Chapter 6 :6
Its been a week at hanggang ngayon palaisipan pa din sakin yung mga masasakit na salita na sinabi sakin ni Bri.
Sa loob ng linggo na iyon ay hindi niya ako kinakausap. Pag makikita niyang lalapit ako sa kanya nilalayuan niya ako I miss her.
Paiba ibang lalaki din ang mga nakikita kong kasama niya.
Napabuntong hininga nalang ako, hindi ako susuko hindi ko siya tatantanan alam kong magugustuhan niya din ako gagawin ko ang lahat para ma pa oo siya.
"Tol, mukang malalim ang iniisip mo ah." Martin, nandito kami sa bar syempre para makalimot.
"Oo eh, pasaway yung pinsan ni Raph." Napatawa nalang ito.
"Bakit?"
"She Rejected me, She's a playgirl pero wala akong pakialam. Kahit paulit ulit niya kong tanggihan paulit ulit ko lang ding siyang liligawan hanggang mapagod na siya kakatanggi at angkinin na niya ako." Iiling iling itong tumitig sakin.
"Pag talaga tinamaan ka ng love kasama na rin doon yung salitang pagpapakatanga." Seryosong sabi nito.
"I know." Tanging pilit na ngiti nalang ang naibigay ko sa kanya at napalingon sa counter at fvck!
I saw her shit! Nag iinit yung ulo ko sa nakikita ko ano pa bang bago? May kahalikan nanaman siya and this time mas malala parang isusuko na niya yung sarili niya dun sa bastardong lalaking yun.
Hindi ko na kaya pang panuorin yung nakikita ko, agad ko silang pinuntahan at sinapak yung lalaki.
Tangina! Walang respeto sa babae talagang dito pa?!
"Ohmygod! Scott!"
"Bastard!" Pinagsusuntok ko lang yung lalaking ito, inaawat na ako ng mga kaibigan ko pero gusto kong puruhan ito.
"Pre awat na!" Raph
"Sige pre bugbugin mo pa!" Matthew
"ANO BA SCOTT!! TAMA NA!!" Dun lang ako napatigil, agad kong hinatak si Brianne palabas ng bar.
"Ano ba Jayce!" Pumiglas ito kaya nabitawan ko siya, matalim na tinignan ko ito.
"Bakit ka nakikipaghalikan dun?! Kilala mo ba yon ha?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
"Ano bang paki mo?! Hahalikan ko kung sino mang gusto kong halikan at wala kang pakialam don!"
"Brianne may paki ako dahil mahal kita at nag aalala ako sayo!"
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong pakialam sa nararamdaman mo?! At pwede ba wag kang umarte na parang boyfriend kita! I don't even like you Jerk." Dun ako natahimik, nasaktan ako sa sinabi niya.
Nasaktan nanaman ako.
"Sorry ah… Sorry kasi inistorbo ko yung pag hahalikan niyo…
Sorry kasi ginugulo kita sorry kasi mahal kita… Sorry kasi nag aalala ako sayo." Ayun nalang ang sinabi ko at umalis na, nasaktan ako sa mga sinabi niya sobra.
Masama bang mag alala sa kanya? Kaya ko lang naman nagawa yun kasi baka kung anong gawin sa kanya nung lalaking yon.
Sa bagay, wala naman akong karapatang bakuran siya dahil hindi naman siya akin.
Umuwi nalang ako sa bahay namin, nakita ko sila mi and di na nagbobolahan nakaupo sa sofa ng living room.
"Hi Mi, Di." Malungkot na bati ko
"Anak!" "Son." Agad akong niyakap ni Mommy, tinapik naman ako sa balikat ni Daddy.
"We missed you anak sobra."
"Namiss ko din po kayo ng sobra." Niyakap ko si my at nginitian ko naman si di.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay mom at nagtanong, "My nasan po sa Tamie Fei?"
"Nasa taas, nako iyong kapatid mo lumalala na yung pagkahilig sa gwapo."
"Hayaan niyo po My, pagsasabihan ko po."
"Puntahan ko po muna si Tamie." Tumango nalang sila, umakyat na ako at kumatok sa kwarto ng kapatid ko.
"Pasok." Agad naman akong pumasok.
"Kyaaah! Kuya I missyou!" Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako, napangiti ako at niyakap din ito pabalik.
"Namiss din kita Lil Sis." Bumitaw na ito sa pagkakayakap namin at hinarap ako
"Kuya bat ngayon kalang pumunta dito?"
"Sorry na, busy lang si kuya." Bigla naman itong ngumuso.
"Eeeh! Baka may ibang babae kana bukod samin ni My?" Hinila ko yung nguso nito.
"Hmpmph." Hahaha, binitawan ko na ito.
"Ikaw talaga, tara nga dito."
"Eeeh kuya! Meron ba?"
"Merong akong mahal, kaso di ako mahal." Napabuntong hininga nalang ako.
"Ayan kasi kuya ang pangit mo kasi." Abat't nanglait pa.
"Edi pangit ka din kasi mag kamukha tayo?"
"Weeeh sige na nga gwapo ka na!"
"Good." Humiga ako sa kama niya at pumikit.
"Ano nga palang ginagawa mo dito kuya?"
Umupo nadin ito sa kama niya.
"Masama na bang pumunta dito hah?"
"Hindi naman."
"Nga pala si mi nag sumbong sakin, ikaw ah tigiltigilan mo yung mga gwapo at baka mapunta ka sa pangit."
"Grabe naman kuya, anong gusto niyo maganda yung kahiligan ko? like ewww!"
"Pinagsasabihan lang kita, teka may boyfriend ka na ba?"
"Like duh! Syempre meron akong boyfriends."
"Ano?!" Nagulat ako sa sinabi nito.
"Lalaking kaibigan! Ang oa mo kuya." Umiirap na sabi nito.
"Good, akala ko may kasintahan ka ng bata ka eh."
"Meron nga kuya madami." Hindi ko narinig ang binulong nito, dahil sobrang hina kaya di ko nalang pinansin.
Nakatitig lang ako sa kisame nitong kwarto niya at napabuntong hininga.
Kamusta na kaya si bri nakauwi na ba siya? Maayos ba ang lagay niya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? May kasama kaya siyang ibang lalaki?
Napabuntong hininga nanaman ako.
"Kuya, pang ilang beses mo ng buntong hininga yan yung totoo? Ano pang problema mo bukod sa muka mo?." Sinamaan ko ito ng tingin.
"Namomroblema ako sa muka ko dahil sa sobrang gwapo ko.." Nireject ako, gusto ko sanang sabihin iyan kaso wag na.
"--hinahabol habol ako ng mga babae." Sumimangot naman ito.
"Kapaaal!!" Tumayo ito at hinatak ako patayo sa kama niya.
"Labas na kuya matutulog nako."
"Aw hindi ako namiss ng lil sis ko." Umarte pako na nasasaktan.
"Eeehh kuya ang oa, syempre namiss kita kaso inaantok nako may pasok pa ko bukas, sa susunod kasi na dadalaw ka dito agahan mo naman ng konti."
"Sige na nga." Tumayo na ako, niyakap naman ako nito.
"Namiss talaga kita kuya, goodnight and I love you." Niyakap ko na din ito at nag goodnight at iloveyou too bago lumabas ng kwarto niya.
Uuwi nako, pero bago yun magpapaalam muna ko kila my and dy.
Nandito na ko sa tapat ng kwarto nila hindi muna ako pumasok kasi naririnig ko pa silang nag uusap or should i say nag lalambingan.
"Wifey, I love you mahal na mahal na mahal kita."
"Hubby I love you too hinding hindi ako magsasawa na sabihin at iparamdan iyan sayo."
Napangiti nalang ako sa narinig ko, kumatok muna ako bago pumasok.
"Mom, Dad, uuwi na po ako sa condo ko." Lumapit ako kay mom at hinalikan ito sa pisngi at noo kay dy naman ay niyakap ko din.
"Oh bakit hindi ka pa dito matulog?" My.
"My may pasok pa po kasi ako bukas at wala po akong uniform dito." Napatango naman silang dalawa.
"Alright son malaki kana ikaw ang bahala." Sangayon ni dy
"Sige anak mag iingat ka." My
"Kayo po ang mag ingat kay dy my baka-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may tumama sakin unan.
"Heh! Itong bata na ito alis na dun." Pag tataboy sa akin ni di, tatawa tawa naman akong lumabas sa kwarto nila.
KINABUKASAN
Naglalakad ako papunta sa room namin naiilang nga ako eh kasi yung ibang mga babae grabe makatitig sakin at halata mo namang mga kinikilig.
Naglalakad palang ako pero kinikilig na sila pano pa kaya pag ngumiti ako?
Ngayon lang ba sila nakakita na naglalakad na gwapo?
Hindi ko nalang pinansin ang mga matang nakamasid sa akin at nagpatuloy sa paglalakad, paakyat na sana ako sa ng makita ko si bri palabas ng cr, nagulat siya ng makita ako pero agad din akong tinaasan ng kilay.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy na sa pagakyat papuntang room
Nang makapasok ako sa room ay agad akong umupo at pinatong yung ulo ko ko sa desk pvcha! Naaalala ko nanaman yung kagabi.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko at inuntog yung ulo ko sa desk.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng may mag salita sa tabi ko
"Problem?" Si Raph umiling lang ako at dumiretso na ng tingin sa harap.
"Nakita't narinig ko yung pagtatalo niyo ni Bri." Napatingin ako dito at napabuntong hininga nalang.
"Pre, kung gusto mo talaga siya iintindihin at hindi mo siya susukuan."
"Sukuan? Minsan naisip ko na iyan pero wala ata sa bokubolaryo ko ang sumuko. Pag gusto ko gusto ko at pag gusto ko makukuha ko, pag mahal ko mahal ko at dahil mahal ko yung pinsan mo iintindihin at tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita galing sa bibig niya hangang yung mga masasakit na salita maging sweet words at i love you na." Ngumiti ng nakakaloko si raph.
"Gago pre di bagay para kang bakla!" Natawa ako sa sinabi niya
"Ulol!" Natahimik kami ng pumasok na yung prof namin at nagsimula ng magturo.
Tapos na ang klase namin at pupuntahan ko ngayon si Bri. Isasabay ko na siya pauwi sa ayaw at sa gusto niya
Nakita ko siya na palabas na sa tinatawag nilang model room.
Ang ganda niya talaga, lalapitan ko na dapat siya ng may tumawag sa kanya
"Best!" Si Danna, kilala niya pala si Danna?
"Bakit best?" Lumingot ito kay danna
"Wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo ah." Ngumiti ng nakakaloko si Bri at tumango.
"Oo na! Mauna nako at hoy babaita wag kang mag ba-bar na hindi ako kasama oki?"
"Oki best ingat." At nag beso beso na sila ng naglakad na palayo si bri ay sinundan ko ito.
Naramdaman niya atang may sumusunod sa kanya lumingon ito sa kinaroroonan ko.
Tinitigan ko lang siya ng walang emotion na mababasa sa muka ko, shempre malay mo tumalab diba? Mag papanggap muna akong galit hahaha!
Naglakad ako papalapit sa kanya at hinatak siya, pero sinisiguro ko naman na hindi siya masasaktan sa pag hawak o hatak ko sa kamay niya.
"J-jaycee." Hila hila ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot at isinakay ko siya sa kotse ko.
Himala at hindi siya nag pupumiglas masyado ba kong nakakatakot pag seryoso? Ng makapasok ako sa driver seat eh agad siyang nagsalita.
"T-teka saan mo ako dadalhin?" Binuhay ko na ang makita at bago ko ito paandarin ay sinagot ko na yung tanong niya.
"Sa lugar kung saan ka maiinlove sakin."