Chapter 8 :8
Brianne Hill POV.
Naglalakad ako papasok sa school eto late nanaman pero hindi ako nagmamadali o tumatakbo para lang makaabot wala akong paki kung malate ako no.
Kung itatanong niyo kung bakit ako nalate kasi anong oras na ako nakauwi kagabi gumimik pa kasi kami ni Dana well hindi ko naman matatanggihan yon.
Dirediretso akong pumasok sa room namin kahit 45 minutes na akong late nahinto sa pagtuturo ang prof namin at pinagtaasan ako ng kilay so pinagtaasan ko rin siya ng kilay aba aba! Baka gusto niya ahitin ko iyang kilay niya ngayong masakit ang ulo ko.
Dirediretso akong umupo sa upuan ko at yuyuko na dapat ako para matulog pero nag super sayan ang Prof ko at tinawag ang maganda kong pangalan.
"Ms.Brianne Henderson!" Nang lingonin ko ito ay pulang pula na ang muka nito ng dahil sa galit. Anong paki ko?
"What?!" Nakasimangot kong tanong dito.
"Aba't ganyan kaba talaga pinalaki ng mga magulang mo?! Ni hindi ka man lang marunong kumatok o mag sorry dahil late ka!" Nakatitig lang ako dito at hindi ito sinasagot.
"Godness malala ka ng bata ka! Get out!" Napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi niya.
"Pasalamat ka nga at pumasok pa ako sa subject mo kahit nakakaantok ka naman mag turo." Bumungisngis ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko.
"Wala ka talagang galang kailangan malaman ng mga magulang mo mga pinaggagagawa mo ditong bata ka!"
"Edi mag sumbong ka kung gusto mo i report mo pa ako sa OSA o sa Dean o kaya ipa kick out mo ako dito sa paaralan na ito. Pero siguraduhin mo lang pag nag sumbong ka ako yung mapapatalsik hindi ikaw." Ngumisi ako dito pagkatapos kong sabihin iyon halatang namutla ito sa sinabi ko kaya wala na itong nagawa kundi paupuin nalang ako at hinayaan ako sa gusto kong gawin.
Mayamaya pa ay narinig kong bumulong sakin si Dana "Ang bitch mo." Sabi nito humalakhak lang ako at yumuko na para matulog.
"Girl nagagawa mo naman yung favor ko sayo?" Danna asked habang kumakain kami sa cafeteria.
"Oo nako Danna kung hindi ka ba naman makulit hindi ko naman gagawin yung pinapagawa mong letse ka!" Tumawa lang ito at niyakap ako.
"Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh." Kinalas ko ang pagkakayakap nito sakin at sinamaan ito ng tingin.
"Kadiri ka Danna layo nga!" Parang bata naman itong dumila sa akin at napatingin sa likod ko.
Halatang nagulat ito at nawalan ng kulay yung buong muka niya.
"A-ano girl C-cr lang ako." At mabilis itong umalis sa harap ko.
"Problema nun?" Bulong ko at susubo na sana ng pagkain ko kaya lang ay may mga umupo sa mga bakanteng upuan dito pag lingon ko sila Scott pala at mga kaibigan niyang sina Matthew, Tofer at Martin wala si Raph.
May dala dala itong bulaklak at gitara.
"Hi Bri." Ngumiti lang ako sakanila at tinitigan si Scott.
"Para sayo." Nakangiti nitong inabot sakin yung mga bulaklak kinuha ko ito at inamoy. Ang bango!
"Alis na kami may pupuntahan pa kami eh." Sabi ni Martin at tumayo. Tumayo na din si Matthew pero naiwang nakaupo si Toffer.
"Wala nama-" Sasagot pa sana ito ng takpan ni martin yung bibig nito at pinilit na itayo at kinaladkad paalis.
"Ehem." Napatingin ako kay Scott na ngayon ay katabi ko na hawak niya pa din yung gitara at inaayos ito.
Nang maayos na niya ito ay walang pasabi itong kumanta sa harap ko.
Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But it's the only thing
That i know
Nagulat ako sa biglaang pagkanta nito at shet! Ang ganda ng boses niya ang lamig sa bawat pag bigkas niya ng lyrics ay damang dama niya ito.
And when it gets hard
You know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive
Nakapikit ito at damang dama ang kanta na parang may pinang huhugutan
Malaya kong napagmasdan ang gwapo nitong muka at ang pag galaw ng mga labi nito
We keep this love in a photograph
We made memories for ourselves
Where our eyes are never closing
hearts are never broken
And times are forever frozen still
Pero ng nasa chorus na ay idinilat nito ang kanyang mata at sinalubong ang mga titig ko
Tinitigan niya ako ng gamit ang mga mata niyang punong puno ng pagmamahal
Hindi ako nag iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nagugustuhan ko na ang mga titig niyang iyon.
So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans
Holdin' me closer
Till our eyes meet
You won't ever be alone
Wait for me to come home
Nalunod na ako sa mga titig niya bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko dahilan na para bang gusto ko na siyang kunin at itago sa loob ng bulsa ko i want to keep him gusto ko ako lang ang tititigan niya ng ganito at ako lang ang kakantahan niya wala ng iba.
Loving can mend your soul
And is the only thing
That i know (Know)
I swear it will ge easier
Remember that with every piece of ya
and it's the only thing we take with us when we die
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang gustong kumawala ng puso ko.
And if you hurt me
Well that's ok baby only words bleed
Inside these pages you just hold me
And i won't ever let you go
Titig na titig ito sa akin na parang ipinapaintindi niya ang mga lyrics na na nagsasabing kahit saktan ko pa siya ay ayos lang at hinding hindi niya ako bibitawan.
When I'm away
I will remember how you kissed me
Under the lampost
Back on 6th street
Hearing you whisper through the phone
At kapag wala siya lagi niyang maaalala kung paano ko siya hinalikan at gusto niya na hintayin ko siya bumalik damang dama ko yung mga lyrics na para bang gusto kong isigaw na I want more.
Wait for me to come home.
Nang matapos siyang kumanta ay hindi pa din napuputol ang pagtititigan namin.
Ngumiti siya at ngumiti din ako pero naputol ang mga titigan at ngitian namin ng makarinig kami ng malakas na palakpak at malalakas na tukso.
"Ayiiiee!"
"Bagay kayo!"
"Ang ganda ng boses nakaka inlove!"
"Nakakakilig!"
Agad akong pinamulahan ng muka ng inilibot ko ang aking paningin
Ang daming studyante ang nakatingin sa pwesto namin.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko at bumulong ito sa akin.
"Pag bilang ko ng tatlo tatakbo tayo okay?" Wala sa sariling napatango ako at hinawakan ko ng maigi gamit ang kaliwa kong kamay ang bulaklak na binigay niya.
"Isa, Dalawa, Tatlo, Takbo." Agad kaming tumayo at tumakbo palabas sa cafeteria at hindi ko na namalayan na tinititigan ko na pala siya habang tumatakbo kami sa kung saan
Nilingon niya ako at nahuli niya akong tinititigan siya agad namula ang muka niya at nginitian ako dahilan para mamula din ang muka ko.
Nakarating kami sa rooftop at walang tao dito binitawan na niya ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdan ng dismaya sa ginawa niya.
Shit! Ano ba itong nararamdaman ko agad kong iniling iling ang ulo ko.
"Wooo kapagod hiningal ako." Angal niya habang nilalapag sa isang tabi yung gitara niya miski ako ay hinihingal din.
"Malamang sino bang tao ang hindi hihingalin pagkatapos tumakbo?" Masungit kong sabi dito at nilapag nadin ang bulaklak na bigay niya sa tabi ng gitara niya.
"Chill Moo." Nakangising sabi nito.
"Moo?" Pag tatanong ko.
"Yes Moo, My Only One." Shit! Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Agad akong nag iwas ng tingin dito at umupo malinis naman ang sahig dito.
Hinubad nito sa harap ko ang uniform niya kaya ngayon ay nakasando nalang siyang puti at shet ang muscle po.
Umupo din ito at nagulat ako ng humiga ito sa lap ko.
"Pahiga." Simpleng sabi nito kahit naka unan na ang ulo niya sa lap ko.
"H-hoy ano ba?!"
"Pahiga lang napagod ako eh wala akong tulog saglit lang iidlip lang ako sandali." Wala na akong nagawa kundi ang pumayag may choice pa ba ako?
"Okay sleep well Scott.." Bulong ko at hinaplos ang makapal nitong buhok.