Library
English
Chapters
Settings

3. Friend

MALI si Ed sa pagpayag niya sa paanyaya ng mga magulang. Sobrang nakakainip pala dumalo sa mga pang-maharlikang kasiyahan. May mga nakikita nga siyang mga bata na kasama ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Pero kung hindi naman mas bata sa kanya ang anak ng mga ito, malaki naman ang tinanda. Wala ni isa siyang magustuhan at makasundo sa lahat ng mga batang dumalo sa party.

"Don't worry, filho. You haven't met the Braganni princesses. Trust me, you'll surely love them," pagpapakalma naman kay Ed ng ama.

Duda si Ed kung magugustuhan niya nga ang mga ito. Ilang prinsesa na ba sa mga royal houses ang nakasalamuha at nakita niya? Magaganda ang mga ito, oo. Pero lahat ng mga ito ay mukhang maiilap. Masusungit. Tila mga seryoso rin sa buhay kaggaya ni Rodrigo. Ganito na ba talaga ang magiging buhay niya ngayon?

Ilang sandali pa ay ipinakilala na ang isa sa mga prinsesa ng Royal House of Braganni. Nalaman niyang Aliciana ang pangalan nito. Sa tantiya ni Ed ay kasing tanda nga niya ang prinsesa. Maganda rin ito. Pero kaggaya ng mga nakilala niya, mukhang suplada rin si Princess Aliciana. Hindi niya gustong makasalamuha rin ito.

"Can I just go outside, mae? I've seen the garden. It looks so good. I might just spend my time there,"

Tumango ang kanyang ina. "Okay, I'll just let Emanuelle accompany you," anito na tinutukoy ang bodyguard ng pamilya.

Umiling si Ed. "No, I'll be fine. I'm a big boy now, remember?"

Sa sinabing iyon ni Ed ay pinayagan siya ng mga magulang na lumabas sa loob ng palasyo ng mag-isa.

Nagmuni-muni si Ed sa hardin. Naglakad siya at nilibot ang hardin. Hindi siya nagsisinungaling sa mga magulang nang sabihin niya na maganda ang hardin ng mga Braganni. Malawak iyon at maraming bulaklak. Sa kanyang paglilibot ay napansin rin niya ang isang man-made lake na may kalayuan na sa palasyo. Dahil curious siya na malapitan iyon, pumunta siya sa lugar.

"Nakakainis!"

Nagulat si Ed nang marinig ang boses na iyon. Ilang buwan na rin simula nang makarating siya sa Medoires at nasasanay na siya na hindi magsalita ng wikang Filipino o makarinig man nang nagsasalita noon.

Sino ang nagsalita at bakit marunong ito ng wika sa bansang pinagmulan niya?

"Disgusting clothes! Kainis talaga," narinig niyang wika pa ng maliit na tinig na iyon.

Nagtago si Ed sa mga halaman malapit sa lawa. Mula roon ay nakita na niya ang maliit na babae na sa tantiya niya ay dalawag taon ang bata sa kanya---mga sampung taong glang ito. Tinanggal ng bata ang maraming raffles na bestida nito at natira na lang ang manipis na sando at shorts sa may pagkapatpatin pa na katawan nito. Pagkatapos noon ay tumalon ang bata sa lawa.

Napasinghap si Ed sa ginawa ng bata. Nagulat. Dahilan para lumabas siya sa pinagkukublian para tignan ito. May katagalan na rin ang bata sa lawa kaya naman kinabahan na siya.

"Hoy bata---"

Hindi pa tapos si Ed sa sasabihin nang maramdaman niyang may dalawang kamay na humawak sa mga paa niya. Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan, lalo na nang mga sumunod na sandali ay hinila ng mga kamay ang paa niya papunta sa tubig.

"What the---" hindi na napigilan ni Ed na mapamura sa nangyari sa kanya. He was soaking wet!

Tumawa lang ang batang nanghila sa kanya sa lawa. "Malamig ba?"

Napatigil si Ed sa pagrereklamo nang magsalita na naman ito. Pinakatitigan niya ang mukha ng babae. Wala namang ipinagkaiba sa karamihan sa Portuguese na babaeng nakakasalamuha niya ang itsura nito. Dark eyes, long eyelashes, at thick dark hair. Mediterranean ang ganda ng babae. Mukhang isa talaga itong mamamayan ng Medoires. Pero bakit marunong itong mag-Tagalog?

"Y-you can speak Filipino..."

Ngumiti ang babae. "Yes. Sinadya ko talaga 'yun. I knew you are a Filipino. Bago ka pa magpakilala sa akin, nakita na kita. Ikaw ang inampon nina Princess Amelia, tama ba ako? Narinig ko na nag-ampon sila ng batang Filipino. Kaibigan ako ni Duarte, ang namatay nilang anak. Ako nga pala si Alyssa," inilahad pa nito ang kamay sa kanya.

Nakipagkamay siya sa bata. May kung anong naramdaman si Ed nang magdait ang mga kamay nila. Nanibago siya dahil sa halip na lumamig iyon dahil na rin sa pagkakabasa mula sa lawa, nakaramdam pa siya ng init. Nang salubungin niya muli ang tingin ni Alyssa, parang tumibok naman nang malakas ang puso niya. Ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanya?

"Ako nga pala si Ed. Tama ka, ako nga ang inampon nila. Pero nakakapagtaka lang at bakit marunong ka na magsalita ng Tagalog?"

"Ah, yun ba? Natutunan ko 'yun sa Yaya ko. Filipina ang Yaya ko at palagi ko siyang kasama kaya tinuturuan niya rin ako ng lenggwahe niya. Sa kasamaang palad, she passed away a month ago."

"I'm sorry to hear that,"

Tumango-tango lang ito. "Mabuti na lang nagkakagulo sila ngayon sa palasyo. Wala akong bantay. Malaya akong nakakagala rito sa palasyo namin."

"Kung ganoon ay isa ka sa sinasabi nila na prinsesa ng mga Braganni,"

Sumimangot ito. "Not really a princess. Our family is in the lines of dukedoms in Portugal then. My parents are duke and duchess. Kaya mas angkop kung tatawagin mo akong Lady. Iyon ang tawag sa anak ng mga Duke at Duchess na babae. But it was okay. Prinsesa rin naman ang madalas na akalain sa akin ng mga tao. Iyon ang madalas na kasanayan. But then, it life sucks. Nakakasakal," sabi nito saka inulubog muli ang sarili sa lawa. "Tara race tayo!" itinuro nito ang dulo ng lawa na sa tantiya niya ay may limampung metro ang layo mula sa kinaroroonan nila.

Napaisip si Ed. Hindi ba at masyado na siyang naiinip sa palasyo? Nami-miss na nga niya na gumawa ng kalokohan na hilig niya noong nasa Safe Haven pa lamang siya. Ito na ang pagkakataon niya para kahit papaano ay maging masaya. Pagkatapos ng lahat, basa na rin naman siya.

Pumayag siya sa gusto ni Alyssa. Sa tantiya niya naman ay hindi ganoon kalalim ang lake. Sa ngayon nga ay umaabot lang ang lalim noon sa may baywang niya. Marunong rin siyang lumangoy.

Mabilis lang na nakarating si Ed sa dulo ng lawa. Ang laki pa ng ngiti niya dahil nauna siya kay Alyssa. Nakita niyang na-stuck ito sa gitna, hindi naman ito mukhang nalulunod dahil nakatayo ito mula roon. Pero nakita niyang hawak-hawak nito ang dibdib nito.

Kinabahan si Ed sa maaring mangyari kay Alyssa kaya pinuntahan niya ito. Napansin niyang habol-habol nito ang hininga. "Alyssa, anong problema? May masakit ba sa 'yo? Ano?"

"I-inhaler," she said between breaths. Hinihika ito!

"Inhaler? Nasaan? May dala ka ba?"

"Dress. Bulsa---" wika nito at itinuro ang lugar na kinaroroonan nila kanina.

Mabilis pa sa alas kuwatro na naglangoy si Ed patungo sa kinaroroonan nila kanina. Nakita niya ang inhaler na sinasabi nito at mabilis rin na maingat na dinala sa babae. Kinuha nito iyon at maagap na ginamit. Maya-maya pa ay naging maayos na ang paghinga ni Alyssa. Binuhat ito ni Ed patungo sa dulo ng lawa.

"S-salamat, Ed. Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko." Wika ni Alyssa nang maibaba niya ito sa damuhan.

"Ayos lang. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kinailangan mo pa akong yayain na maglangoy samantalang alam mo na may hika ka pala,"

Umingos ito. "Ito na lang ang pagkakataon na maggawa ko ang mga ganitong bagay. Paniguradong kapag nagpaalam ako, hindi nila ako papayagan dahil sakitin ako."

"Hindi mo pa rin dapat ginawa iyon. Pinakaba mo ako," hindi maintindihan ni Ed kung bakit nga nadarama niya iyon. Bihira siyang mag-alala. Lalo na ang maging concern sa isang babae. Naalala tuloy niya ang kaibigan niyang si Augustus sa best friend nitong si Melanie. Masyado rin ito kung mag-alala sa batang iyon. Ilang beses niloloko ni Vincent si Augustus na kaya raw ganoon ito sa isa sa mga kasamahan nila sa ampunan ay dahil may crush raw si Augustus kay Melanie.

Ganoon rin ba ang nararamdaman niya kay Alyssa ngayon?

Hindi masama, naisip-isip ni Ed. Maganda si Alyssa at mukhang mabait rin ito. May kalokohan rin na taglay na lalo niyang nagustuhan rito. Magkakasundo sila ni Alyssa. Sa kauna-unahang pagkakataon na dumating siya sa Medoires, mayroon na siyang gustong maging kaibigan.

"Meu Deus, Alyssa!" mula sa kung saan ay narinig si Ed nang sigaw. Sabay pa silang napalingon ni Alyssa para hanapin kung nasaan at sino ang sumisigaw. Isang magandang babae na may maganda at mahabang bestida ang nabungaran nila. Sa tantiya ni Ed ay matanda-tanda lang ng ilang taon sa kanila ang babae. Nakilala niya na ito ang nakakatandang anak ng babae sa namumuno ng Royal House of Braganni na ipinakilala kanina. Ito si Aliciana. "What did you do? And you are wet!"

Nalipat ang tingin ng babae sa kanya. Naningkit ang mga mata nito. "You did this to her!"

"Aliciana, no! I-I was---"

Hindi na naituloy ni Alyssa ang pagtatanggol sa kanya nang magsalita muli ang babae. "How dare you drag my sister into this kind of mess? Filha da puta! Bastard!" galit na galit na wika nito saka kinaladkad si Alyssa palayo sa kanya.

Naiwang natulala si Ed sa mga sinabi ni Aliciana. Nakaramdam siya ng sakit dahil sa mga salitang binitawan nito. Naalala niya ang mga masasakit na salita ng lalaking inutangan ng kanyang ama. Ang pangungutya ng mga ito sa kanya. Ed felt very bad.

Ganoon pa man, hindi nakaapekto ang mga iyon sa kasabikan niya na makasama muli si Alyssa. Gagawa siya ng paraan.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.