Library
English
Chapters
Settings

6. Breakfast

BREAKFAST in the garden ang ipinahanda ni Melanie sa kasambahay nila ng umaga na iyon. Dahil nasa bahay nila si Augustus, gusto niya na maging espesyal ang lahat. Isama pa na paborito rin nitong kumain sa garden ng villa nila.

Wala ang mga magulang ni Melanie ng araw na iyon. Parehong maagang umalis ito dahil may aasikasuhin ang mga ito sa Maynila. Nagkita at nagkausap na naman ang mga ito at si Augustus kagabi kaya okay lang iyon. Sa ngayon ay tulog pa si Augustus pero nag-aasikaso na siya. Gusto niyang maging handa ang lahat paggising nito.

Everything was settled when she heard a car came. Nang tignan niya kung kanino iyon ay napansin niya na kay Vince iyon. Pinuntahan niya ito.

"Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga, ah. Wala ka bang trabaho?"

Wala silang usapan na magkikita sila ni Vince ngayong araw. Ang alam niya ay abala ito sa Hacienda at kung magpapakita man ito sa kanya, sa hapon na iyon. "Mayroon. Pero masama ba na dalawin kita?" wika nito at sinimulang halikan siya. Sinubukan niyang tugunin ang mga halik nito pero inalala rin niya na nasa labas sila at malapit rin sa garden. Maaring may makakita sa ginagawa nila at hindi niya gusto iyon. May pagka-conservative rin siya.

"Enough, Vince," pagpapatigil niya sa binata.

Halatang nainis ito pero hindi naman pinilit na ipahalata. Tumingin ito sa hardin ng bahay nila. "You have organized breakfast at the garden?"

Tumango siya. "Nandiyan si Augustus at---"

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ba tila importanteng importante sa 'yo ang best friend mo na iyan? Samantalang ako na boyfriend mo, hindi mo man lang masorpresa nang ganyan?"

Huminga siya nang malalim. "Pag-aawayan pa ba natin ito, Vince? Alam mo na best friend ko lang si Augustus at ikaw ang boyfriend ko. Siyempre mahalaga ka sa akin pero dahil matagal na kaming magkakilala, may espesyal na parte siya sa akin. Hindi ko itinatanggi iyon. Noong bata pa ako at pakiramdam ay mag-isa sa ampunan, siya lang ang tanging ninais ko na makausap. Siya ang pinakanakakasundo ko kaya malaki ang bond namin sa isa't isa. Isa pa ay minsan lang siya umuwi ng Pilipinas, siguro naman ay acceptable na reason na iyon para gawin na espesyal rin ang mga araw ng pagbisita niya,"

Nagtagis ang mga bagang ni Vince. "Fine. Pero sana kasi ay ginagawa mo rin ito para sa akin. You never treated me this special, you know?"

"Ha? I-I... well, hindi ka naman mahilig sa mga ganito 'di ba? Saka kung gusto mo, puwede ka namang mag-request..." pakiramdam ni Melanie ay na-guilty siya. Paano ay tama ito. Kahit ilang taon na rin sila ni Vince ay hindi siya nag-e-effort para dito kumpara sa ginagawa niya kay Augustus. Ang sa kanya naman, ang akala niya ay hindi mahilig sa mga ganoon si Vince. May pagkaseryoso kasi ito.

"Well, ngayon ay magre-request ako. Puwede ba akong sumama sa breakfast date niyo?"

Napalunok siya pero tumango rin siya. Tama lang siguro na madalas na magkasama ang dalawa. Sa mga nakalipas na taon, kahit maayos naman, ay hindi niya nagiging gusto ang response ni Augustus sa mga naging nobyo niya. Madalas na civil lang ang mga ito. Hindi nakikipag-bonding o nakikipagkuwentuhan kahit na ba minsan ay nakikita niya na ang nag-e-effort na ay ang sa parte niya. Siguro ngayon ay magagawa na niyang ayusin iyon. Susubukan niyang makipag-bond kasama ang dalawa. Noon ay gusto niyang mangyari iyon kaya lang ay madalas na maraming hadlang lalo na at bihira naman itong umuwi ng bansa at hindi naman siya pala-biyahe papunta sa ibang bansa. Kapag nandito ito, nasa kanya lang ang buong atensyon nito.

Niyaya ni Melanie si Vince na pumunta sa garden. Natakam si Vince sa mga pagkaing pinahanda niya kaya naman nagsabi ito na mauuna ng kumain. Hinayaan niya ito dahil hindi niya sigurado kung anong oras ba magigising si Augustus. Baka matagal pa at mukhang gutom na ang nobyo kaya hinayaan na niya.

Pinagsisilbihan ni Melanie si Vince nang magsalita ito. "Hmmm... Ang sarap pala ng ganito 'no?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Na ikaw, nagsisilbi sa akin," tugon ni Vince.

Natahimik si Melanie. Naalala niyang hindi nga pala niya napagsisilbihan ng ganoon si Vince. Sa ilang taon na pagsasama nila ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Paano naman kasi ay sa restaurant sila madalas na nakain at kapag susubukan niyang pagsilbihan ito ay ginagawa na naman nito iyon bago pa niya maggawa. Hindi ito iyong tipo ng lalaki na gustong may babae na gagawa ng lahat para dito. Sa totoo nga lang ay ngayon lang ito nag-inarte sa kanya ng ganoon.

"I could get used to this you know..." sabi nito saka tumaas ang isang kilay. Nakatingin ito sa direksyon na taliwas ng sa kanya kaya hindi niya ba alam kung may nakita ito na nakapagpataas ng kilay nito.

Akmang titingin na sana siya sa direksyon kung saan ito nakatingin nang magsalita muli ito. "Kung magpakasal na kaya tayo?"

Nabigla si Melanie sa sinabi nito. Ano bang mayroon at tila nagkakaganoon si Vince? Ganoon pa man ay napaisip si Melanie. Hindi na sila bumabata. Sa susunod na kaarawan niya ay thirty years old na siya. Matagal na rin naman ang pinagsamahan nila ni Vince at wala na siyang makita pang iba na makakasama niya habang buhay kung hindi ito. Madalas silang nagkakasundo sa maraming bagay. Pareho silang may interes sa hacienda at magiging maganda kung mapapagsama nila iyong dalawa.

"Seryoso ka ba diyan, Vince? Ginugulat mo ako. Puro ka sorpresa, kanina ka pa."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Mel, I love you. Saka kailan pa ba ako nagbiro sa 'yo? Alam mo na seryoso akong tao. Hindi na tayo bumabata at dapat nga ay lumalagay na tayo sa tahimik. Matagal na rin naman ang pinagsamahan natin. Kaya ano sa tingin mo? I think its time for us to get married."

Napalunok si Melanie. So Vince was really proposing. Para sa isang babae, dapat ay kiligin siya. Makaramdam siya ng saya. Pero bakit wala siyang nararamdaman? Iyon ba ay dahil napaka-weird ng pagsasabi nito noon sa kanya? Sa isang breakfast in the garden na hindi naman dapat ito kasali. Wala man lang something sweet, something romantic, kaggaya ng mga napapanood niya sa pelikula na proposal.

Pero hindi ba at ayaw mo nang ganoon? Nang minsang ginawan ka nang ganoon ng isang tao, sa halip na um-oo ka, iba pa ang sinabi mo? Sulsol naman ng isang bahagi ng utak ni Melanie.

Right. Hindi dapat siya nag-iinarte. Hindi siya isang klase ng babae na makukuha sa mga cheesy na bagay. Kahit isama pa man doon ang isang romantic dinner sa city of lovers... Hindi siya ganoon.

"Hindi na kita kayang pakawalan pa, Mel. Ikaw lang ang babaeng nakikita kong makakasama ko habang buhay. We are compatible in so many aspects. Bagay na bagay tayong dalawa. At alam kong napakasama ng pagpo-propose ko sa 'yong ito pero hindi naman iyon mahalaga 'di ba? Ang mahalaga ay mahal natin ang isa't isa. So will you marry me?"

Huminga siya nang malalim saka tumango. Tumayo ito mula sa kinauupuan nito. Niyakap at hinalikan siya nang mariin sa mga labi. Matagal rin sila sa ganoong anyo nang tumigil si Vince at umayos nang tayo. Pinaharap siya nito sa direksyon kung saan nakaharap ito.

"Hey, Augustus! Tamang-tama at gising ka na. May good news kami ni Mel sa 'yo. We're getting married!"

Ngumiti si Augustus. Pero pansin niyang sa kabila noon ay may pait sa mukha nito. Hindi, hindi, hindi. Ayaw niyang pansinin iyon pero pilit pa rin na nagpapakita sa kanya. Hindi puwedeng mangyaring hanggang ngayon ay...

Ayaw niyang isipin. Hindi dapat siya nag-iisip ng ipag-aalala. After all, halos isang dekada na ang lumipas. Nagka-girlfriend na rin ito kaya malaki ang tsansa na nalimutan na nito ang nararamdaman sa kanya. Hindi puwedeng maging posible na may nararamdaman pa rin ito sa kanya kaggaya ng kinatatakutan niya noon. Magkaibigan lang sila. Nililinaw niya iyon palagi rito. At matalino si Augustus. Makakaintindi ito. Pero bakit tila nasaktan ito sa sinabi ni Vince?

At hindi man niya aminin, nasaktan din siya nang makita ang tila nasasaktang mukha nito. Kaggaya ng dati. Hindi niya gustong nasasaktan ito.

Pero hindi rin niya gustong mahalin pa ito ng higit sa isang kaibigan.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.