Library
English
Chapters
Settings

9. Enough

I MISS YOU :(

Lumandag ang puso ni Augustus nang makita ang mood message ni Melanie sa Skype. Nag-invisible lang siya nang makita niyang nag-message ito sa kanya. Gusto niyang sundin ang payo ng mga kaibigan niya na layuan ito, na magbigay ng space sa kanilang dalawa para maka-move-on na talaga siya. Sinusubukan naman niya pero mahirap pala talaga.

Sino ang nami-missed ni Melanie at kailangang i-broadcast pa nito bilang mood message nito sa Skype? Alam niya na walang Skype si Vince. Isama pa na kung nami-miss nito ito, bakit kailangang sa Skype pa nito ilagay iyon? May hinala siya na siya iyon lalo na at hindi niya pinansin ang message nito ngayon at ang mga nakalipas sa cellphone niya. Iniiwasan niya ito.

Maybe she really missed him that badly. Pero ganoon pa man, hindi na niya kailangan iyon lalo na ngayong gumagawa na siya ng hakbang para makalimot.

He misses her too. But all that what happened is already enough.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.