Chapter 9 :9
Pinagmamasdan ko lang siyang mahimbing na natutulog ang gwapo niya kahit tulog hindi na ako magtataka kung bakit siya gusto ni Danna.
Hinaplos ko ng dahan dahantang pisngi niya papunta sa mata pababa sa ilong at sa malalambot niyang labi wala kang malalait sa muka niya kumbaga perfect na.
Gwapo, matalino, mabait at magalang bonus nalang ang pagiging mayaman nito
Ang swerte ko kasi ako yung gusto niya pero at the same time ang malas din niya kasi ako yung nagustuhan niya.
Dahan dahan itong nagmulat ng mata kaya agad kong inalis ang kamay ko na humahaplos sa labi niya.
"A-anong oras na?" Tumingin ako sa relo na nakasuot sa kamay ko at nakita kong 1:35 pm na.
"1:35 na." Pag sagot ko dito.
"Ilang minuto akong tulog?" Tanong nito habang umuupo.
"Almost 1 hour din." Sabi ko at sinubukan kong idiretso ang nangangawit at namamanhid kong binti at hita.
"What?!" Sinamaan ko ito ng tingin at umirap nag focus nalang ako sa namamanhid kong binti.
"Sorry sorry. Namamanhid ba? Nangawit ka ba nabigatan kaba sa ulo ko? Sorry Moo sorry." Sunod sunod na sabi nito at lumapit sakin.
"Namamanhid yung binti ko." Napapangiwing sabi ko dito.
"Dapat ginising mo ako kung nahihirapan ka." Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang binti ko at dahan dahang minasahe.
"Eh ang sarap sarap ng tulog mo eh ayoko namang gisingin ka o istorbuhin yung pagtulog mo mukang pagod ka pa naman." Napatingin ito sa akin at ngumiti.
"Salamat." Sincere na sabi nito. Tumango lang ako at inalis ang kamay niya sa binti ko.
"Ayos na salamat." Nahihiya kong sabi.
"May 20 minutes pa tayo bago mag simula ang klase." Sabi niya ng nakatingin sa akin.
"Oo nga pero wala naman tayong gagawin dito kaya tayo na." Tatayo na dapat ako pero hinila niya ulit ako paupo.
"Kain muna tayo nagluto ako kanina ng adobo para sa atin kaso hindi na mainit." Sabi nito at nilalabas ang dalawang lunchbox at binuksan ito.
Bigla nalang akong natakam ng malaman kong siya ang nagluto.
Agad kong kinuha ang isang lunch box at sumubo agad.
"Shet ang saraap!" Tuwang tuwang sabi ko pag tapos kong lunukin ito. Napangiti naman siya at kinurot ang pisngi ko.
"Ang cute mo!" Ngumusto lang ako at nagupisa ulit kumain.
"Kung ganyang lang ding kasayang muka ang makikita ko sayo araw araw eh araw araw nalang kitang lulutuan." Nabulunan ako sa sinabi nito at agad binigay sakit ang boteng tubig na iniinom niya. Hindi na ako nag dalawang isip at agad itong ininom.
Shet naman kasi masaya ba ako? Masaya ako ng dahil sa luto niya umiling iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Ng matapos kami sa pagkain ay napatingin ito sa akin at lumapit ng kaunti.
May tinanggal siya sa gitna ng lower lip ko, kaya naramdaman ko ang hinlalaki niya na huhaplos sa labi ko.
"Ayan wala na." Hindi ko alam pero agad akong pinamulahan ng muka. Kaya para mawala ang ilang ko ay niyaya ko na itong tumayo.
"Tara na may klase pa tayo diba?" Sabi ko sa kanya tumayo na din ito at sinuot ulit ang uniform at kinuha ang bulaklak at gitara.
Habang naglakad kami ay bigla itong nagtanong.
"N-nagustuhan mo ba?" Napatingin ako dito at halos matawa ng makitang ang pula ng tenga nito.
"Oo naman ganda nga ng boses mo eh." Pranka kong sabi na lalong nagpapula sa tenga niya.
"T-talaga?" Di makapaniwalang tanong nito.
"Oo nga pero wag ka na ulit kakanta sa harap ng maraming tao ah?" Pag sabi ko dito nagtataka naman niya akong tiningnan.
"H-hah? Bakit akala ko ba maganda?" Bagsak balikat na tanong nito.
"Oo maganda, pero gusto ako lang yung makakarinig ng boses mo. Ako lang yung kakantahan mo at pag kakanta ka gusto ko tayong dalawa lang ang makakarinig ng boses mo." Selfish na kung selfish pero ito ako gusto ko ako lang.
"Talaga?! Sige ikaw lang. Ikaw lang yung babaeng kakantahan ko ng ga'non bukod kila mom at sa kapatid ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya pero agad din nawala ng magsalita siya ng
"Promise ikaw lang at sayo lang." Sincere na sabi niya.
"Wag kang mag promise!" Naiinis kong sabi dito.
"Hah? Bakit naman?" Nagtatakang tanong nito.
"Kasi promises are made to be broken." Seryoso kong sabi dito huminto ako kaya napahinto din siya sa pag lalakad.
Tinitigan ko siya sa mata "Ayoko lang na may na ngangako kasi alam kong balang araw ay ma-papako lang din iyon." Malungkot na sabi ko dito. Ayoko ng maalala pa.
"Okay okay hindi na. Gagawin ko nalang papatunayan ko nalang." Ngumiti ito at niyakap ako dahilan para lumakas ang tibok ng puso ko.
Shit hindi na ito healty!