Chapter 7 :7
Tahimik lang kami sa kotse at walang imikan hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang condo unit ko
Hawak ko ang kamay niya habang papasok sa loob ng elevator.
"Teka anong gagawin natin dito? At tsaka bakit tayo nandito?" Sunod sunod na tanong nito.
Hindi ko siya inimik hanggang sa makarating kami sa 6th floor lumabas ako sa elevator nakasunod naman siya sa akin eh.
Huminto ako sa tapat ng unit ko at binuksan ito, ramdam kong nakatitig siya sakin kaya tinitigan ko din siya
"Unit ko ito pwede kang pumasok." Pinauna ko siyang pumasok bago ako.
"Bakit mo ba ako isinama dito?!" Pasigaw na tanong niya hindi ko na muna pinansin ang pagsigaw niya at naglakad papuntang kusina.
Magluluto na muna ako ng sinigang na baboy para sa hapunan namin.
Nag umpisa akong mag luto ng mapansin kong ang tahimik himala hindi siya nag sisisigaw ngayon nag kibit balikat nalang ako at nag patuloy mag luto.
Natapos ako sa pagluluto, sinisigurado kong masarap ito at maiinlove siya sa luto ko.
Lumabas ako ng kusina ng hindi ko siya nakita na nandoon sa sala ay kinabahan ako at agad agad chineck ang kwarto ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita siyang mahimbing na natutulog.
Siya pa lang ang babaeng nakapasok sa kwarto ko bukod kila mom at sa kapatid ko.
Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya, nakaharap siya sakin kaya hinaplos ko ang makinis niyang pisngi.
"Ang ganda ganda mo Bri hindi ko alam kung bakit ako nainlove sa kagaya mo." Niyakap ko siya ng maramdaman kong gumalaw siya.
"S-scott…" Napabitiw ako agad sa pagkakayakap ko sa kanya at agad na tumayo.
"Ehem. A-ano luto na yung ulam kumain na tayo." Tumalikod nako sa kanya at handa ng lumakad palabas ng yakapin niya ako mula sa likod.
"Sorry…" Nagulat ako sa ginawa at sinabi niya kaya't hindi agad ako nakakilos.
"Sorry sa mga nasabi ko sayo Sorry Scott…" Napangiti ako at hinarap siya. Hiwakan ko ang dalawa niyang pisngi at ngumiti.
"Ano ulit yun Brianne?" Umirap ito pero inulit din yung sinabi niya.
"Sabi ko sorry, kanina nung hindi mo ako pinapansin at kinukulit nanibago ako. Nakakainis ka sinanay mo kasi ako na lagi kang nandyan nagpapapansin at nangungulit." Lalong lumawak ang ngiti ko
"Anong nginingiti mo?!" Niyakap ko siya ng mahigpit
"Sorry mo lang naman hinihintay ko, hindi naman ako galit sayo galit ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para magkaron ako ng karapatan sayo." Naramdaman kong yumakap din siya sakin.
"Anong walang magawa? You can court me Scott." Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya.
Limang segundo ako natulala at napanganga ng dahil sa sinabi niya
"W-what did you say?" Gulat na gulat na tanong ko at the same time masaya sa mga naririnig ko.
"You can court me Scott." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ngumiti ako ng nakakaloko dito.
"Really?! Wala ng bawian ah!" Halos mapatalon ako sa saya dahil sa narinig ko. Ngumiti ito sa akin
"Oo na!"
"Then let's sealed it with a kiss."
Unti unti kong nilapit yung muka ko sa muka niya i closed my eyes and then our lips met.
Hindi ko alam na mangyayari yung ganito, after that kiss
I rest my forehead againts her and smile
"God Brianne Hill hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Ngumiti siya kaya napangiti na din ako.
"Chansing ka agad ah." Pinalo ako nito sa braso.
"Kasi ang ganda ganda mo at hot pa sorry na agad he he."
"Ewan ko sayo nambola ka pa. Hindi pa nga tayo nang hahalik ka na!"
"Sorry naaa! hindi nako uulit PO!" Ngingiting ngting sabi ko.
"Che! Siguraduhin mo lang." God! I really love this woman.
"Gutom nako." she said and then pout
"Pwede mo naman akong kainin beauty." Nag smirk lang ito sa akin at tumingin sakin na parang nang aakit.
Shit!
"Talaga handsome?" She bit her lower lip and i find it very attractive.
She is really a Godness!
"Uhm ahh a-ano l-let's go tamang tama nag luto ako Tara na baka lumamig na iyon." Pagkatapos kong sabihin iyon agad nakong naglakad palayo para lumabas, Pero bago pa ako makalabas narinig ang malakas na tawa nito.
Shit ang init! That woman!
Sunod sunod na subo ang ginawa niya na parang dalawang araw na di pinakain.
"Teka dahan dahan lang baka mabulunan ka." Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy pa din sa pag subo.
Nanahimik nalang ako at kumain nalang din pero maya maya lang ay nag salita ito
"Grabe Scott ang sarap mo palang mag luto." Napangiti ako sa sinabi niya sumubo ulit siya ng kanin
"Alam mo bang masarap pakasalan ang lalaking masarap mag luto?" Agad siyang nabulunan sa sinabi ko. Agad akong tumayo at inabot ang baso kong may tubig at ipinainom siya.
"Dahan dahan lang kasi!" Sabi ko ng maging ayos na siya.
"Ikaw naman kasi kung ano ano sinasabi mo!" Nakairap nitong sabi at nag simulang kumain ulit
"Bakit? Totoo naman ah." Naka ngising sabi ko dito.
"Ewan ko sayo!" Humalakhak lang ako dahil mukang naiinis na siya.
Natapos kami sa pag kain at ngayon ay nagliligpit na ng pinagkainan.
"Ako na ang mag huhugas." Ako niya pero mabilis akong umiling
"No, masama daw na pinaghuhugas ang bisita." Sinamaan ako neto ng tingin pero ngumuso lang ako.
"Sige tayong dalawa nalang ang mag hugas ako mag sasabon at ikaw mag babanlaw alright?" Napatango nalang ako sa sinabi niya wala eh boss siya.
Natapos kami sa paghuhugas 7:25 na ng gabi at sa tingin ko ay kailangan na niyang umuwi.
Inaayos na niya ang mga gamit niya
"Hatid na kita." Ngumiti ito at marahang tumango sa akin shit! Nag iwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko namula ang muka ko.
Lumabas kami at sumakay ng elevator tahimik lang at tanging paghinga namin ang naririnig ng may sumakay na mag babarkada kaya nasiksik kami sa dulo naramdaman kong nasisikipan at nahihirap siyang gumalaw kaya agad ko siyang inakbayan at hinila palapit sakin kaya napasubsob siya sa dibdib ko naramdaman ko nalang na pumulupot na din yung mga braso niya sa bewang ko.
Tanga! Lalong bumilis yung tibok ng puso ko shit.
Nakarating kami sa tapat ng bahay nila ng tahimik
"Salamat Scott tsaka ang sarap talaga ng luto mo." Ngumiti ito at tumunghay para mahagkan ang pisngi ko.
Ngumiti ako sa kanya
"Ako ang dapat mag thank you Bri, thankyou kasi binigyan mo ako ng chance para patunayan yung sarili ko sayo at wag kang mag alala araw araw kitang lulutuan para ako nalang yung pakasalan mo." Humalakhal lang ito sa sinabi ko.
"Sige na pasok nako mag iingat ka sa pag mamaneho ok?" Tumango lang ako at hinintay siyang pumasok pero bago pa siya makapasok ay lumabas ang isang matandang katulong at binanggit ang pangalan na nag palakas ng tibok ng puso ko.
"Yan yan!" Yan yan? Tinawag niyang yan yan si Bri?
"Nanny nandito na po kayo!" Tulala akong tumalikod at uwalis ng malalim ang iniisip.