Library
English
Chapters
Settings

6. The Letter

Twenty years later

"AND SIR, I would like to inform you, too, that Mr. Stavros Christakis is already dead. But before that, he had left you a letter." Ipinatong ng sekretaryang si Demetria ang white envelope sa desk ni Nikos.

Habang tinitigan iyon ay pinalabas na niya ang sekretarya sa loob ng opisina. Pero sa halip na buksan ang letter ay iniwan lang niya iyon basta sa mesa at tumayo sa swivel chair.

Naglakad si Nikos papunta sa glass wall ng opisina at pinagmasdan ang New York Sky Line. Sa ngayon ay nasa main office siya ng Haven Group of Companies o HGC—ang kompanya na pagmamay-ari niya at ng lima pang kaibigan mula pa noong bata pa. Funny how orphans like them were not just a simple man they used to be. Ngayon ay pagmamay-ari na nila ang pinakamalaking kompanya na nangunguna sa halos lahat ng industry sector hindi lang sa buong New York o buong Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kagaya ng nahiling ni Augustus noon ay hindi sila nawalan ng koneksyon na anim na magkakaibigan. At dahil pare-parehong galing sa mayayamang pamilya ang nag-ampon sa anim, naging madali lang para sa kanila ang gumawa ng risk para bumuo ng kompanya.

Sa ngayon ay isa si Nikos sa mga major stockholder ng HGC. Hands-on din siya bilang presidente ng Haven Developments—ang umbrella company ng HGC. Ang Haven Developments ay ang real estate business ng HGC at ang pinakamalaking kompanya niyon. Dahil si Nikos ang pinakamataas ang pinag-aralan sa kanilang anim, sa kanya ipinagkatiwala iyon. Siya ang tumatayong president ng Haven Developments pero ganoon pa man, hands-on din siya sa iba't ibang business ng HGC bilang major stockholder.

Sa New York ang main office ng HGC dahil doon sila may pinakamaraming business. Doon din siya madalas na mamalagi dahil ang pumapangalawang may pinakamalaking sakop ng HGC ay ang mga investments sa Pilipinas. Pero hindi ganoong na-in love si Nikos sa home country niya kaya mas pinipiling mamalagi sa New York. Isama pa na mas malapit ang New York sa Greece kung saan pinamamahalaan din niya ang shipping company na iniwan ng mga magulang nang mamatay ang mga ito ilang taon na ang nakararaan. Pero hindi kagaya ng Haven Developments ay hindi siya ganoong ka-hands-on sa shipping company. Being in Greece brought back a lot of bad memories he did not want to remember anymore.

Naging dual citizen si Nikos. May citizenship siya bilang Filipino at bilang Greek. Hindi man legal na inampon ulit si Nikos ng mag-asawang Sallis ay naggawa pa rin ni Nikos na magkaroon ng citizenship sa Greece. Nakakuha siya dahil naggawa niyang makapag-aral roon ng ilang taon. Kailangan rin naman niya iyon para mapamahalaan ang business nina Loukas at Iris. Dahil naturally born Filipino naman siya at nakuha lamang niya ang pagiging Greek Citizen niya sa prosesong naturalization, hindi pa rin niya naiwala ang pagiging Filipino Citizen niya. Ganoon rin ang nangyari sa mga kaibigan niya kaya naggawa rin nila na makapagtayo ng mga business at makabili ng properties sa Pilipinas.

Nagtiim ang mga bagang ni Nikos nang maalala ang Greece. Kailan pa ba mula nang huli siyang bumisita sa lugar? Hindi na niya maalala. Pero sa pagkakatanda niya ay noon pang huling nagkaproblema sa shipping company na kailangang-kailangan ng presensiya niya. Pero oras lang ang itinagal niya roon, dahil sadyang inasikaso lang niya ang problema at bumalik na uli sa New York. Hindi na niya ginawa pang bisitahin ang bahay na kinalakhan, ang puntod ng mga nag-ampon, kahit ang iniwang tao ng mga ito sa kanya.

Hindi na niya kailanman kinumusta si Irene—ang magpahanggang ngayon ay itinuturing pa rin na malas sa buhay niya.

Isa lang ang ibig sabihin sa buhay ni Nikos ng pagkawala ni Stavros Christakis—iyon ay ang pagkawala rin ng koneksiyon niya kay Irene. Si Stavros Christakis ay ang asawa ng dating tagapangalagang si Dionysia na inatasan niya para magsabi ng kalagayan ni Irene. Ang lalaki ang nagbibigay-alam kung ano ang kalagayan ng natatanging tao na responsibilidad niya.

Ang natatanging tao na pinilit akong gawin ko siyang responsibilidad, pagtatama ng isang bahagi ng isip ni Nikos...

"Whether you liked it or not, you have to marry her, Nikolas Lance!" galit na galit ang boses ni Loukas Sallis habang nasa hospital lounge sila.

Nagtiim ang mga bagang ni Nikos. "You know that it was her fault. She lured me!"

"And you indulged to it. I don't believe that just because you are drunk, you doesn't know what you are doing. She was your sister, for God's sake! You should respect her, not treat her..." Parang aatakihin si Loukas sa puso habang ipinapaliwanag iyon. At kahit na lumaking nawalan ng amor sa mga magulang, hindi pa rin niya maatim na saktan ang mga ito at biguin...

Nang pumasok sa isip niya iyon ay nangangalit naman ang kanyang mga ngipin. Remembering Irene and what she did to his life—especially what she did seven years ago—brought out the beast in him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa mga nangyari. Ganoon pa man, alam ni Nikos na hindi pa rin niya maaaring basta pabayaan na lang ang babae. Kailangan niyang malaman ang lagay nito. Pero dahil matindi ang galit, umuupa na lang siya ng tao na magbibigay-alam sa kanya ang lagay nito from time to time. Hindi niya nagawang bisitahin si Irene o personal na kumustahin dahil sa kanyang galit.

Ngayon ay wala na ang taong nagbibigay-alam sa kanya pero hindi ibig sabihin niyon ay mawawalan na rin siya ng impormasyon kay Irene. Kailangan niyang humanap ng bago. Gaano man kalaki ang galit niya ay may isang bahagi pa rin ang nagsasabi sa kanya na hindi niya ito puwedeng pabayaan.

Kinuha ni Nikos ang cell phone sa bulsa at tinawagan ang isang investigative service agency. Hindi na niya pinansin ang sulat na ibinigay ng dating private investigator. For all he know, sulat iyon para sa pamilya ni Stavros. Alam niya ang pinagdaanan ni Stavros at ng pamilya nito noong nakaraang mga taon. Nagkasakit si Dionysia at namatay isang taon na ang nakararaan. Ibig sabihin lang niyon ay walang matitira para mag-alaga sa mga anak nito. Malamang ay ibibilin iyon sa kanya ni Stavros. Sa pagkakatanda niya ay nasa high school pa lang ang mga anak nito. Kailangan ng mga ito ng financial support.

After all he had gone through, hindi pa naman ganoong katigas ang puso niya. Hindi man nakaramdam ng matinding pagmamahal sa buhay, hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya open para tumulong sa iba. After all, ang pagtulong ang nagdala sa kanya sa estado niya ngayon. Malamang ay hindi niya makakamit ang tagumpay kung hindi siya inampon ng mag-asawang Sallis—hindi man siya ginawang legal na anak ng mga ito.

At iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang pabayaan si Irene. Yata.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.