Library
English
Chapters
Settings

Chapter 4 :4

Ngiting ngiti ako habang naglalakad, tapos na ang klasi namin at eto ako parang tangang ngingiti ngiti mag isa

Yung iba nga nawi-weirdohan na sa akin pero wala akong paki sa iisipin nila buhay ko ito hindi kanila

Nagulat ako may biglang umakbay sa akin paglingon ko si Raph pala.

"Ngingiti ngiti ah? Anong meron?" At binigyan pa ako nito ng nakakalokong ngiti

"Hindi ko alam na chismoso ka pala." Nakasimangot kong sabi sa kanya, natawa lang siya sa sinabi ko

"Tol, hindi ako chismoso gwapo lang. Gwapo." Hindi ko nalang ito pinansin at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Bakla ka ba? Akbay na akbay eh!" Sita ko dito.

Pero sadyang makulit ito kaya sumunod padin sa akin, pinabayaan ko nalang alam kong wala pa si Jamine kaya ako kinukulit nito.

Pupuntahan ko si Brianne sa room nila, pano ko nalaman? Wala eh ganun talaga pag cute na gwapo

Nang maisip ko ang pangalan niya ay bigla nanaman akong napangiti

Pero unti unti din iyong nawawala habang papalapit ako sa harap ng room nila.

Nakita ko siya na may kayakap na lalaki at kangitian.

"Bye babe see you!!" Then she gave a peck on that bastard lips.

Nasaktan ako sa nakita ko hanggang sa may bumulong sa akin.

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh, pinasok mo na ang mundo ng lalakero kong pinsan so panindigan mo." Mariin at seryosong sabi niya.

"Mas malala pa diyan ang makikita at mararamdaman mo kung patuloy mo siyang mamahalin, hindi sa sinasabi kong pigilan mo yang nararamdaman mo ikaw ang gusto ko para sa pinsan ko pero tol sana sana.. ikaw na makapagpatino sa kanya." Kung hindi lang seryoso itong bagay na ito pinagtawanan ko na siya dahil sa di bagay ang seryosong muka sa kanya.

Ngumiti lang ako kay Raph "Tol, kahit ano pa siya kahit ano pang gawin niya hindi na magbabago na mahal ko na siya at handa akong masaktan para lang maging akin siya, kung yung mahalin siya ay yung ikakasakit ko. Handa akong masaktan." Seryoso kong sabi sa kanya

"Tol ikaw lang naman inaalala ko kilala ko ang pinsan ko at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin sa mga lalaki." Konti nalang talaga matatawa na ako sobrang seryoso kasi nito

"Oo papayag akong masaktan pero tol pinapangako kong worth it yun kasi alam ko naman sa bandang huli maiinlove siya sa gwapo kong muka!" Dahil sa last line ko ay, bigla na lang itong tumawa.

"Ang kapal mas gwapo ako no!" Sabi nito i guess parehas lang kami nito na gwapo mas gwapo nga lang ako.

"Sige tol, puntahan ko pa yung love of my life ko."

"Tol wag mo kakalimutan she.is.a.playgirl." Mariin na sabi niya

"Eh ano ngayon? Courting ms playgirl is not bad at all." Sumimangot lang ito at naglakad palayo narinig ko pa itong bumulong ng whatever

Lumapit ako sa kanya pero bago ako makalapit ay narinig ko pa itong may kausap sa phone nito.

Okey honey, take care bye~

Wtf? Kanina babe ngayon honey naman.

Tumikhim ako para mapansin niya ang gwapong si ako. Di naman ako nagkamali napansin niya nga ang ka gwapuhan ko

"Ohh, you're here." Agad itong kumapit sa braso ko sht. Simpleng galaw niya pero kinikilig ako. Gay tsk.

"A-ah ano, tara na."

"Oh sure!" Pinipigilan kong wag kiligin pero shit. Tao lang din ako na pwedeng kiligin

NANDITO na kami ngayon sa isa sa pinakamalapit na park dito sa school namin

Pag-ka park na pag-ka park ko ng kotse ko ay agad itong nag reklamo.

"Seriously? As in dito tayo kakain? Ugh! Ayoko dito." Ngumiti lang ako dito, pero bigla itong umirap sa akin.

Napatawa ako sa ginawa niya

"Come on Bri, masaya dito promise hindi ka magsisisi."

Napipilitang tumango ito at bumaba na kami sa kotse ko.

"Ano namang gagawin natin dito?"

"Kumakain ka ba ng street food?" Napakunot ang noo nito tila nag tatanong ang mga mata.

"What--" Hinila ko na siya at pumunta kami sa mga nag titinda ng inihaw. Like isaw dugo.

Kumuha ako ng luto na isaw at isinawsaw sa suka ag kinain.

"Eeww!! Is that a food? Wag mong sasabihing ipapakain mo sa akin iyan?" Ngumiti ako sa kanya at napatango tango.

"NO WAY!!!" Nanlalaking mata at iiling iling pa na sigaw nito.

"Yes way, promise masarap ito." Kumuha pa ako ng isa at isinawsaw sa suka.

Iaabot ko sa kanya iyon

"Trust me." Nag aalinlangan niya itong kinuha at kinagat.

Nakita kong nagustuhan niya ang lasa kaya naman hindi na nito namamalayan na nakaka anim na siya. Ang cute niyang kumain kaya palihim ko siyang kinuhaan ng picture.

"Wahh! Ang sarap Jayce!!"

"Teka paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko, alam kong natakakatanga yung tanong ko pero hindi pa naman kami nagpapakilala sa isat isa. Nakakatawa oo magkasama na kami pero di padin pormal na magkakilala.

"Eh ikaw? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Balik tanong nito na agad ikinamula ng tenga ko.

"S-sa pinsan mo, kay Raph." Napatango tango siya

"Ganun din ako kay panget ko nalaman."

Naglahad ako ng kamay upang pormal ng magpakilala.

"Anyway I'm Jayce Scott Quiamco." Tinanggap niya naman agad iyon

"Im Brianne Hill Henderzon, nice to meet you Scott." Nagulat ako ng tawagin niya ako sa second name ko, ang mama papa at kapatid ko lang ang tumatawag nun sa akin.

Ngumiti nalang din ako sa kanya at nakipag shakehands.

"Mee too Bri." Ngumiti din ito sa akin,

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta kay manong na nag titinda ng kwek-kwek.

"Manong sampu po." Kumuha na ako at ng dalawang stick, share na kami.

"Kain ka, tikman mo masarap din ito."

Di na siya nag dalawang isip at kumuha na din.

Bakas sa muka niya na nagustuhan niya ito.

"Ah ang sarap!! Manong ano pong tawag dito?"

"Kwek-kwek ineng." Napatango tango na lamang siya habang ngumunguya.

Nakakatuwa siyang panuorin kaya gaya kanina, kinuhaan ko siya ng picture. Ang ganda talaga ngingiti ngiti ako habang nakatingin sa cellphone ko

I'm really inlove.

NANDITO nakami sa tapat ng bahay nila pero hindi pa rin kami bumababa. Nag offer ako if i can drive her home and she said yes.

"Thank you Scott, ngayon lang talaga ako nakakain ng ganun kasarap na pagkain."

"Welcome Bri."

"I really really enjoy this day Scott, thank you again." Nakangiti nitong sabi

"Mee to Bri, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng kasama ka kanina." Tumango lang siya sa akin.

"Bye Scott see you!" And then she gave me a peck on my lips! Oh god!

"Ops, sorry hehe." Lumabas na ito at pumasok sa loob ng bahay nila

Ako naiwang tulala at hawak hawak ang labi ko shit!

May napatunayan akong isang bagay

Hindi lang pala talaga mga babae ang kinikilig pati kami rin kaming mga lalaki.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.