Chapter 2 :2
JAYCE SCOTT
Hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan yung nangyari nung nakaraang dalawang linggo.
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya at kada maiisip ko kung gano siya kaganda at kamukang anghel bumibilis yung tibok ng puso ko.
Lalo na pag naaalala ko yung gabing yun kung gano ka lambot ang labi niya.
Patuloy padin kami sa pag hahalikan ng maisip ko na mali ito, hindi dapat ako mag take advantage sa mga babaeng lasing
Marahan ko siyang tinulak, lumabas ako ng kotse
"Shit!" Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari
Nagulat ako ng biglang lumabas yung babae sa kotse ko at agad akong niyakap.
"Why babe, hindi ba ako magaling humalik?" Shit, lasing na nga talaga ito.
"Miss, alam mo lasing ka lang kaya nagagawa at nasasabi mo yang mga iyan." Kalmadong sabi ko pero sadyang makulit talaga siya at ikinawit pa yung mga braso niya sa batok ko.
"Hindi ako lasing, at lalong alam ko ang ginagawa ko Mister." Nangaakit na sabi niya.
At bigla nalang akong hinalikan shit talaga.
Tutugon na dapat ako kaso bago ko pa magawa iyon eh may tumawag sa pangalan ko
"Jayce!" Naitulak ko ng marahan ang babaeng to at napamura nalang ako sa isip ko ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.
"Raph." Nakakaloko ang mga tingin at ngiti nito sa akin pero agad din nawala ng mapatingin sa babaeng nasa tabi ko.
"Brianne?" Kilala niya ito?
"Shit! Pare isa ka ba sa mga lalaki ng pinsan kong ito?" Halos malaglag panga ko dahil sa sinabi nito. Ano daw pinsan at mga lalaki? What the fuck.
"Pinsan mo?!" Pasigaw na tanong ko. Hndi ko na itinanong yung 'mga lalaki' na nasabi niya
Pagbanggit kasi niya nun parang may kumikirot sa puso ko.
"Oo pre ulit ulit?"
"Whathe- bakit parang ang layo naman, maganda siya pangit ka." Napasimangot ito sa sinabi ko.
"Ulol, teka teka ano bang nangyari, bat magkasama kayo at nag haha-" pinutol ko na ito sa sasabihin niya.
"Hindi niya ako lalaki, niligtas ko lng siya sa lalaking bumastos sa kanya at dinala ko siya sa kotse ko at.. a-at Ahh basta!" Hindi ko masabi.
"Haha, wag muna ituloy sanay na ako dito sa pinsan ko. Sige tol hatid ko muna to mukang lasing nanaman eh." Sanay na siya? Bakit lalakero ba ang pinsan niya?
Napatingin ako sa babaeng maganda at inosenteng muka nito na nakasandal sa balikat ni Raph at mukang inaantok na walang imik eh.
"Tol, tama na titig. Sabi ko aalis na kami."
Tumango lang ako sa kanya at pinagmasdan sila maglakad palayo.
"Hoy ikaw Bri ah, Lasing ka nanaman!"
Narinig ko pang sermon niya sa pinsan niyang tinawanan lang siya.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napahawak sa dibdib kong ang lakas ng tibok ng dahil sa babaeng iyon.
Alam kong masyadong mabilis pero I think I like her.
"Tol, hindi ka pa ba papasok?" Tanong sa akin ni Matthew.
Nandito kasi kami sa library kasama tong mga bugok nato.
"Papasok tol, kaya nga nag aral kasi papasok," Sumimangot lang ito sa akin.
"Nako tol, wag mong binubwisit si Jaycee ngayon meron yan ngayon." Seryosong sabi neto ni Tofer.
Nagtawanan lang sila sa sinabi nung gungong, tumayo ako at kinuha yung mga gamit ko.
"O tol san ka pupunta?" Martin.
Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na
Pero di pako nakakalayo narinig ko pang may sinabi si Raph.
"Saan pa ba pupunta si Jayce, edi manlalalake."
"Hahaha! gago ka Raph." Mga gunggong.
Naglalakad akong mag isa, mamaya pa naman ang klase ko.
BS-HRM nga pala ang kinuha ko, hilig ko talaga mag luto eh namana ko kay Mom.
Si Martin ay Architecture si Tofer naman ay Engineering, si Raph ay BS-HRM din ang kinuha.
19 years old na ako 2ndyear college part time ko ang pagmomodel minsan lang at minsan naman kumakanta kami ng mga ulol sa mga bar ganon, hindi ako mahilig sa mga babae wala akong first girlfriend. Pero may first love ako.
Maloko din ako at masayahin happy go lucky- Napahinto ako ng may makabungguan ako.
"Aww!" Hindi ito natumba pero nakayuko ito kaya hindi ko makita ang muka.
"Sorry miss! Sorry talaga." Paghinging paumanhin ko.
Inangat nito ang ulo niya at nagulat nalang ako ng makita ko siya.
"It's okay, handsome." Kinindatan niya ako at tumunghay and then she gave me a peck on my cheek.
Para akong tanga na nakatulala dito, yung babaeng laman ng isip at puso ko nandito. Nandito siya shit. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko at isang bagay ang narealize ko ngayong araw na ito, I dont like her.
I think I love her.
Eto nanga siguro yung tinatawag nilang love at first sight.
Na love at first sight ako sa kanya.
Hindi na ako bata para hindi malaman itong nararamdaman ko sa kanya.
Alam ko at ramdam ko inlove na ako sa kanya.