Library
English
Chapters
Settings

Chapter 5 5

Birthday niya ngayon, kaya ang daming tao ngayon dito sa bahay niya.

Nagkakasiyahan sila sa sala  at nandito ako kusina upang ilabas ang kanilang maiinom.

Lumabas ako at pumunta sa kanila, nakita ko siyang katabi ang Brittany at naglalampungan.

Inilapag ko ang inumin nila sa lamesa ng may maramdaman na humawak sa pang upo ko.

Gulat na gulat ako at sinampal ang walang hiyang tropa niya.

"B-bastos!" Ngumisi lang ang lalake at hinatak ako paupo sa kandungan niya.

Siniko ko ito at maluha luha ng makitang hinahayaan lang ito ni Zion. Nakatingin lang ito sa akin at ngumingisi.

"Bitawan mo ako!" Sa wakas nakawala ako sa lalaki at agad na tumakbo pa akyat sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at pinahidan ang luhang kumawala sa akin.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas iyon at pumasok si Zion kasunod ang lalaki kanina. Agad akong kinabahan.

"Ito ba gusto mo pre?" Tumango ang lalaki at ngumisi sakin.

"Sige sayo na pero wag mong pagudin gagamitin ko pa iyan." Lumapit sa akin ang lalaki, kaya napalayo ako.

"N-no Zion please.." Napaiyak na ako pero wala ito nagawa kundi titigan lang ako at lumabas na.

Mas lalo akong naiyak ng maramdamang hinawakan ako ng lalake at mabilis na hinalikan.

Pumipiglas ako pero masyado siyang malakas.

Nahubad na niya ang mga saplot ko at sinimulang hawakan ang dibdib ko.

"N-no please maawa ka…" Lalong lumakas ang hagulgol ko lalo na ng maramdamang kung saan saan na humahaplos ang kamay niya.

"Shut up!" Humagulgol ako lalo, pero napatigil ng malakas ako nitong sinuntok dahilan para mamilipit ako sa sakit.

Nanghihina ako… Hindi ko na kaya… Ipinikit ko nalang ang mata ko at tahimik na umiyak.

Pero maya maya lang naramdaman kong nawala ang lalaking nasa ibabaw ko at napalitan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Sorry… sorry…" Napahikbi ako ng marinig ko ang boses ng taong mahal ko.

"Zion…" Binalot niya ako ng kumot at sumubsob sa leeg ko.

"I'm sorry…" Tumango nalang ako at mahigpit siyang niyakap. Okay lang Zion kahit ang sakit sakit na.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.