Chapter 5 :5
Kakauwi ko lang sa condo ko at eto ako hawak ang cellphone ko, ano pa ba? Edi itetext ko siya.
To: Brianne ko.
Hi Bri, I really enjoy this day. Thank you sa pagsama sa akin. -Jayce
Sent
Di nag tagal eh nag vibrate din ang phone ko. Agad ko itong tiningnan
From: Brianne ko.
Mee too Scott, anyway sorry if I kissed you. It supposed to be on your cheek but you are too handsome, so I kissed you in your lips.
Napatawa ako sa text niya gusto ko sanang magreply ng ayos lang gusto ko din naman, sana nga maulit.
Pero ang kapal ko naman nun haha.
To: Brianne ko.
I understand Bri, gwapo kasi ako.
Agad din naman itong nag reply ng I know.
Nagreply din ako ng goodnight beautiful, pero naghintay ako ng one minutes two hangang umabot sa isang oras ang paghihintay ko pero hindi padin ito nag rereply
Baka tulog na, kaya natulog na din ako.
KINABUKASAN
Martes ngayon, parehas kami ng schedule ni Bri kaya susunduin ko siya mamaya sa kanila.
Napag isip isip ko na aamin na ako sa kanya para makapag simula na akong manligaw sa kanya.
I don't know. Dati hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nung nangyari na sa akin. Grabe iba pala yung tama.
So ayon mamaya pa naman 9 am ang pasok ko, kaya nagluto muna ako ng makakain ko.
Pagkatos kong maluto kumain na ako at naligo, susunduin ko na siya and no hindi niya alam na susunduin ko siya.
Agad akong sumakay sa kotse ko tinext ko din siya ng Goodmorning pero wala pading reply hanggang ngayon.
Malapit nako sa kanila ng may matanaw akong kotse sa tapat ng bahay nila, itinabi ko yung kotse ko sa hindi kalayuan sa bahay nila kaya tanaw ko padin ito.
Bababa na dapat ako ng may lumabas na lalaki sa kotse at lumabas si Bri sa bahay nila.
Pero nagulat ako at the same time nasaktan ako sa nasaksihan ko.
Niyakap ni Bri yung lalaki at bigla nalang hinalikan ito sa labi, ang tagal ng halikan na iyon at habang naghahalikan sila doon hindi nila alam na merong isang lalaking nanunuod sa kanila at nasasaktan.
So ito ba iyong sinasabi ni Raph? Kung eto yun masakit nga.
Umalis na ako doon dahil mukang hindi na niya kailangan ng sundo habang nagdadrive ako papuntang school hindi ko maiwasang hindi mag isip.
Siguro kailangan ko ng kumilos baka maunahan pako ng iba, tumigil ako sandali at bumili ng bulaklak. I must get start Courting the Ms. Playgirl.
Pag ka-dating ko ng school, agad ko siyang hinintay sa tapat ng room nila ayoko sa gate baka makita ko pa yung lalaki kanina.
Hawak ko ang bulaklak at matyagang nag hihintay, pinagtitinginan pa nga ako at ang dami ring kinikilig na babae hay buhay.
Pogi problems! Hindi nagtagal nakita ko na din itong naglalakad papalapit sa akin kaya sinalubong ko na agad ito.
"Hi Beautiful." Ngumiti lang ito sa akin
"For you." Sabay abot ko ng bulaklak
"Wow! Thankyou." At hinalikan ako nito sa pisngi napangiti nalang ako.
"Anyway para saan to?"
"Para sayo syempre." Sinamaan niya ako ng tingin
"Kidding aside. I wanna court you." Seryosong sabi ko, tinaasan lang ako ng kilay nito.
"Hindi na kailangan." Agad akong nalungkot
"--kasi sinasagot na kita." At pagkatapos nun hinalikan ako nito sa labi, nagulat ako dahil ang bilis naman. Ng matapos yung halik na iyon ay seryoso ko siyang tinitigan.
"No. Gusto kitang ligawan at gusto kong maging seryoso ang relasyon natin kung sasagutin mo ako." Agad nawala ang mga ngiti nito
"Sorry Scott, pero hindi ako marunong magseryoso ng isang relasyon." Agad ako nito tinalikuran.
Pero bago pa ito makalayo ay nagsalita na ako.
"I like you, no scratch that I love you kaya gagawin ko lahat magustuhan mo lang ako at kung hindi ka man marunong magseryoso tuturuan kita kung pano mag seryoso sa isang relasyon. Tuturuan kitang seryosohin ako..." Napatigil ito sa pag lakad, akala ko may sasabihin siya pero wala agad din itong lumakad palayo.
Naglalakad nako papunta ng room ng biglang may yumakap sa akin, napangiti agad ako at niyakap din ito pabalik.
"I miss you jayce."
"I miss you too Ella super." God! Namis ko bestfriend ko. three weeks kona kasi siyang hindi nakikita busy kasi siya sa pagbabantay sa mama niya na may sakit.
"Tara pasok na tayo bestfriend?"
"Tara!" Inakbayan ko ito at naglakad na papasok, ganito lang talaga kami sa isat isa. Parang kapatid ko na nga ito eh.
Break time at papunta na kaming canteen ni Ella ng humarang si Matthew sa daan.
"Oh, bumalik na pala yung pangit na bestfriend mo Jayce?" Pang aasar nito kay ella, lagi namang ganyan yan eh.
"Hoy ikaw mukang asong playboy ah wag ka manira ng araw alis!" Tinulak siya ni Ella pero di pa rin nag patinag itong si Matthew.
"Aba aba, nagsalita ang mukang pusang panget." Bago pa sila mag patayan sa insulto eh umawat nako.
"Hep hep, Tama na! Ikaw Mathew alis kakain pa kami ni ellatot."
"Ayoko! Sasama ako baka kalmutin ka ni pusa!"
"Aba't ang kapal netong asong to!" Hinila ko nalang si ella papuntang canteen bago pa magkaron ng world war II
Hanggang sa pag upo namin ay bangayan ng bangayan yung dalawa.
Nakita kong papalapit dito yung tatlong ugok kasama si Jasmine.
"Mga tol- uy hot babe hi beautiful!" Epal ni Tofer sabay lapit kay Ella at akmang hahalikan sana nito yung tuktok ng kamay ni ella pero agad hinablot ni Mathew yung kamay ni ella palayo kay tofer.
"Tol naman!!"
"Hindi pwede, baka makalmot ka ng pusa nato! Concern lang ako sayo tol." Kunwari pa itong sa mathew eh.
"May napaghahalataan." Raph
"Ang kapal mong aso ka!" Hindi ko nalang sila pinansin.
"Hi Jasmine."
"Hi Jaycee." Agad namang inakbayan ni Raph si jasmine.
"Ulol! Di ko aagawin sayo si Jasmine, may mahal na ako!" Biglang tumahimik yung lahat ng sabihin ko yun napa "Shit." Nalang ako kasi alam na ng apat, nagulat si Ella sa sinabi ko pati nadin yung tatlong ugok.
"Yown!" Tofer
"Sino naman yung malas na babae na iyan?" Matthew
"Nice." Simpleng sabi ni Martin at tinapik ako sa balikat ko
"O-omg ano.. t-talaga may mahal ka na sino?" Ella bigla siyang hindi mapakali.
"Oo yung pinsan ni Raph si brianne."
"Woah nice pre!"
"Brianne!" Napatigil ako ng tawagin ni Raph si Bri, unti unti akong lumingon sa kanya at nakahinga ng maluwag ng makita ko siyang walang kasamang ibang lalaki.
"Raph!" Agad itong lumapit sa amin, tahimik padin sa table namin.
"Hi, Jasmine. Hello." Pagbati niya sa amin tumango lang si jasmine dito, tumayo ako at lumapit sa kanya napakaganda talaga.
"Hi Scott!" Ngumiti ako dito.
"Scott?!" Sabay sabay na sabi nila.
"Ang iingay nyo!" Sabi ko, akmang tatayo yung dalawang playboy ng pigilan ko ito.
"Hoy dalawang ugok! Wag kayong magkakamaling lumapit sa mahal ko patay kayo sakin!" Agad naman silang umupo at bumulong ng sayang.
Pagtingin ko kay Bri nakangiti lang ito sa tatlong lalaking nandito takte naman oh!
"Teka mag order muna tayo." Sabi ni Jasmine, at nagorder nanga kami ng makakain.
Habang kumakain kami sobrang tahimik ni Ella nung tinanong ko naman ito ayos lang daw siya.
Ako naman panay ang asikaso ko kay Bri, tanging ngiti lang ang binibigay nito sa akin.
"Pre di mo naman sinabi na may maganda kang pinsan." Epal ni Mathew.
"Ang landing aso." Narinig ko pang bulong ni Ella.
"Oo nga tol, ikaw madamot ka!" Tofer.
"Manahimik na nga kayo kitang nasa harap ang pagkain eh." Suway ni Martin, nanahimik naman yung dalawa.
"Ble." Pang asar namin ni Raph dito.
"Don't worry boys we can have a dinner naman right?" Agad akong nagreact sa sinabi ni Bri.
"No! Hindi pwede!"
"Bakit naman?" Bri.
"Oo nga?!" Dalawang bugok.
"A-ano ah. Ano kasi diba Matthew may date pa kayo ni Ella? At ikaw Tofer mamamasyal kayo ng girlfriend mo diba? Diba?!" Pinanlakihan ko sila ng mata nagtawanan naman ang mga gago.
"Hahahaha! Oo nga pala may date kami ni pusa." Sorry ella.
"Ako, wal--"
"Tofer diba meron." Mariin nasabi ko. Napipilitan naman itong tumango. Goodboy!
"Ah okay, maybe next time." Bri, pwede naman ako nalang eh.
Natapos kaming kumain at nagkanya kanya na syempre ako kasama ko si bri pero parang ilag ito sakin ngayon.
Nakaupo kami sa isa sa mga bleachers dito sa school. Sobrang tahimik kaya nagsalita na ako.
"Bri, seryoso ako sa sinabi ko kanina." Tinitigan ako neto ng masama
"Sinabi ko ng ayoko Scott! Ayoko sa seryosong relasyon at pwede ba?! Hindi kita gusto at lalong lalo ng hindi kita mahal! So kung ayaw mo sa gusto ko stay away from me!" Parang sinasaksak yung puso ko sa sakit dahil sa sinabi niya pero hindi ako susuko.
"No, hindi kita lalayuan and yes you don't love me pero gagawin ko ang lahat magbago ka lang Bri, mamahalin mo din ako hindi pa ngayon pero dadating din tayo dun. hindi ako papayag na maging isa lang sa mga flings mo, I will make you fall for me, just please give me a chance please..." Ngumisi lang ito sa akin at walang emosyon akong tinitigan.
"Wala akong paki sa nararamdaman mo scott, hindi ako mag ii-stay sa isang lalaki lang, hinding hindi mo ako mababago hinding hindi mo mababago ang playgirl na ito." And with that umalis na siya at iniwan ako, na nasasaktan dahil sa sinabi niya.
Maaaring hindi niya pa ako mahal sa ngayon but soon. I dont care if she is a playgirl i love her.
Tawagin niyo na akong tanga pero hindi ako susuko, dahil ang tunay na nagmamahal hindi basta basta sumusuko.
Just wait and see I will make that playgirl fall for me.