Library
English
Chapters
Settings

6. The Choice

"WOULD you be all right, man?" naniniguradong tanong ni Augustus kay Ed. Isang linggo rin na nanatili ang mga malalapit niyang kaibigan sa Medoires upang damayan siya. Ngayon ay nasa isang malaking krisis ang buong Medoires Island. Kasalukuyang nasa maselan na kondisyon ang kanyang pinsang si Rodrigo dahil sa isang malagim na aksidente at sa kasamaang palad ay namatay pa dahil roon ang asawa nito. Nasa isang matinding pagluluksa ang buong isla dahil na rin sa malagim na nangyari.

Kakatapos lang ilibing ni Victoria---ang asawa ni Rodrigo at reyna ng Medoires. Sa buong durasyon ng burol nito ay nasa tabi niya sina Nikos, Vincent, Jet, Cedric at Augustus para damayan siya sa mabigat na pinagdaraanan niya. It was a very tragic incident for his family. Nahihirapan si Ed na hawakan ang sitwasyon. He was not used to this. Puno ng kalungkutan ang palasyo. Isama pa na alam niyang lubos na naapektuhan si Julia, ang anak ni Rodrigo, sa mga nangyayari.

Simula nang sumikat si Ed bilang modelo ay bihira na siyang umuwi ng Medoires. Kung may kasiyahan na lang o kaya may importanteng pangyayari na kailangan ng presensiya niya. Masyado na siyang abala sa buhay niya sa labas at sa career niya. Isama pa na hindi naman malaki ang responsibilidad niya sa Medoires dahil sa kanyang pangalawang linya. Si Rodrigo na ngayon ang namamahala roon and he was doing very well. Naniniwala siya na hindi na nito kailangan ng tulong niya. Pero mali pala na basta na lang pinayagan ni Ed ang pinsan at hindi na nag-abala pang tumulong sa mga gawaing pampalasyo.

"I'll be all right. Ano namang tingin niyo sa akin? I can handle this," paninigurado niya sa kaibigan.

Hinawakan ni Nikos ang balikat niya. "Nag-aalala lang kami sa 'yo. Alam namin na mabigat para sa 'yo ang lahat ng ito. Ilang taon pa lamang simula nang mamatay si Tita at pagkatapos ay ang nangyari naman kay Rodrigo at sa pamilya niya. Alam namin na hindi kayo malapit sa isa't isa ng pinsan mo pero pamilya mo pa rin siya. A family is still a family. And with all the responsibilities that he left---"

Itinaas ni Ed ang kamay para patigilin sa pagsasalita ang kaibigan. "I know, I know. Nandiyan naman si Benjamin. Aalalayan niya ako," aniya na ang tinutukoy ay ang kanang kamay na tauhan ni Rodrigo na siya na rin na nagpresinta sa kanya na tutulungan siya sa pag-aasikaso ng mga naiwang gawain ng pinsan niyang ngayon ay hari na ng Medoires.

Tumango-tango si Nikos. "All right. Kung may problema ka, you can always call us. Kilala namin ikaw. Hindi magiging madali para sa 'yo ang lahat ng ito dahil hindi ka naman sanay sa leading. We are your friends and we are also the one who take care of your shares in our company. We'll always be here for you. But we are hoping that everything will be fine soon,"

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya. Nagpasalamat siya nang husto sa mga ito dahil ang presensiya ng mga ito ang nag-divert sa isip niya para huwag isipin ang realidad. Nagpasalamat siya sa pagsuporta ng mga ito sa mabigat na pinagdadaanan niya sa kasalukuyan. Kaya naman sa pag-alis ng mga ito ay purong kahungkagan ang nararamdaman niya.

Time to face the reality, Ed. Sulsol ng isang bahagi ng utak niya. Pagkaalis nina Nikos ay dumiretso siya sa library ng palasyo. Doon ay kinuha niya ang folder na nakapatong sa may dulong lamesa. Napatiim-bagang siya kahit hindi niya pa nababasa ang laman noon. Paano kasi ay naipaliwanag na iyon sa kanya ni Benjamin kahit hindi niya pa nababasa. Hindi niya gusto ang nalaman niya kaya hindi na siya nag-abala pa na buksan o sabihin iyon sa kanyang mga kaibigan. Pero hindi na niya puwedeng takasan pa ang kanyang kapalaran.

Walang kasiguraduhan ang maaring mangyari kay Rodrigo. Naging masama para rito ang aksidente at malubha ang kalagayan nito. Isang linggo na itong comatose at hindi pa rin masabi ng mga Doctor kung hanggang kailan ito sa kondisyon na iyon.

Dahil sa nangyaring trahedya, marami ang nagtatanong kung ano na raw ang maaring mangyari sa isla. Hindi maaring si Julia ang mamumuno dahil walong taong gulang pa lamang ito. Wala pa itong kakayahan. Technically, si Ed ang papalit bilang hari. Sa mga nakalipas na taon kasi ay nagging hindi maganda ang pangyayari sa aspetong pangkalusugan ng pamilya Ferreira. Namatay sa sakit sa puso ang ama ni Rodrigo sampung taon na ang nakakaraan. Ilang taon naman makatapos noon ay ang ina nito dahil sa depresyon. Sina Amelia at Henry naman ay ganoon rin. Si Amelia ay namatay dahil sa sakit na breast cancer at si Henry naman ay dahil rin sa komplikasyon sa puso. Wala ng sino man ang maaring mamuno galing sa Royal House of Ferreira kundi si Ed. At kahit hindi pa man sigurado ang lagay ni Rodrigo ay nagsisimula ng mag-panic ang mga tao sa maaring imposibleng pagkabuhay nito kaya inihahanda na siya kung sakali man na mangyari iyon. Pero bago mangyari iyon, may mga certain requirements muna bago niya makuha ang titulo.

Binuklat ni Ed ang folder at tumambad sa kanya ang iba't ibang larawan ng mga babae. Pinaraanan ni Ed ng tingin ang bawat larawan. They all looked beautiful, sophisticated and elegant. Pero walang kahit sinong babae ang umagaw ng atensyon niya sa mga profile ng babaeng ibinigay ni Benjamin na siyang maaring kandidata bilang maging reyna niya.

Kailangan ni Ed ng magiging reyna niya kung siya ang papalit kay Rodrigo sa puwesto nito. Sa lahat ng sinabi sa kanya ni Benjamin na responsibilidad niya ngayong nasa malubhang kalagayan si Rodrigo, para sa kanya ay ang requirement na iyon ang pinakamahirap.

Hindi naman sa may problema siya sa mga babae. Kilala siya bilang playboy. Hindi naman niya itinatanggi iyon. Pero iba na ang usapan ngayon. It is a lifetime commitment.

Hanggang ngayon, hindi pa makita ni Ed ang sarili na nakikipag-commit sa isang babae. May pagkakataon na rin naman kung saan tinangka niya na subukan iyon pero kahit na wala naman siyang nakikitang kahit anong problema sa babae, hindi pa rin iyon nag-work out.

Thirty-two years old si Ed nang subukan niya na makipagrelasyon na ng seryoso sa isang babae. Mabait, maganda at mayaman rin ang pamilyang kinabibilangan ni Karylle. Wala siyang makitang problema rito. She was a good catch. Alam niya na magiging perpektong tao ito para maging asawa niya at maging ina ng magiging anak niya. Ngunit wala pang isang buwan ang itinagal ng relasyon nila ay hindi rin niya nakayanan na panagutan ang relasyon. Nakakaramdam pa rin kasi siya ng atraksyon sa ibang kababaihan at dahil ganoon rin ang mga ito sa kanya, hindi niya napigilang patuluan ito. Ed realized he couldn't be faithful. Kahit na ba ibinigay na sa kanya ang isang perpektong babae, hindi pa rin pala niya kayang mahulog rito.

Sa tingin ni Ed kaya ganoon siya ay dahil na rin sa sinabi sa kanya ng biological father niya noon. May lahi raw na hindi nagpapatali at babaero ang pamilya. Wala silang kakayahan na magmahal. Noong bata pa siya ay hindi siya naniniwala roon. Isama pa na napalaki naman siya nang maayos nina Amelia at Henry. Ngunit kahit ganoon, sa tuwing nakakita siya ng mga babae ay wala siyang maramdaman na kakaiba maliban na lang sa pagnanasa sa mga ito. Crushes he had, but love? Hindi niya masasabi. Masaya lang siya sa company ng babae. Ng iba't ibang babae---actually. Parang sa isang fashionista na babae sa damit, na kapag naisuot na, pakiramdam ay hindi na uso muli. Isama pa na ang mga ito ang unang lumalapit sa kanya. Nagiging mabait lang siya sa mga kagustuhan ng mga ito. Pero ganoon pa man, walang babae na nakasilo ng puso niya.

And now, it was his problem. Ngunit masisisi ba ni Ed ang sarili? Gusto niyang maniwala sa pag-ibig dahil nakita na niya ang dalawang malapit na kaibigan na tinamaan niyon. Nikos may hate Irene in the beginning, but he saw how happy, contented and in love was he to his wife today. On the other hand, Augustus was the same. Alam nila na sa simula pa lang ay matindi na ang tama nito sa matalik na kaibigan nito. Gusto rin na maramdaman iyon ni Ed pero tila wala ng pag-asa. Walang sino man, kahit ang mga babaeng nasa larawan ang nakapagpatibok ng puso niya nang malakas, nakapagparamdam sa kanya ng intense na damdamin kaggaya na lang ng sinasabi ng mga kaibigan niya na nakaramdam ng pag-ibig. Kahit si Karylle na perpektong babae na ay hindi iyon naggawa sa kanya. Siguro nga ay tama ang kanyang ama. Nasa lahi nga nila iyon.

Tinawagan ni Ed si Benjamin nang pinasadahan niya muli ang mga larawan ay wala siyang makitang kainte-interes sa mga babaeng iyon. "Are these just all my choices?"

"Not really, Your Highness. You can choose a commoner as long as she lives in the island, too. The profiles I gave you were just the ladies and princesses from the other royal houses. It would be more recommended if you choose from one of them."

"We have a lot of royal houses but these ladies are just few. Are you sure it is complete?"

"Yes, it is except for some royal houses that been evicted in the monarchy like the royal house of Braganni, royal house of---"

Pinatigil ni Ed sa pagsasalita si Benjamin nang marinig ang pinakakontrobersyal na royal house para sa kanya. Nagpanting ang tainga niya nang marinig iyon pero sa kaparehong oras ay naging interesado rin siya roon. Nalaman niya ang balita na ilan sa mga royal houses sa Medoires na walang masyadong nagagawa para sa state. Isa sa mga iyon ang Royal House of Braganni.

"The Braganni line had two ladies, right? Give me their profile right away."

Tumalima naman agad si Benjamin sa kanyang utos. Wala siyang kaibigang maituturing sa Medoires dahil simula ng nangyari sa kanya sa palasyo ng mga Braganni ay hindi na niya muling nilapit ang sarili niya sa iba. Nakontento na lang siya sa sariling palasyo. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay nakalimot na siya sa lahat...

Ilang sandali ang lumipas ay nasa kanya na ang larawan ng dalawang dating prinsesa. Unang natagpuan ng mga mata ni Ed ang larawan ni Aliciana. Hindi na kataka-taka ang kagandahan nito. Sa nakita niyang ugali nito noong dalawang dekada na ang nakakaraan, duda pa ba siya na pahuhuli ito sa karamihan? She still had that elegant princess beauty even if she already lose the royal title. Masasabi rin niya na sa lahat ng larawan ng mga prinsesa na ibinigay sa kanya ni Benjamin, si Aliciana ang pinakamaganda. She had the beauty that could really fit a description of a queen.

Pinagsawa muna niya ang tingin kay Aliciana bago tinignan ang larawan ng kapatid nitong si Alyssa. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang napakalaki ng pagkakaiba nito sa nakakatandang kapatid. Napakasimple lang ng itsura ni Alyssa. Kaunting make-up sa mukha, simple at pangkaraniwang damit lang ng mga normal na tao ang itsura nito. Wala sa itsura nito na dating prinsesa ang babae. Pero ipinagtataka pa ba niya na maging ganito si Alyssa ngayon? After all, hindi ba't kinaiinisan rin nito ang bestidang suot nito noong una niya itong nakita sa kasiyahan?

Hindi niya pa rin nakakalimutan si Alyssa sa kabila ng lahat. Ito ang dahilan kung bakit niya naranasan na makutya muli ng mga tao. Dapat ay magalit siya rito dahil hindi man lang siya nito naggawang ipagtanggol noon dahil kung ginawa man nito iyon, bakit siya pinagmalupitan ng ina at kapatid nito? Ganoon pa man, bakit nakaramdam si Ed ng kakaiba sa tibok ng kanyang puso ngayong nakita niya muli si Alyssa kahit sa larawan lamang?

Napahawak si Ed sa kanyang baba habang pinagpapalit-palit niya ng tingin ang larawan ng mga babae. Hanggang sa tumuon na lang ang kanyang mga mata sa iisang larawan dahil may naiisip siya kapag nakikita niya.

A wicked smile formed into Ed's lips after a few minutes.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.