5. Dethroned
"IT IS so beautiful, Aliciana. I'm so happy for you," sinserong wika ni Alyssa sa nakakatandang kapatid niya nang ipaalam nito sa kanya ang isang napakagandang balita. Ibinalita nito na nagpropose na si Charles rito. Ikakasal na si Aliciana. Matagal na niyang ninanais na mangyari iyon sa kapatid. After all, she was not getting any younger. Pero ang pinakanakapagpasaya kay Alyssa ay ang katotohanang ikakasal ito sa isang napakabuting lalaki.
Si Alyssa ang unang nakakilala kay Charles. Naging kaibigan niya ito nang mag-aral siya ng kolehiyo sa bansang London. Magkaiba ang kurso nilang dalawa pero dahil kapitbahay niya ito sa apartment na tinitirahan niya roon ay naging malapit sila sa isa't isa. Siya ang naging daan para magkakilala sina Charles at ang Ate niya.
Nang unang beses na ipakilala ni Alyssa kay Charles ang kapatid niya ay nabighani na ito sa angking ganda ni Aliciana. Ganoon pa man, hindi makaggawa ng move ang kaibigan sa kanyang kapatid. Her sister was kind of a playgirl. Hindi ito nawawalan ng nobyo. Isama pa na lahat ng nobyo nito ay mayayaman. Estudyante pa lamang sila noon ni Charles at isama pa na hindi rin ganoon kayaman sina Charles noon. Isang small-time businessman lang ang ama nito. Ngunit kahit ganoon, hindi nawalan ng pag-asa si Charles na isang araw ay maari rin itong mapansin ng kapatid niya.
Nagsikap si Charles sa buhay. Ang mga maliliit na business ng ama nito ay pinalago nito at sa edad nito ngayong treinta'y kuwatro anyos ay naging matagumpay na ito. Ang maliit na business ay naging isang malaki ng korporasyon at si Charles na ang CEO noon. Nang maabot ni Charles ang ganoong estado ng buhay ay napansin na ito ng kapatid niya. Isang taon rin ang itinagal ng relasyon nito---ang pinakamahaba ni Aliciana kaya masasabi niyang seryoso na rin ito sa kaibigan.
Masayang-masaya si Alyssa sa mga nangyari. Kahit hindi niya ganoong kagusto ang ugali ng kapatid niya at hindi sila magkasundo sa maraming bagay, kapatid pa rin niya ito. Magkadugo sila. Masaya siya sa tagumpay nito. Ganoon rin naman siya kay Charles. Umaasa siya na sa pagsasama ng dalawa ay magbabago na ang kapatid niya. Hindi nga ba at wala na siyang napag-alamang naggawa nitong kalokohan simula nang maging ito at si Charles? Kontento na ito sa kaibigan niya. Alam rin naman niya na masaya si Charles dahil matagal na nitong pinapangarap ang kapatid niya.
"Of course its beautiful. How can it not? The ring is from Tiffany's! And it has a round brilliant cut. Don't you know that the round brilliant cut is argurably the quintessential diamond and certainly among the most radiant? I absoulutely love it! I can't say no to it!" ngingiti-ngiti pang wika ng kapatid niya habang pinapahili sa kanya ang singsing.
Napakunot ang noo ni Alyssa. Bakit ganoon makapagsalita si Aliciana? Bakit parang ang lagay ay tinanggap lang nito ang proposal ni Charles dahil sa singsing na ibinigay ng lalaki rito? Mali ba siya nang isipin niya na mahal talaga ni Aliciana si Charles kaya ito pumayag sa gusto ng kaibigan niya? Tama ba hinala ng mga nakakarami na kaya lang tumagal ang relasyon nina Aliciana at Charles ay dahil masyadong generous ang kaibigan niya sa kapatid nito? Ibinubuhos ng kaibigan niya ang kayamanan nito sa luho ng kanyang kapatid. Alam kasi ni Charles na magiging masaya si Aliciana roon.
Nagbubulag-bulagan ba si Alyssa? Ayaw niyang isipin. Lalo na at ramdam niyang masaya si Charles sa durasyon ng relasyon nito at ng kapatid niya. Palagi siyang binabalitaan nito. Pero paano kung nagbubulag-bulagan rin si Charles? Pagkatapos ng lahat, ito ang inspirasyon ng kaibigan niya sa mga narating nito. Ang pinapangarap nitong babae.
Hindi naman niya masisisi si Aliciana na mataas ang pangarap nito. Na gusto nitong maging mayaman, makapangyarihan. Naging mahirap para sa kanyang kapatid ang nangyari sa buhay nila halos isang dekada na ang nakaraan kung saan tinanggal na bilang isa sa mga royal houses ng Medoires Island ang Royal House of Braganni. Ang palasyo kasi nila ang pinaka wala namang naggawa sa buong Medoires kaya minabuti na lang na tanggalin iyon. Maraming royal houses sa Medoires at kaya pinanatili iyon dahil ang mga nobility family na nagtuloy ng linya ay ang mga tumutulong para sa lalong ikagaganda ng Medoires. Sa kaso raw nila, sa loob ng maraming taon ay halos walang kumikilos para maging maayos ang sistema sa Medoires kaya minabuti na lamang na huwag na iyong kilalanin pa.
Nawalan ng kapangyarihan ang pamilya nila sa monarkiyang independent state ng Portugal. Tuluyan ng nawala ang linya nila sa buong Portugal. Ikinalungkot iyon ng kanilang mga magulang kaya naman napabayaan ng mga ito ang negosyo ng mga ito dahilan para malagay sa alanganin ang pang-pinansyal nila.
Dahil sanay sa mga luho at hindi matanggap ni Aliciana ang pagkawala ng kapangyarihan at kayamanan nila. Kaya para maibsan iyon, sumama ito sa mga mayayamang lalaki na siyang pupuno sa mga luho nito. Dahil maganda si Aliciana, hindi naging mahirap para rito na gawin iyon. Sa mga nakalipas na taon ay ganoon ang naging takbo ng buhay nito.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagpaalam na si Aliciana na aalis ng apartment na tinitirahan niya. Mukhang sadyang dumaan lang ito roon upang ipahili ang singsing na natanggap nito. Hindi na naman ipinagtaka ni Alyssa roon. Bihirang pumunta ang kapatid niya sa maliit na apartment niya. Sa klase ng pamumuhay na mayroon ito ngayon, hindi niya ito masisisi. Her sister live elegantly while she was living a simple life.
Nag-aral ng fashion design si Alyssa sa London pero sa halip na pagyamanin niya ang natapos niya sa ibang lugar kung saan siya sisikat ay minabuti na lang niya na magsilbi sa Medoires Island. Malaki naman ang Medoires Island at hindi man iyon ganoon kasikat at karangya kaggaya ng mga bansang London at France kung saan gusto ng mga magulang niyang buuin niya ang career niya ay masaya siya roon. Marami pa raw magandang oportunidad sa kanya kung sinubukan lang niya na palawakin pa ang pinag-aral niya
Hindi raw ganoon ang buhay na nababagay sa kanya. Sa kabilang banda ay naiintindihan naman niya ang mga ito. Lumaki sila sa yaman. Matapobre ang ina niya. Mapagmataas kagaya ng kapatid niya. Siyempre ay gugustuhin ng mga ito ang mataas rin para sa kanya. Ngunit hindi kaggaya ni Alyssa ang mga kinilalang pamilya. Gusto lang niyang mamuhay ng simple.
Maganda naman ang dressing company na pinapasukan niya. It was actually a dressing company specializing in wedding dresses and the likes. Iyon ang pinakamalaki at pinakamagara sa buong Medoires at madalas pa nga ay dinadayo iyon ng iba pang mga malalapit sa isla na lugar sa Portugal dahil sikat iyon. Dahil roon, madalas siyang abala na siya namang ikinababahala ng karamihan dahil napapabayaan na raw niya ang sarili niya. Paano raw kasi ay lagpas na sa tatlumpu ang edad niya ay hindi pa raw siya nagkakanobyo kahit kailan.
Minsan ay naiisip ni Alyssa na hindi na siguro darating ang lalaki para sa kanya. Marami naman ang nagtatangka na sumilo sa kanya pero sa tuwina ay wala siyang makita na kagusto-gusto ang mga ito. Sinubukan naman niya na makipag-date at tignan kung may mararamdaman. Pero ni isa ay walang nakapagparamdam sa kanya ng damdamin na nararamdaman dapat ng taong umiibig. Walang pakiramdam na kaggaya ng naramdaman niya noong---
Itinigil ni Alyssa ang pag-iisip. Sa tuwina ay naiinis siya sa sarili dahil madalas niyang hinahanap ang ganoong pakiramdam kaya hanggang ngayon ay single pa siya. Napakabata pa niya noong naramdaman niya iyon. Masasabi niya ba na pag-ibig iyon? And for all she knew, baka nga hindi na siya naalala ng lalaking iyon. Sa dami ng babae nito ngayon, malamang ay talagang hindi na nga.
Itinuon na lang ni Alyssa ang pansin sa paggawa ng ilan sa mga trabaho niya. Naalala niyang nagtext sa kanya ang isa sa mga co-designer niya at may ipinadala itong design nito sa email niya na gusto raw nitong tanungin kung ano ang verdict niya. Binuksan ni Alyssa ang kanyang email pero bago pa niya maggawang mag-sign in ay umagaw ng kanyang atensyon ang balitang nabasa sa home page ng mail site.
Isang balita mula sa House of Ferreira---ang pinakanamumunong royal house sa buong Medoires. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang buong artikulo.
Nasa alanganing sitwasyon ang buong Medoires.