Library
English
Chapters
Settings

7

SOMETHING is really wrong about me, nasa isip ni Addy habang nakaupo sa tabi ng swimming pool. Dahil hindi naman summer season ay kakaunti lang ang guest sa resort kung saan pinili niya na magbakasyon. Sa kasalukuyan ay nagpapalipas siya ng oras na mag-isa sa swimming pool. Nag-isip at nagmuni-muni siya.

Hindi na mabilang ni Addy kung pang-ilan na ang buntong-hininga niya. Naiinis siya. Nakakahiya na ang ginagawa niya pero patuloy pa rin siyang tinatanggihan ng nag-iisang lalaki na gusto niya.

Ang buong akala niya ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Xander. Nang tawagan siya nito ay naramdaman niya na nag-aalala ito sa kanya. Naging positibo siya na susundan siya nito dahil inamin niya rito ang lugar kung nasaan siya. She also felt the guilt in his voice. Kaya hindi na siya nagulat nang marinig niya ang boses nito sa loob ng kuwarto niya. Kilala niya ang boses nito kaya nasigurado niya iyon, bukod pa sa malaking bahagi nga ng isip niya ang nagsasabing kakausapin at susundan siya nito. Sakto naman na nasa banyo siya noon at naliligo. Hindi niya sinagot si Xander dahil gusto niyang patunayan na nag-aalala nga ito. Bukod pa roon, gusto rin niyang malaman ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya sa ganoong anyo.

Addy knew it's a bold act. Pero feeling niya ay desperada na siya. At wala naman sigurong masama 'di ba? Malaki na siya. At gusto niya si Xander. Hindi na naman bago sa mundo ngayon na ang babae na ang lumalapit sa lalaki. Ika nga, ang palay na ang lumalapit sa manok. Nakakahiya man pero pakiramdam niya ngayon ay gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto. Gusto niyang magkaroon ng katugon ang nararamdaman niya. And it felt like it's the only way.

Buo ang paniniwala ni Addy na may pagnanasa sa kanya si Xander. Nararamdaman niya ang titig nito sa kanya nang titigan siya sa bath tub. Kahit nakapasok na ito sa banyo ay hindi siya nito ginising kaagad. Mukhang tinitigan lang muna siya nito. Kagaya rin ng dati, hindi nito naitago ang pagtaas ng pagkalalaki nito. Napansin niya kaagad iyon nang imulat niya ang mata. Pero kahit willing siya na daluhan iyon, naging matindi pa rin ang pagtanggi nito.

Lumayo at iniwan na lang siya basta ni Xander. Mahigit isang oras na rin ang nakalilipas ay hindi pa niya nakikita ito. Kung sinukuan na siya nito ay hindi niya sigurado. Ang sigurado lamang niya ay kung iniwan at patuloy pa rin siyang tatanggihan nito ay nagbibigay ng matinding kalungkutan sa loob niya.

Huminga nang malalim si Addy. Mahirap talaga na ialis sa isip niya si Xander. Simula nang halikan siya nito ay ito lang ang nasa loob noon. Hindi naman siguro siya masisisi kung ganoon ang kanyang pakiramdam. Mahirap malimutan ang nangyari sa kanila sa motel. Napakasarap at napakatindi ng damdamin na dinala sa kanya ng halik, lalo na ng mga hawak at ungol ni Xander. And just with the thought of it again makes her shiver...and wet.

Kinagat ni Addy ang ibabang labi. Nag-uumpisang mapuno ng dirty thoughts ang isip niya. She imagined Xander wetting her lips again. Gamit nito ang dila at binubuksan ang kanyang bibig. He will plunge his and delve deeply into it. And he will do more than that, kung hindi nga lang dahil sa buwisit na text message na iyon.

But then, Addy can't help but think what could have happen if they weren't disturbed. Would he kiss her tummy? Would the feelings be as intense as before? O mas higit pa roon?

Pero ang mas lalong nakapagpakiliti sa buong katawan ni Addy ay ang isipin na kung hahalikan rin ni Xander ang parte niya sa pagitan ng hita. Marahan lang sa una hanggang sa magiging mabilis, kagaya ng paghinga niya. And then...Xander would take off his clothes. Hindi lang ito ang makikinabang. Ganoon rin siya.

Nanunuyo ang lalamunan ni Addy kaya nakakapagtaka na natagpuan rin niya sa huli na nakapikit at umuungol dahil lang sa naglalarong eksena sa isip niya. Gusto niyang sapukin ang ulo. Nawawala na talaga ang kainosentehan niya. But it is so hard to deny the intense attraction and heat on her part. Napakalakas ni Xander sa kanya para magkaroon siya ng mga ganoong pakiramdam. Too bad, wala siyang maggagawa roon.

Iminulat ni Addy ang sarili at doon niya nakita na may magagawa naman siya sa kanyang pag-iinit. The pool is cool. And that's what she needs. Cool and chill.

Kahit literally man lang ay mawala ang nakakaiyak na pag-iinit na ito!

Napagdesisyunan ni Addy na tumalon sa swimming pool. Pero sa huli, natagpuan lang niya ang sarili na kumakawag-kawag sa gitna ng swimming pool.

Pinasama lamang ni Addy ang sitwasyon. Malalim na bahagi pala ang natalunan niya. Hindi siya marunong lumangoy!

"Help, help!"

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.