sa pagbubukid. Sa durasyon ng relasyon nila, iniintindi niya na may pagkakaiba sila ng nobyo. Hanggang sa pakiramdam niya ay nagsasawa na siya kahit alam niyang marami pa rin silang hindi nadidiskubre sa isa't isa. Naggising na lang siya isang araw na parang wala na siyang nararamdamang espesyal rito.
Nang dumating si Vince at nakita niya na pareho ang field of interest nila, pakiramdam niya ay nag-divert ang atensyon niya. Na-excite siya sa mga pinag-uusapan nila at kasunod noon ay nakita na lang niya na na-excite na rin siya na makita at mapalapit pa rito. Dahil pareho ang field of interest nila, naisip niya na magkakasundo sila at magwo-work iyon dahil hindi na sila magkaiba. Hindi nga lang niya napansin agad ang ugali nitong may pagkamarahas.
Gusto niyang makaranas ng passion pero may self-respect rin siya. Naniniwala siya na bago ang sex, dapat ay kasal muna.
She was on her way of breaking a relationship again. Kung nagagawa niya iyon sa dalawang nakaraan niya, hindi malabong maggawa rin niya iyon kay Augustus. Matagal man ang pinagsamahan nila at nasubukan na sila ng panahon ay natatakot pa rin siya. Pero mas natatakot siya sa kaalamanang hindi man dumating sa puntong pang-romantiko ang relasyon nila ay maaring masira rin iyon dahil sa mga inaasal nito.
He seemed so distant. So far...
And it was killing her. More than she felt about breaking a relationship with her boyfriend.
Kinalma ni Melanie ang sarili. Bakit ba kasi ganoon ang nararamdaman niya? Dapat ang higit na inaalala niya ay si Vince dahil ito ang nobyo niya. Pero mas inaalala pa rin niya si Augustus.
Nasasaktan nga kasi siya. Naiintindihan mo ba iyon? At siguro ngayon ay ang pagkakataon na niya para tuluyan ng lumayo para makawala sa damdamin niya sa iyo. Hindi ba at dapat matuwa ka roon? Hindi mo na aalalahanin pa na kapag naka-move on na siya ay hindi na siya masasaktan pa sa mga ginagawa mo sa kanya...
Pero hindi niya kaya na panlamigan siya nang ganoon ni Augustus. Hindi siya sanay. Mas nasasaktan siya sa ginagawa nito sa kanya. Kailangang kausapin niya ito.
Pagkatapos ng trabaho niya sa Hacienda ay nagpunta siya sa kuwarto niya at binuksan ang laptop. Binuksan niya ang Skype niya at nakitang online roon si Augustus. Sinubukan niyang i-chat ito. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay palagi itong nagrerespond sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon, sa halip na mag-respond ito sa "hello" niya, isang notification sa screen niya ang nagsabi na offline na ito.
Napabuntong-hininga lalo si Melanie. Senyales na talaga iyon. Isang napakasakit na senyales.
But I missed him. I missed him a lot eventhough I know it was all my fault.
At hindi na niya napigilan ang sarili. She broadcasted it even though having a mood message in Skype was not really her thing.