Library
English
Chapters
Settings

6

ADDY really bring out the beast in him, nagngingitngit ang ngipin habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Alex ang isipin na iyon tungkol kay Addy. Hindi man alam ng nakakarami pero alam niya sa sarili na siya ang may kasalanan ng pagkawala nito. Kanina ay kausap niya si Abel at mainit ang ulo. Ang dahilan? Nawawala raw si Addy. Hindi pa raw ito umuuwi. Basta nagpaalam lang daw ito na gusto muna nitong mapag-isa. Hindi na rin daw ma-contact ng mga ito kung nasaan ang dalaga.

Hindi natuloy si Alex sa pagpunta sa Greece. Nahuli siya sa flight niya at inisip na lang niya na senyales na rin iyon dahil hindi naman talaga niya gustong pumunta. Nalungkot ang Tito Achilles niya pero umaasa siya na sa huli ay maiintindihan rin siya nito.

Pero nawalan man ng hindi gustong responsibilidad, iyon at may kapalit na naman. May pakiramdam siya na siya ang may responsibilidad kaya nag-iinarte ang prinsesa ng mga matatalik niyang kaibigan. Sinaktan niya ito sa pamamagitan ng pagtanggi niya rito. Naibalik naman niya ito sa resort nang maayos at walang nakaalam tungkol sa nangyari pero alam niyang masama ang loob nito. Malungkot ito. Nasaktan niya ito.

Kinalma ni Alex ang sarili. Dapat ay nagpapasalamat siya dahil ganoon lang ang ginawa ni Addy. Hindi ito nagsumbong. Dahil kung nagsumbong ito, mas malaking responsibilidad pa ang kahaharapin niya. Ngayon, ang pagpapabalik na lang sa nag-aalalang pamilya nito ang responsibilidad niya. Inisip rin niya na magiging madali lang rin iyon. Nang subukan kasi niyang tawagan si Addy, sinagot naman nito iyon. Inamin nito na nasa isang beach resort ito sa Batangas sa ngayon. Naka-block ang number ng pamilya nito sa ngayon kaya hindi natatawagan.

"You have to tell your brother then. Malapit na 'yung magpapulis para lang mahanap ka!" pangaral niya kay Addy.

"I want to be alone. Mahirap ba na intindihin iyon. Kailan ba nila ako pagkakatiwalaan?"

"Gusto lang nila na malaman na maayos ka palagi. Isa pa, paano mo nagugustuhan na mag-isa? Mukhang nasa bakasyon ka pa naman."

"Hindi ko naman talaga gusto na mag-isa. May pinapangarap rin ako na makasama. But unfortunately, the feeling is not mutual..."

Hindi man sabihin ni Addy, alam niya na siya ang tinutukoy nito. He had hurt her. At pakiramdam niya ay responsible siya roon. Bukod pa roon, may nararamdaman rin siya na sakit sa isipin na sinaktan niya ito. Nagdesisyon siya na personal na puntahan si Addy at kausapin. Kailangan niyang ipaintindi rito ang lahat.

Pero nang makarating sa resort ay nawala ang misyon ni Alex. Madali naman niyang natunton ang room na inookupa ni Addy. Nabuksan rin niya kaagad iyon dahil hindi naman iyon nakasara. Hindi niya nga lang kaagad nakita ang dalaga. Wala ito sa kuwarto pero nakita niyang bukas ang ilaw ng banyo. Kumatok at sumigaw siya. Pero katahimikan lang ang sumasagot sa kanya.

Sinimulang pagpawisan si Alex. Bumangon ang kaba sa puso niya. Bakit hindi sumasagot si Addy? May nangyaring masama ba rito? Pero ang isipin rin naman na papasukin niya ang banyo ay lalong nagbigay ng kaba at pamamawis sa kanya. Paano kung naliligo pala si Addy? Nakakaramdam siya ng paninigas sa isipin pa lang na iyon. He would see her naked. He would be provided again with sensual banquet that was so hard to resist. And then, he would be in hell again. Ni hindi pa nga siya nakaka-recover sa huling pagtatagpo nila ng dalaga.

Nag-isip si Alex. Nagpalipas rin siya ng ilang minuto. Nagiging OA na siguro siya sa isipin na baka mamaya ay may nangyaring masama rito kaya hindi ito lumalabas ng banyo. Hindi dapat siya nag-aalala ng ganoon dahil marami pa naman na possibilities. Baka naman bukas lang ang ilaw at wala roon talaga si Addy.

Kinalma ni Alex ang sarili. Binuksan niya ang banyo. Naging eratiko ang tibok ng puso niya ng tama ang OA niya na pag-iisip. Naroroon nga sa banyo si Addy. Nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa bath tub.

Lumapit si Alex kahit may bahagi ng utak niya ang nagsasabing huwag. Lalo lang siyang makakaramdam ng pananakit. Bagamat may mga bula naman sa bath tub para matakpan ang katawan ni Addy, nanatili pa rin na matigas ang pinaka-iingat-ingat at pinakakamamahal ng nakakaraming babae na bahagi niya. Sa loob rin ng ilang minuto ay iyon lang rin ang kumikilos. He was astonished by his reaction though. He registered that he was developing a hard-on just by looking at her peacefully sleeping ex-girlfriend's face. Bahagyang naka-pout lang naman ang labi nito habang natutulog pero nagbigay iyon ng marami at mapagmataas na pakiramdam sa kanya. Nagsisimulang tumaas ang pagkalalaki niya sa simpleng pagtingin lang niya rito.

Sa huli, gustong sapukin rin ni Alex ang sarili. Paano niya nararamdaman iyon samantalang may posibilidad na may masamang mangyari sa babae? Bagamat mahahalata naman na humihinga pa rin ito sa bath tub ay mukhang masama pa rin iyon. Hindi ito nagigising sa mga sigaw at katok niya. Mukhang hindi lang ito basta nakatulog roon.

Lalong namawis si Alex. Kailangan niyang gisingin ito. Kaya lang, maraming paraan ang naiisip niya na panggising rito.

Unang paraan na naiisip ni Alex ay ang ginawa ng prinsipe sa Sleeping Beauty. It was weird how he thinks that way. Maybe because he felt like Addy was a princess? She was so beautiful, especially now that she was sleeping in peace. Pero mas malala pa ang gustong gawin ni Alex kaysa sa prinsipe sa fairy tale. Hindi lang simpleng halik ang gusto niya.

Alex wants a demanding kiss. Gusto niyang ituloy ang nasimulan nila ni Addy sa motel. The claiming of her lips is like a craving for drugs. Exploring her body is like a need as powerful and natural as taking a next breath. Kung alam lang ni Addy kung gaano siya pinahirapan ng nangyari sa kanila sa mga nakaraang araw. He felt addicted with it. But it was the most dangerous type of addiction. She is a dangerous pleasure. Kailangan niyang pigilan iyon.

Pero si Addy ang siyang nagbibigay ng dahilan para gumawa siya ng kasalanan. Nakarinig siya ng ungol mula rito bagama't hindi pa rin ito nagmumulat. And his cock was not really a good listener. Kahit anong pagsuway ng kanyang isip para tumigil sa pag-react kay Addy ay hindi iyon nakikinig. It was already up and almost fit to explode just because of that sound.

Damn, damn, damn!

"K-kiss me, Xander..." paungol rin ang boses ni Addy nang magsalita na naman ito.

Napaawang ang mga labi ni Alex. Nanaginip lang ba o alam talaga ni Addy na naroroon na siya sa tabi nito?

Pumikit si Alex. Nag-inhale, exhale rin siya. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng hininga. Nawawalan ng hangin ang paligid niya. An inferno seemed to be raging inside his body. Nagdadala iyon ng apoy sa buong katawan niya. It was burning and scaring him with the need to feel her again skin on skin...

Nanginig ang buong katawan ni Alex sa isipin na pareho sila ng kagustuhan ni Addy. This level of lust was totally consuming, unstoppable and crazy. Yes, it was crazy. Hindi niya kasi dapat nararamdaman iyon pero hindi niya mapigilan. Ipinagbabawal na babae para sa kanya si Addy. Pero sa pagpupumilit niyang ipagsisiksikan sa kanyang isip iyon ay siya naman na paglala ng kanyang kagustuhan na maangkin ito.

Hindi, hindi, hindi! Pagpipigil ulit ni Alex sa sarili. Iminulat na niya ang mata. Gigisingin na niya si Addy sa tamang paraan. Pero hindi na niya iyon kailangan na gawin. Gising na ito.

Iisang sexy na ngiti ang ibinigay ni Addy kay Alex. Her now in fire eyes are gleaming with pleasure. Cruel pleasure, he must say.

This is the craziest and cruel type of temptation he had ever encountered.

"I mean it, Xander...." Wika ni Addy at unti-unting bumangon ng bath tub.

Kung may langaw lang sa paligid, malamang ay nakain na niya iyon sa laki ng pagnganga niya sa pantasya sa katawan ni Addy. Pero nahiling niya na sana nga ay langaw na lamang ang pumasok sa kanya, hindi ang nakakatakot na pagnanasa para rito.

Addy is a Goddesss. Bagaman maraming babae ang nagsasabi na "Diyos" rin si Alex para sa mga ito, hindi siya ang nararapat na Diyos para sa isang Addy Salvador...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.