Library
English
Chapters
Settings

8

IBA'T iba ang klase ng pakiramdam ni Addy nang nagmulat ulit siya ng mata. Nakakagulat ang maramdaman na pagkatapos tumigil ng tibok ng puso niya sa takot nang akala niya ay malulunod siya ay ngayon ay biglang lakas naman iyon. May sakit siyang nararamdaman sa ulo at nanghihina rin ang katawan niya. Pero nang marealize ang posisyon niya nang magkamalay ulit ay lalo lang nagkagulo ang damdamin niya. Nanlaki ang mata niya pero sa parehong pagkakataon ay gusto rin niyang mapapikit. She wanted to savour the kiss that Xander is giving her...

Gulong-gulo ang isip ni Addy kung bakit nangyayari iyon sa kanya. Nanaginip ba siya? Ganoon pa man, pinilit niyang kalmahin ang isip. Nag-isip siya ng best option. Hindi siya pumikit dahil ayaw niyang isipin na panaginip lang ang paghalik ni Xander. Pinanatili niya na mulat ang mata. Pero ginawa lang niya iyon para madismaya. Napagtanto niya na hindi naman pala siya hinahalikan nito. Mina-mouth resuscitation lang siya ng loko.

"Oh God! Mabuti naman at gising ka na," niyakap siya ni Xander nang mapagtanto na may malay na siya. Ramdam niya ang panginginig nito.

Napaubo si Addy. "You saved me."

"Walang nakabantay na life guard sa resort. Good thing I am stalking---" nakagat nito ang ibang labi. "I-I mean, malapit lang ako sa paligid. Nakita kita. Nasagip kaagad kita."

Huminga nang malalim si Addy. "W-well, thank you."

"I almost lost you. You scared the hell out of me..."

Hindi nagsalita si Addy. Sinalubong niya ang mga mata ni Xander. Ewan ba niya kung nasa mahika pa rin siya ng pag-iisip ng mga maduduming bagay. Pero nakita niya ang in-imagine at pinapangarap niyang tingin ni Xander sa kanya---ang makakita ng apoy mula sa mata nito.

Parang bigla tuloy na kumalat ang apoy sa katawan ni Addy. Kahit nabasa dahil muntik pang malunod ay nag-init ang katawan niya sa tingin nito. Pero nang tumiim ang bagang ni Xander ay nakagat niya ang ibabang labi. Mukhang naipagkamali niya ang apoy na nakikita sa mata nito.

Apoy ng galit pala, kainis!

Inalalayan ni Xander si Addy na makatayo. Pero mukhang ginawa lang nito iyon para mapagalitan siya.

"Sasampahan natin ng kaso ang resort na ito. Walang life guard sa paligid! Paano kung wala ako? Paano kung walang tumulong sa 'yo?"

"S-siguro naman ay magandang dahilan sila diyan. Isa pa, hindi naman nangyari. Let's just be thankful that you are there."

"Kahit na!" galit na galit pa rin si Xander. Hinawakan nito ang kamay niya. Halos kaladkarin siya nito papunta sa kuwarto niya. Nang makarating sila sa kuwarto ay nagsunod-sunod rin ang sermon nito sa kanya.

Hindi ganoon ang inaasahan ni Addy. Inaasahan niya na magiging gentle sa kanya si Xander. Pagkatapos ng lahat, muntik na siyang maaksidente. Dapat lang ay ituring siya nito sa mabait na paraan.

"Ngayon ay susunod ka na sa gusto ko. Aalis ka na sa resort na ito at uuwi sa Manila." Parang walang makakabali sa tono ni Xander.

Umiling si Addy. "Wala kang karapatan para magdesisyon sa akin. Naka-book ako sa resort na ito sa loob ng limang araw---"

"You will do as what you are told! Stop being so stubborn!"

Humalukipkip si Addy. Umupo siya sa kama. "Nagpapasalamat ako na niligtas mo ako. Pero hindi naman yata tama na ikaw ang magdesisyon para sa akin. Wala kang karapatan sa buhay ko."

"I am your brother's best friend!"

"Hindi ka pa rin binibigyan ng karapatan noon."

Hindi nakapagsalita si Xander. Pero dumilim ang mukha nito at tumiim rin ang bagang nito. Mukhang naasar ito sa sinabi niya.

Pero tama naman siya. Wala talagang karapatan si Xander sa buhay niya. Hindi nito binibigyan ang sarili nito dahil hindi nito tinanggap ang mga alok niya. Kasalanan mo rin 'yun, Xander!

Sinalubong niya ang mata ni Xander. Pati ngipin nito ay nagngingitngit na ngayon. Pero nang pakatitigan niya ito ay nagbago ang mukha nito. Napaawang ang labi nito at bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha.

"You are really mad at me..."

"Yes, I am----" natigilan si Xander nang kagatin ni Addy ang ibabang labi. Tumigas ulit ang ekspresyon ng mukha nito. "S-stop biting your lip!"

Sa huling pangungusap ay parang nawalan ng hininga si Xander. There was madness and ache in his voice. Pero ang ache na maririnig ay mukhang hindi naman talagang nagpapahirap sa damdamin nito. O iyon ang nararamdaman niya. Because that was the ache Addy wanted Xander to attend.

It's an aching voice that wanted something sexy...

Hindi tuloy napigilan ni Addy na makagat ulit ang kanyang labi. Oh how she wanted Xander to bite it, too!

Napaungol tuloy si Xander. Mukhang alam na nito kung saan papunta ang pag-uusap nila. "You are mad, Addy!"

Nagkibit-balikat si Addy. "Maybe. But I think I am mad for you, Xander..."

"S-stop doing this! Hindi puwedeng maging tayo."

Sumimangot si Addy. Masakit sa kanya na tinatanggihan na naman siya ni Xander. Nakakahiya na nga ang mga pinagagawa niya. Hindi siya ganito. Pero siguro nga ay spoiled talaga siya. Gusto niyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Too bad, hindi naman siya gusto ng tao na iyon.

Yumuko si Addy. Napahikbi siya. Nag-uumpisa na manubig ang kanyang mata.

"Addy, huwag mong gawin ito...." Lumambot ang tinig ni Xander.

"Then don't do this to me also, Xander..." Huminga nang malalim si Addy. Subukan niya na pakalmahin ang sarili. Pero kahit anong pigil niya ay walang pinakinggan ang kanyang luha. Nag-umpisa na umagos na iyon. "Umalis ka na. Iwan mo na lang ako mag-isa."

Ayaw ng maging kahiya-hiya ni Addy. Nakakapagod na rin.

Tumalikod siya kay Xander. Dumapa siya sa kama. Hindi niya gustong ipakita rito ang lahat. Hindi na rin niya inintindi kung ano ang magiging reaksyon nito. Inisip niya na baka umalis na lamang ito. Dahil doon naman ito magaling 'di ba? Sa pang-iiwan at pagpapaasa sa kanya.

Kaya naman nang makaramdam ng pag-igik sa kamang kinaroroonan ay ikinagulat at kinagitla niya. Lumingon siya. Unang nakita niya ay ang nagngingitngit na ngipin ni Xander. Galit na naman ang lalaki.

Mali ito para maramdaman iyon. Kung may galit man, dapat ay siya iyon. Sinasaktan siya nito.

Napalabi si Addy. Pero bago siya nagsalita ay nagsalubong ang mga mata nila ni Xander. There was a fire in his eyes. And that fire suddenly made her pain turned to hot feelings. Tumagos ang apoy na iyon sa pagkatao niya.

Parang nawala ang tubig sa katawan ni Addy. Pati ang luha niya ay biglang naglaho. Nahihirapan siyang huminga dahil mabilis na nag-init na naman ang katawan niya. Lumunok siya para mawala ang panunuyo ng lalamunan. Pero wala rin napo-produce na laway ang bibig niya.

Napaka-makapangyarihan ng titig na iyon ni Xander. Pinanghihina noon ang buong katawan niya. Pero sinubukan pa rin niya na paganahin ang isip: bakit ginagawa iyon ni Xander? Paasahin lang naman siya nito. Sasaktan lang siya nito.

Pero nang hawakan ni Xander ang mukha ni Addy ay nahirapan na siyang paganahin ang kanyang utak. Ang tanging natitira na lang na alam noon ay nangyayari na ang akala lang niya noong una. Apoy ng pagnanasa ang nakikita niya sa mga mata ni Xander. At napatunayan niya iyon nang ilapat ni Xander ang labi nito patungo sa mga labi niya...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.