Chapter 6 6
Nang hihinang naglalakad ako sa hallway. Pag gising ko kanina wala na siya kaya pumasok na ako.
Tahimik lang akong naglalakad ng may biglang bumato sa akin ng isang itlog, hanggang sa padami sila ng padami.
Tumakbo ako at tinangkang pumasok sa room namin pero pag bukas ko nabuhusan ako ng isang timbang isda na may tubig.
Nag tawanan silang lahat at sinimulan akong laitin.
"Bagay lang yan sayo!"
"Tama! Yung isda kasing lansa mo! Bitch!" Pinigilan ko ang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Bakit ganito sila? Inangat ko ang tingin ko ng biglang nag sitahimikan ang mga ito. Nakita ko si Zion na papalapit sa akin, akala ko tutulungan niya ako pero hindi.
"Tama sila, yung isdang to? Kasing lansa mo." Tuluyan akong napaiyak pero wala siyang ibang ginawa kundi pag masdan ako at hayaan. Akala ko ayos na kami pero hindi pa pala. Akala ko lang pala iyon.
Lumapit sa aking ang babaeng nakakapit sa braso niya at sinimulang hatakin ang buhok ko.
Nilabanan ko siya pero may humawak sa dalawang braso ko.
Sinubukan kong manghingi ng tulong sa kanya pero nag iwas lang ito ng tingin at hinayaan akong masaktan.
Lalo akong nanghina, tinigil ko na ang pag kalas sa hawak nila dahil wala na akong lakas.
Nahihirapan akong huminga hanggang sa atakihin nanaman ako ng isang malalang ubo.
Patuloy parin sila sa pag kuyog sakin, hindi na ako lumaban, napapagod na ako.
Saka lang nila ako tinantanan ng tumalsik na ang dugo galing sa bunganga ko.
Napaluhod ako habang patuloy sa pag ubo na may kasamang dugo, napahiga ako sa sakit na nararamdaman at pagod.
Unti unting pumipikit ang mga mata ko, pagod na ako…
Nakakapagod lumaban kung yung taong gusto mong makasama habang nabubuhay ka pa gusto ka ng mamatay.
Nakakapagod lumaban kung mamamatay ka lang rin naman…