Chapter 3 :3
Simula nung araw na inamin ko sa sarili kong gusto ko na siya na mahal ko na ang babaeng pinatibok agad yung puso ko ay naisip kong ligawan na ito agad.
Oo tama kayo ng basa liligawan ko na siya at kaya nga andito ako ngayon sa bahay nila Raph ay para magpaturo kung paano manligaw.
"Tol, ano ba ang ipinunta mo dito at inistorbo mo pa talaga ang labing labing namin ni Jasmine." Napatawa nalang ako sa sinabi nito.
"Tol naman, marami pa namang time para maglabing labing kayo ni Jaja mo." Sumimangot lang ito sakin.
"Ewan ko sayo! Pahirapan nanaman neto mamaya makakuha ng kiss." pag dadabog pa nito.
"Ang bakla mo tol." Mag sasalita pa sana ito ng dumating na si Jasmine na may dalang juice.
"Oh, anyway ano ba talaga ang ipinunta mo dito Jayce?" Pagtatanong ni Jasmine.
"Ahm a-ano ahm--"
"Nak ng putek bro wag kang bakla sabihin mo na kasi!" Eh sa nahihiya ako eh.
"Oo na!! Ano kasi a-ano gusto ko kasi magpaturo sa iyo kung paano manligaw." Kakamot kamot sa ulo na sabi ko.
"Oh em gi!! Dinga? Ikaw manliligaw?" Pasigaw na sabi naman ni Jasmine.
Tumango tango lang ako sa sabi niya
"Talaga bro? Abat sino ba iyang malas na babae na liligawan mo." Napasimangot ako dito, piningot naman siya agad ni jasmine.
"Aray! Baby aw hindi na!!"
"Tol, seryoso nga paano ba manligaw?"
"Maiwan ko muna kayo jan." Jasmine sabay tayo at alis nito.
"Tol, Pag manliligaw ka kailangan mo muna mag pakilala dun sa babae tapos kukunin mo yung number, then bo-bola bolahin mo tapos bigyan mo ng flowers and chocolates." Napatango naman ako sa sinabi nito at napangiti.
"Tol, sino ba iyang liligawan mo?"
"Yung pinsan mo." Wala sa sariling sagot ko
"ANO?! anak nang! Sa dinami dami ng babae dito sa mundo bakit yung pinsan ko pa?" nanlalaking matang tanong nito.
"Tol naman wag mong sabihing hindi mo ako papayagan?" Napasabunot si Raph sa buhok niya.
"Tol, hindi mo kilala si Brianne, Sobrang hindi mo siya kilala." Seryosong sabi nito.
"Kaya nga liligawan diba? Para makilala ko pa siya lalo, tol di ako papapigil mahal ko ang pinsan mo at gagawin ko ang lahat para lang maging girlfriend ko siya."
"Tol mahal agad?"
"Oo tol, wala ng pero wala ng bakit mahal ko ang pinsan mo." Nakangiti kong sagot.
Iiling iling namang ito tapos nagsalita.
"Sige tol, payag nako ligawan mo si Brianne, sana nga ikaw na ang makapag patino doon. Pero payong mag tropa lang tol, magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo bago mo pasukin ang buhay ng pinsan ko." Tanging tango lang ang nagawa ko sa sinabi nito.
KINABUKASAN..
Maaga palang nasa school na ako, uumpisahan ko ng manligaw.
Inaabangan ko si Brianne ngayon. Nandito kasi ako sa tapat ng gate at inaabangan siya syempre mag papakilala na ako sa kanya, napagalaman ko din na Fashion Design ang kursong kinukuha nito laking tuwa ko nga ng malaman na Fashion Designer siya kasi mag ka building lang kami.
Ang Engineering, HRM at Fashion Designer ay magka Building lamang. So ang swerte ko kasi lagi ko siyang makakasalubong o makikita.
Naputol ang pag iisip ko ng makita ko na siyang naglalakad papasok at hawak ang cellphone tila may kausap.
Malapit na siya kaya hindi ko sinasadyang marinig ang sinasabi niya
"Okey see you later bye!" Lalagpasan na sana niya ako pero humarang nako sa dinadaanan niya dahilan para mabunggo siya sa akin.
"Aww! He--" Sisigawan na sana ako nito pero nang makita ako ay bigla na lamang itong ngumiti, kaya napangiti nadin ako.
"Ohh its you again handsome." Sabay ngiti nito, alam kong parang bakla pero kinikilig talaga ako.
"H-hi a-ano sorry."
"Hi din, okay lang basta pogi." Natawa ako sa sinabi niya kaya natawa nadin ito.
"No hindi okay kaya para makabawi ako sa dalawang beses na pagkakabunggo sayo ay ililibre nalang kita mamaya after class ok ba yun?" Nakangiti kong sabi, ngumiti din ito
"Sure hindi nako tatanggi, libre eh." Sabay kindat nito.
"And anyway pwede ko bang makuha ang number mo? Para itetext nalang kita kung saan tayo-"
"Ok ok no problem." At binigay na nga nito ang number niya sa akin
"Thanks." Ngingiti ngiting sabi ko
"Mauna nako bye!" Then she kissed me on my cheek.
Oh god! What a Good day! May date at number na may kiss pa.
What a lovely day!