Library
English
Chapters
Settings

5. Sundo

Nine Years Later,

"HINDI ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa nating sunduin ang bilyonaryong best friend mo samantalang kayang-kaya niyang mag-rent ng Jaguar para lang sunduin siya," yamot na wika ni Vince habang nasa biyahe sila papunta ng NAIA. Nang sabihin niya rito kahapon ang tungkol sa plano niyang pagsundo kay Augustus sa airport dahil bibisita ito ngayon sa Pilipinas ay naasar ito. Marami raw itong trabaho para unahin ang mga ganoong pagsundo. Hindi siya marunong mag-drive at ang driver naman ng pamilya nila ay kailangan ng Mama niya sa araw na iyon kaya si Vince na lang ang pag-asa niya. Ganoon pa man ay pinagbigyan siya ng nobyo.

"Alam mo na espesyal siya sa akin, Vince. Simula pagkabata ay magkakilala na kami. Best friend ko siya. At ilang buwan na rin simula nang huli kaming magkita kaya na-missed ko siya. Gusto kong ako mismo ang sumundo sa kanya,"

"Whatever," mukhang yamot pa rin ito. Napabuntong-hininga lang siya. Dalawang taon na rin simula nang maging magnobyo sila at kabisado na niya ang ugali ni Vince. Mainitin ang ulo nito at hindi man nito aminin, ramdam niya na naasar ito kay Augustus. Naasar ito dahil sa tingin niya ay nai-insecure ito sa best friend niya.

Nauunawaan naman niya si Vince kung bakit ito nai-insecure kay Augustus. Bilang isang lalaki, nasasagi ni Augustus ang ego nito kahit wala naman talaga itong ginagawa. Sa yaman naman kasi ng best friend niya at sa guwapo, parang lahat naman yata ng lalaki ay mai-insecure rito. Pero para sa kanya ay wala naman talagang dapat ika-insecure si Vince. Hindi man ganoon kayaman at kaguwapo si Vince ay mahal niya ito.

Dalawang taon na ang itinagal ng relasyon nila ni Vince. Ang akala niya noon, pagkatapos niyang ma-fall out of love sa unang boyfriend niya na si Anthony ay mahihirapan siyang umibig muli. Pero nagkamali siya. Naging madali lang sa kanya ang umibig muli nang makilala niya si Vince.

Kaggaya niya ay nagmamay-ari rin ng Hacienda si Vince. Nagkakilala sila sa isang party noong mga panahong nagkakalabuan sila ng unang nobyo at dahil pareho silang may interes sa pagha-hacienda, nag-click sila. Hindi nagtagal, pagkatapos masira ng relasyon nila ni Anthony ay niligawan siya nito at naging maayos ang lahat sa kanila. Maaring may flaws si Vince pero natatakpan naman iyon ng pagmamahal niya rito. Iniintindi na lang niya ito sa mga panahong mainit ang ulo nito. Isa pa ay may kasalanan rin naman siya. Pinilit niya ito kahit alam niyang abala ito.

Nakarating sila sa NAIA nang matiwasay. Saktong kaka-landing lang ng jet ni Augustus nang dumating sila roon. "Gus!" tawag niya nang makita ang matalik na kaibigan.

Hindi na kataka-taka na makita agad ni Melanie ang matalik na kaibigan sa lawak ng airport. Paano naman kasi ay sobrang outstanding ito mula sa mga tao roon. Hindi pangkaraniwan para sa isang Filipino ang tangkad nitong six feet. Pinagtitinginan rin ito ng mga tao hindi dahil sa tangkad nito kundi dahil na rin sa guwapong mukha nito. Mula sa magulo pero tila kaysarap suklayin na buhok, maiitim na mata, matangos na ilong at isama na rin ang perpekto yatang labi nito. Kapansin-pansin rin ang maitim pero makinis nitong kutis. Kung lalaki nga lang siya ay mai-intimidate at mai-insecure siyang tignan ito. Para kasing wala ng makakapantay sa kaguwapuhan nito.

Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. Ipinahawak nito agad sa Personal Assistant nito ang mga hawak at tumakbo palapit sa kanya.

"I missed you, Lanie," wika pa nito bago siya niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo kaggaya na lang ng madalas na ginagawa nito kapag nagkikita sila.

"I-I missed you, too," totoo ang sinabi niya sa best friend. Ilang buwan rin silang hindi nagkita dahil sa trabaho nito bilang isang international businessman. Isa ito sa nagmamay-ari ng Haven Group Of Companies, isa sa mga matagumpay na kompanya sa buong mundo. Halos lahat yata ng bansa ay may business ang anim na nagtatag noon na kapwa nakasama rin niya sa bahay ampunan. Pero hindi na kataka-taka iyon sa pinaghalo-halong nationality na ng mga ito.

Isa iyon sa naging dahilan kung bakit abala si Augustus. Hands-on si Augustus sa mga business ng HGC dahil isinali na rin doon ang mga business na itinatag ng pamilyang umampon rito. Sa New York ang main office ng HGC pero madalas ay pabalik-balik ito roon at sa France kung saan madalas ay personal na binibisita rin nito ang mga umbrella companies, ang kompanya na isinali nito sa HGC. Ito pa rin ang in charge roon dahil na rin mas may alam ito roon. At ngayon, kahit bumisita ito sa Pilipinas, alam niyang magiging abala pa rin ito. Malaki rin kasi ang saklaw na business ng HGC sa Pilipinas. May ilan rin na business na pinamamahalaan ito sa bansa.

Ganoon pa man, marami pa rin oras si Augustus para sa kanya. Kapag birthday niya ay palagi itong umuuwi ng Pilipinas. Ngayon ay birth month niya pero mahigit tatlong linggo pa bago ang birthday niya pero umuwi na agad ito. Ang sabi nito ay nami-miss na raw siya nito kaya inagahan na nitong umuwi. Isang buwan daw itong mamalagi sa Pilipinas.

Sa ngayon ay may sarili ng unit si Augustus sa Pilipinas pero sa tuwina ay madalas na nanatili ito sa Hacienda. Pabor naman roon ang kanyang mga magulang at isa iyon sa mga araw na iyon. May dalawang araw daw itong bakasyon bago ito sumabak sa trabaho nito sa Maynila kaya ninais nitong gugulin iyon sa Batangas kung nasaan ang Hacienda nila. Iyon rin ang dahilan kung bakit ginusto niyang sunduin si Augustus. Para sabay na niyang masundo ito papunta sa Hacienda.

Pero gaano man siya ka-excited na makasama muli ang matalik na kaibigan, alam niyang may mali sa ginawang pagsalubong nito sa kanya. Oo, sanay siya na ganoon ang pagsalubong sa kanya ni Augustus. But he have to be discreet, too. Lalo na at malapit lang si Vince...

Nagpatibay lang ang pag-aalinlangan ni Melanie nang tumikhim si Vince. Nang tumingin siya rito ay napansin niyang naging madilim ang mukha nito---halatang hindi natuwa sa ginawa ni Augustus.

"Oh, I'm sorry. Vince, nandito ka pala," nakipagkamay si Augustus sa nobyo niya. Dahil madalas ng bumibisita, nakikilala nito ang nobyo niya. Hindi kaggaya ni Vince, civil lang naman rito si Augustus. Ganoon rin ito sa dati niyang naging nobyo na si Anthony. Pero hanggang civil lang iyon, hindi humahantong sa pakikipaglapit sa isa't isa o pagiging magkaibigan.

May ideya siya kung bakit hindi iyon humahantong sa ganoon. Pero may ideya lang siya. Ayaw niyang pakaisipin.

Hindi puwede.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.